Third person’s point of view Kanina pa tinititigan nila Jamaica ang lalakeng bagong datin. Hindi pa sila kaagad nakaalis dahil lahat sila ay nagulat sa lalakeng sinasabing kaibigan ni Moymoy. Ni minsan ay walang na kuwento sa kanila si Moymoy na may kilala itong personalidad. Nakaupo lang si Domingo sa sofa at nagtatakang nakikipagtitigan sa pamilya ng kaibigan ni Moymoy at sa lola nito. Sinasabi niyang umalis na sila papunta sa presinto ngunit hindi pumayag ang isang babae sa kanila. Hindi na napigilan pa ni Jamaica ang kanyang sarili. “Domingo Benitez. Ikaw. Ikaw ‘yong negosyante rin, ‘di ba? Pamangking ka ni– sino ba ‘yon?” “Dante Benitez,” may riin na sabi ni Shanang. “Kilala ko ang pamilya niyo. Bakit at paano kayo nakilala ni Moymoy, ha?” Bahagyang umarko ang kilay ni Doming

