Dante’s Point of View Nagising ako na mabigat ang aking ulo. Nakaramdam ako nang matinding sakit sa aking batok. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. I saw the three men who took me earlier. Hindi na sila nakauniporme ngayon pero may mga baril pa rin sa tagiliran. Ang dalawa ay nakaupo sa harap ng lamesa at kumakain. Ang isa ay nakaupo sa mahabang sira-sirang sofa at nanonood ng tv. Napakunot ang noo ko. Nasaan ako? Sinubukan kong magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Doon ko lang napansin na may busal pala ako. At noong sinubukan kong igalaw ang aking katawan ay hindi ko iyon magawa. “Ah, gising ka na pala.” Napatingin ako sa isang lalakeng kumakain. Siya iyong nagtutok ng baril sa tagiliran ko. Uminom ito ng tubig at tumayo. Saka naglakad papalapit sa akin. Tinangga

