Chapter 8
Hunter POV
“Iba talaga ang pagkabaliw mo kay Erica ano? Dalawang beses mo siyang papakasalan kahit na may nagawa na siyang hindi maganda sa iyo,” sabi sa akin ni Roch habang inaayos ang kanyang necktie, pinsan ko yang si Roch at malaki ang galit niya sa asawa kong si Erica. Naiintindihan ko naman kung bakit siya galit pero ako nga ay nakapag-move on na. Dahil mahal na mahal ko si Erica ay pinatawad ko siya at muli ko siyang inaya na magpakasal muli sa simbahan.
“Bro, move on. Mukhang ikaw ang ginawan ng masama ni Erica noon dahil jan sa galit mo sa kanya,” natawa na lang ako sa sinabi ni Skyler, isa pa sa mga pinsan ko.
Dahil madaming naging anak si Grandpa noon ay madami rin akong mga pinsan, isa pa ay malaki rin ang angkan naming mga Fajardo. Humahanga ako kay Grandpa dahil nagawa niyang i-manage ang buong pamilya namin at napagbuklod-buklod niya kami. Kahit strikto at masungit si Grandpa minsan ay puno naman ang pagrespeto namin sa kanya. Iyon nga lang ang gusto ni Grandpa ay siya lagi ang nasusunod sa mga desisyon kaya hindi maiwasan na magkaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Naalala ko ay nangyari na iyon sa Papa at Mama ni Roch, pero sa huli ay natanggap na na ni Grandpa ang relasyon nila. Pero si Roch hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ang lahat para matanggap siya ni Grandpa, dahil sa mga pinsan ko ay si Roch lang ang hindi talaga namin kadugo. Anak siya ni Tita Jasmine sa ibang lalake, pero kahit gano’n ay wala iyon sa akin dahil hindi naman importante sa isang pamilya kung magkadugo ba o hindi. Sabay na rin naman kami lumaki kahit mas matanda ako sa kanya kaya naman masasabi ko na kaming dalawa talaga ni Roch ang malapit sa isa’t isa.
“Sorry Kuya Hunter, pero wala pa din akong tiwala jan sa asawa mo. Pero kung sa kanya ka talaga masaya ay susuportahan kita,” nakangiti na sabi sa akin ni Roch saka niya ako tinapik sa aking braso. Kakatapos ko lang din kasi ayusin ang necktie ko dahil ngayong araw na mismo ang ikalawang kasal namin ni Erica, ang pinakamamahal ko ng lubos.
“Mukhang kinakabahan yata ang groom,” napalingon kaming tatlo nina Roch at Skyler sa nagsalita at iyon ay si Uno, isa din sa mga pinsan ko. Sabi ko naman sa inyo marami akong pinsan eh.
“Buti nakarating ka, ang iba,” tanong ko habang nakangiti pa rin ako dahil sa saya na aking nararamdaman dahil nga ikakasal na kaming muli ni Erica.
“Ando’n na sa simbahan at hinihintay na kayong dalawa ni Erica, congratulations ulit bro,” sabi nito sa akin at nakipag-fist bump siya sa akin.
Pagkatapos pa namin mag-usap saglit ay umalis na kami sa hotel at dumiretso na kami sa simbahan. Pagkarating namin doon ay binati ako ng mga kamag-anak namin at ni Grandpa. Maging ang kaibigan ko na si Chase ay dumalo kasama ang kanyang asawa na si Jane. Nagkakilala kami ni Chase noong nag-aaral pa kami ng kolehiyo. Parehas kami ng kurso at naging business partner din kami ng mga kumpanya namin na kami na ngayon parehas ang nagpapatakbo.
“Congratulations, bro Hunter,” nakangiti na sabi sa akin ni Chase at nagpasalamat naman ako sa kanya.
“Basta siguraduhin lang ng asawa mo na hindi ka na sasaktan kundi madami ang magagalit sa kanya,” sabi pa ni Chase dahil siya rin ang matalik kong naging kaibigan kaya alam niya yung nangyari sa amin dati ni Erica. Isa rin siya sa mga dumamay sa akin bukod sa mga pinsan at pamilya ko. Natutuwa nga din ako sa anim na kapatid niya dahil naging barkada ko rin naman.
“Chase, huwag ka nga magsalita ng ganyan. Kasal ng kaibigan natin kaya dapat puro positive lang ang isipin niya. Pasensya na Hunter ha?” sabi naman sa akin ni Jane na noon ay buntis na rin sa una nilang anak.
“Ayos lang iyon, naiintindihan ko din naman ang asawa mo. Huwag ka mag-alala bro kasi hindi na ako sasaktan ulit ni Erica, nangako na siya eh,” nakangiti na sabi ko kaya naman napangiti na rin silang dalawa sa akin.
Puwesto na kami sa bawat pwesto namin dahil oras na upang isagawa ang seremonya ng aming kasal ni Erica. Sisiguraduhin ko na hindi na niya ako iiwanan pa ulit. Hindi ko na makakaya kung mawala pa siya sa akin ulit. Hindi ko na rin naman hahayaan na mawala pa siya sa akin ulit. Gagawin ko ulit ang mga nagpapasaya sa kanya noon. Saka nangako na rin naman si Erika na hindi na niya iyon uulitin at naniniwala ako sa kanya.
Habang nakatingin ako sa pintuan ng simbahan na nakasarado ay biglang akong kinabahan na hindi ko malaman kung bakit. Pakiramdam ko ay nanlamig din ako kahit na malamig ang simoy ng hangin na abot dito sa loob ng simbahan. Inayos ko na lang ang aking sarili dahil pabukas na ang pintuan ng simabahan. Ngunit nakabukas na lahat-lahat ang pintuan ng simbahan ay wala pa ding Erica ang pumasok kaya marami na ang napapalingon sa nakabukas na pintuan, nagsimula na rin magbulungan ang mga tao na nandito.
“Sinasabi ko na nga ba,” rinig kong sabi ni Roch na nasa tabi ko kaya hindi ko maiwasan na tignan siya ng masama dala na rin ng nararamdaman ko ngayon.
“Shut up, Roch!” naiinis na wika ko pero hindi natinag doon si Roch.
“Kuya, gumising ka nga, kung talagang sisiputin ka niya ay nandito na sana siya kanina pa ---” hindi na niya naipagpatuloy na magsalita dahil nasuntok ko na siya.
“I said shut up! Darating si Erica! Nangako siya sa akin!” sigaw ko at inawat na ako agad ng mga pinsan namin ni Roch, maging si Roch ay inawat na rin dahil kita ko ang galit sa mga mata niya gawa ng sinuntok ko siya. Hindi ko naman talaga gusto na saktan siya nadala lang ako ng emosyon ko.
“Kuya Hunter!” napalingon naman kami sa boses ni Beatrice na nakasuot na ng gown habang patakbo siyang napunta sa kinakatayuan ko. Isa si Beatrice sa mga pinsan ko na babae at siya rin ang kasama ni Erica sa hotel na pinag-checkinan nila para makapag-ayos ito.
“Beatrice! Nasaan si Erica?” tanong ko sa kanya pero nakita ko na umiiyak lang siya sabay umiling sa akin. Dahil doon ay nanlambot ang aking tuhod dahil alam ko na ang pag-iling ni Beatrice, napaupo na lang ako sa sahig kung saan may sapin na carpet saka may inabot sa akin si Beatrice na isang papel.
“Habang kinukuha ko ang wedding gown ni Ate Erica bigla na lang siyang nawala. I’m sorry Kuya Hunter,” sabi sa akin ni Beatrice habang binabasa ko ang nasa sulat at nang matapos ko na mabasa iyon ay nilakumos ko na lang iyon dahil sa sobrang galit ko.
“Hunter, ano ba ang nangyayari dito at bakit wala pa rin si Erica?” narinig kong sabi ni Grandpa. “Nakakahiya sa mga bisita.”
“Wala ng kasal na magaganap Grandpa, mabuti pa ay umuwi na lang po kayo,” walang ganang sabi ko kay Grandpa.
Bakit Erica? Bakit mas pinili mo nanaman ang lalakeng iyon kesa sa akin? Ano bang meron siya na wala ako? Iinigay ko sa ‘yo lahat, ang luho mo maging ang puso ko at buong pagkatao pero bakit mas pinili mo siya? Bakit?
“Sisiguraduhin ko na hindi na ako iiyak ulit dahil lang sa mga babae, lalung-lalo na sa katulad mo, Erica. Pagsisisihan mo ito balang araw!” sabi ko na lang sa aking sarili.
“Hunter, nakaalis na ang mga bisita at ibang kamang-anak. Tumayo ka na jan at umuwi na tayo,” rinig kong sabi ni Daddy sa akin.
“Tito Lucas, hayaan niyo na lang muna si Kuya Hunter, ako na lang po ang sasama sa kanya,” rinig ko din naman na sabi ni Roch sa aking ama pero nananatili pa rin ako na tahimik.
Isa-isang nagpaalam sa akin ang mga pinsan ko maging sina Chase at Jane ay kinakailangan na ding umalis. Sinamahan din naman ako nila pero naiintindihan ko na marami pa silang importanteng gagawin bukod dito. Saka hindi naman nila kasalanan ang nangyari sa akin. Isa pa ay hindi nila ako makausap ng maayos dahil ayoko muna na may makausap ako, gusto ko munang mapag-isa.
“Kuya,” rinig ko na tawag sa akin ni Roch kaya naman napatingin ako sa kanya at nakita ko na pumutok pala ang kanyang labi na aking sinuntok kaya naman mas lalo akong nagalit. Dahil sa babaeng iyon ay nagawa kong suntukin ang pinsan ko na wala namang ibang ginawa kundi ang alalahanin ako.
“Kung nandito ka para sumbatan ako ay umalis ka na lang. Oo na, tama ka na, hindi siya sumipot, okay na?” sabi ko na lang at tumingin na lang ako sa ibang direksyon dahil kitang-kita ko ang putok na labi ni Roch.
“Kahit gustuhin ko naman na sumbatan ka, hindi ko rin naman magagawa iyon dahil sa kalagayan mo ngayon. Hindi rin naman ako nagagalit kasi sinuntok mo ako dahil alam ko na nadala ka lang naman ng iyong emosyon. Hindi nararapat para sa ‘yo si Erica, matagal ko na iyong sinasabi sa ‘yo Kuya,” sabi ko at nainis ako ng marinig ko ang pangalan ng babaeng iyon.
“Pwede ba Roch, ayaw ko na marinig ang pangalan ng babaeng iyan at gusto ko rin muna na mapag-isa,” napabuntong hininga na lang si Roch sa aking sinabi.
“Tawagan mo na lang ako kapag hindi mo na gustong mapag-isa,” hindi ko na sinundan pa ng tingin ang papaalis na si Roch dahil gusto ko nga munang mapag-isa. Ayoko na lang muna ng may makausap ngayon.
Ilang oras pa akong nanatili sa simbahan nakatulala lang ako habang pinapanuod na nililinis at alisin ng mga organizer ang mga kinabit nilang decoration sa buong simbahan. Hindi na rin naman nila ako pinaalis dahil alam na rin naman nila ang nangyari sa akin at wala akong paki kung naririnig ko ang usapan nila. Ang ayoko lang ay ang kaawaan nila ako hindi ko maiwasan na tignan sila ng masama kaya naman tumitigil sila sa pag-uusap nila.
Magtatakipsilim na ng magdesisyon ako na lumabas na ng simbahan dahil na rin magkakaroon na ng misa maya-maya. Sumakay ako sa kotse ko at nag-drive ako papunta sa bar ni Tristan, ang kaibigan ni Chase na ipinakilala niya sa akin noon kaya naman naging kaibigan ko na rin ito. Pagkarating ko sa bar ay dumiretso ako sa counter bar at agad na nag-order ng isang baso ng alak sa bartender na agad niya din naman ginawa. Pagkabigay niya sa akin ng baso na may laman na alak ay agad ko iyon tinungga pero nabitin ako.
“Akin na ‘yung isang bote neto!” halatang nagulat yung bartender pero agad niya din naman iyon ibinigay sa akin at binigyan niya pa ako ng bagong baso na may laman na bagong yelo.
Pero hindi ko na iyon ginamit dahil nilaklak ko na lang ng diretso ang laman ng bote at ramdam ko ang hagod ng init ng alak sa aking lalamunan. Dahil nga nilaklak ko lang iyong laman ng bote ng straight ay agad akong tinamaan ng espirito ng alak. Pero kahit may tama na ako ay hindi ko pa rin siya nakakalimutan at ang pangako nito sa akin.
“Pagsisisihan mo din ito Erica, balang araw ay maghahabol ka din sa akin!”
Bigla akong nagising dahil sa aking panaginip, nakalimutan ko na nakatulog pala ako dito sa loob ng opisina ko dahil kagabi ay madami akong ginawa kaya anong oras na rin ako nakauwi. Tatlon taon na ang lumipas ng mangyari iyon ngunit patuloy ko pa rin iyon napapanaginipan na siyang ikinaiinis ko. May kumatok sa pintuan ng opisina ko kaya naman hindi ko na lang inintindi ang walang kwentang panaginip na iyon.
“Come in,” sabi ko at pumasok naman ang secretary ko na si Marie, buntis ito at nagsabi na siya sa akin na mag-mamaternity leave daw ito at pinayagan ko naman siya. Kaya sa susunod na linggo ay kinakailangan ko na magkaroon ng bagong secretary na papalit sa kanya pansamantala.
“Sir, eto na po ang maternity leave letter ko, pirma niyo na lang po,” sabi nito sa akin saka ko inabot ang inaabot niyang letter saka ko iyon pinirmahan at may dinagdag ako sa sulat niya na sioyang ikinagulat niya din.
“Sir, hindi ko naman po kailangan ng another 30 days eh,” naguguluhan na sabi niya sa akin. “Saka kailangan ko na din po magtrabao no’n.”
“Don’t worry, babayaran ko yung dinagdag ko na 30 days sa maternity leave mo. Alam ko naman na unang anak niyo iyan ng asawa mo kaya kailangan mo pang mag-adjust,” sabi ko habang nagbabasa na ako ng mga email ko.
“Talaga, Sir? Ang bait niyo talaga. Salamat po Sir Hunter. Ewan ko nga at bakit tingin ng iba sa inyo ay walang puso,” napatingin naman ako sa kanya at nagulat siya sa kanyang sinabi. “Naku, Sir Hunter, sorry po, narinig ko lang naman iyon sa ibang empleyado eh. Paano kasi ay lagi kayong nakasigaw at nakasimangot. Tapos bihira din po kayo magpakita sa mga empleyado kaya akala nila matanda na kayo lalo na ng mga baguhan.”
“Kung hindi ka lang talaga buntis ay kanina pa kita sinigawan dahil jan sa kadaldalan mo. Baka mamana pa iyan ng anak mo,” masungit na sabi ko kay Marie kaya naman natahimik na lang siya.
“Saka wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Binabayaran ko sila para magtrabaho dito at hindi para pag-usapan ako.”