Quielle
Simula ng gabing ‘yon, madalas niya na akong bisitahin sa apartment. Kung hindi man siya makakabisita, he would tell me ahead of time or he would do a quick visit after his work. Sa apartment siya magdi-dinner at aalis na rin pagkatapos kumain.
I became more comfortable with his presence. Naglaho na ng tuluyan ang pagkailang ko sa kanya. I can talk to him anything I want. Kahit biruin ko siya, nagagawa ko na. I can’t even look at him before. Para pa akong napapaso sa tuwing nagpapang-abot ang mga mata naming dalawa. He was intimidating. His presence bothers he was around. At para akong hindi mapakali sa tuwing nandyan lang siya sa paligid.
But now, my inhibitions totally faded away. Ibang rason na kung bakit hindi na ako makatingin sa kanya ng tuwid ngayon. At ibang pagkakataranta na ang nararamdaman ko tuwing nandyan siya sa paligid ko.
It’s a different feeling now. It’s not foreign and uneasy. It’s familiar and very comforting.
Like a found a new friend on him. Or maybe…a confidante. Or…I don’t know, someone I could be with just being myself. With no pretentions at all.
Mabilis lumipas ang mga linggo at buwan, tapos na ang semester. Ang sabi, may isang linggo kaming bakasyon at isang linggo naman para sa enrollment. Hindi ko pa nasasabi kay Tatay na binayaran na ni Sandro ang tuition ko noong nakaraang semester kaya inipon ko na lang ang mga ibinibigay niya.
I was lazily laying in my bed, ka-text ko ulit si Sandro. He said he just came home in his penthouse and haven’t eaten yet.
Ako:
Pwede ka naman mag-order na lang para hindi ka na magluto pa.
Pasado alas nuwebe na. I can only imagine him working all day tapos wala pang pagkaing sasalubong sa kanya.
Sandro:
I’ll just take a shower. Would you mind ordering for me?
I smirked. Kapag ganitong late na, halos ayaw niya ng kumain. I kept nagging him about that. Ang sabi niya’y wala na raw siyang oras para roon kaya nag-boluntaryo na akong gumawa para roon.
Ako:
Alright, what do you want?
“Ate!” Narinig ko ang tawag ni Darwin galing sa labas ng kwarto ko.
“Oh?!” Napalikwas ako sa pagkakahiga ko.
“Halika!” Balik-sigaw niya sa akin.
Tumunog ang phone ko dahil nagreply na siya ulit.
Sandro:
The usual, baby.
“Ate!!” Tawag ulit niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang app ng food delivery. Naka-save doon ang madalas niyang order-in at ang address ni Sandro. Hindi ako agad kumilos dahil busy pa ako sa ginagawa. Hinayaan kong maghintay ang kapatid ko kahit pakiramdam ko’y urgent ang pagtawag niya sa akin.
Pagkatapos kong gawin ang sinabi niya, tinext ko ulit siya.
Ako:
Na-order ko na. Kain ka mabuti. :)
I tapped the ‘send’ icon. Pati ako’y napangiti sa ginawa. Para akong nakagawa ng malaking accomplishment sa pag-order lang ng pagkain niya. Feeling ko ang laki-laki na ng nagawa ko para sa kanya.
Nakarinig ako ng tatlong beses na katok mula sa labas ng pintuan. Si Darwin siguro ‘yan. Kahit tinatamad na, pinilit ko ang sariling bumangon para pagbuksan siya.
Pero dahil nag-reply ulit si Sandro, naging mabagal ang mga kilos ko. Natigil ako sa paglalakad at binasa ang mensahe niya.
Sandro:
Thanks, baby. :*
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagpipigil na mangiti. Heto na naman ang puso kong malakas ang pagkabog. The smiley he used on me meant something to me. Hindi ko tuloy matukoy kung ano; kung nagpapasalamat ba siya o kung nilalandi na naman niya ako.
Narinig ko pa ulit ang tatlong beses na katok sa pintuan ko. I sighed. Mamaya na lang ako magre-reply, tutal ay nagpaalam naman siya na magsha-shower pa.
I abruptly open the door to scold my annoying brother.
“Ano ba kasi ‘yon—-“
“Quielle!!”
Dinamba ako ng isang mahigpit na yakap ng kung sinong pinagbuksan ko. He’s tall and masculine. I stiffened when he embrace me more. I felt his warm body and smelled his natural scent.
Pinakawalan niya ako mula sa mahigpit niyang pagkakayakap. And I was even more suprise when I realized…
“Q-Quino?” I stuttered.
Nakangiti na siya nang harapin niya ako. But his smile widened more when I almost didn’t notice him.
Of course! He looked manlier in my eyes now. Mataas ang gupit ng kanyang buhok. Umimpis ang kanyang mga pisngi pero bumagay lang iyon sa kanya dahil nadepina ang panga niya. His muscles are into places now, and it fit him. Nakaputing round neck t-shirt lang siya at maong jeans na pinaresan ng sneakers pero ibang-iba ang aura niya.
Ang daming nagbago sa kanya! The boyish Joaquin Rod I know totally changed from the manly type I am seeing now.
Niyakap niya ako ulit. This time, nakaganti na ako.
“I missed you, Quielle!” He blurted out.
Narinig ko ang halakhak ni Darwin sa gilid namin. Doon ko na-realized na hindi lang kami ang tao roon. Bitbit niya ang isang palumpon ng bouquet of flowers at tatlong pirasong pink na balloons.
Kalaunan, pinakawalan niya rin ako sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin
“Hindi ka kasi agad bumaba, eh! Kanina pa kita tinatawag,” si Darwin na nakangiti na rin sa akin.
Hindi ako nakapagsalita agad sa gulat. Gabi na. And I am not expecting him because I know, he’s still in the Academy.
Or…nakalabas na ba siya?
Of course! Nandito nga siya ‘di ba?
“I am actually planning to visit you this morning. Pagkalabas pa lang ng Academy, dito ko agad gustong pumunta pero Ate Yael told me to atleast I should be prepared when I see you.” Nakangiti pa ring sabi niya. “I’m sorry for the late visit, though. I was asleep all day.”
I smiled and held his hand, trying to comfort him.
“I understand,” tanging nasabi ko.
Inabot ni Darwin kay Quino ang bouquet at ang balloons na hawak nito bago niya iabot iyon sa akin.
“For you,” ani Quino. “I bought your favorite.” Dagdag niya.
I smiled more. He remembered it. The big three sunflowers captivated my attention. It was beautifully designed with white roses, baby’s breath, and white lilies.
“Ang ganda,” bulalas ko.
Then I heard the shutters of the camera. Darwin took a photo of us. Hindi kami naka-post at nakaharap doon. It was a stolen picture of us.
Pagkatapos niya kaming kuhanan, inabot niya iyon kay Quino. That’s when I realized, it was his phone, not my brother’s.
“Sige, Ate, Kuya, baba muna ako. Baka ubos na yung meryenda eh!” Excited na sabi ni Darwin.
Hindi niya na kami hinintay na magsalita. Agad siyang bumaba. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa mga kapatid ko na pinipigilan niyang huwag ubusin ang mga pagkain. I heard Quino’s chuckles. Natuon ang atensyon ko sa kanya.
“I brought snacks for them.” He said. “Let’s join them?”
Tumango ako. “Ipasok ko lang ‘to sa kwarto,”
Pumasok ako roon para ilapag ang bouquet at mga balloons sa kama. Mamaya ko na aayusin ‘to. Mukhang mahaba ang magiging gabi dahil sa biglaang pagbisita niya.
I felt his touches on the side of my waist. Natigilan ako sa ginawa niya. I remained myself calm not because I felt the unfamiliarity of his touches but I don’t want him to feel that I am not comfortable with it.
Hindi ko pala naisara ang pintuan kasi. Kaya malaya siyang nakapasok dito.
He leaned closer to me. Katulad ko, matangkad din si Quino. Halos magkasing-tangkad kaming dalawa. Reason why it’s easy for him to reach the sides of my ear.
“How’s my girlfriend doing?” He whispered on me.
Napalunok ako, feeling guilty about what happened while he’s not around. I have been closed to Sandro. And I knew for myself that it’s different for him. My closeness with Sandro is different to my closeness with Quino.
“A-Ayos lang,” I tried myself to be casual but my voice only cracked.
He chuckled. Yumapos na siya nang tuluyan sa akin. Hindi ako pumalag. He hugged me from behind and rested his chin on my shoulder.
“I badly miss you, Quielle.” Hinalikan niya ang balikat ko. “I miss you so much. Kahit ilang bugbog pa ang abutin ko, basta marinig ko lang ang boses mo, tatanggapin ko.”
Gumuhit ang sakit sa puso ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ko kayang mangyari ‘yon sa kanya. Mabugbog para makausap ako? Sobra naman yata ‘yon.
Then I remembered…
“Nung tumawag ka…” kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. “Huwag mong sabihing—-“
“Ayos lang ako,” he assured me.
Umiling-iling ako. Seeing him in pain bothers me. Nangilid ang mga luha ko. Dapat hindi niya na ako tinawagan! Parang tanga naman eh…
“Don’t do that again, please…I don’t want you getting hurt…. ” I said pleadingly.
Umiling siya. “I will do it over and over again if needed.”
“Q-Quino—-“
“Why don’t we take this game seriously?” He suddenly asked.
I paused. Hindi ako nakapag-salita agad. Tiningnan ko lang siya sa mga mata niya. He looked serious. His eyes looked hopeful and his lips curved in a sexy smile.
“Quielle…” tawag niya sa akin.
I licked his lips. Hindi ko alam ang sasabihin.
“Why?” Tanging nasabi ko.
Humugot siya ng hangin, tila doon kumukuha ng lakas ng loob sa isasagot sa akin.
“Mahal kita,” sagot niya. “Mahal mo rin ako ‘di ba?”
Sandali rin akong natigilan. He told me countless times that he loves me. But I always respond that I love him, too. Because it’s true. I love him and he’s my most treasured friend.
But…to hear him telling me that he loves me seems wrong to hear now. Iba na ang dating nito sa akin.
“Of course because—-“
He kissed me. His lips landed on my cheeks, but nearly on the sides of my lips. Nagulat ako roon. Hindi rin bukal sa loob ang pagtanggap ko ng halik niya.
Tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag. Alam ko agad kung sino ‘yon. Nilingon ko ang kama ko kung saan nakalapag ang phone ko para sana sagutin iyon pero hindi ako hinayaan ni Quino.
“Then I don’t see anything wrong with my offer. Let’s get this thing serious,”
Umiling ako. “Quino—-“
“You don’t want me getting hurt, right?”
Shit! Now he’s using it to me now.
Pareho kaming natigilan. Tumigil na rin ang pag-ring ng phone ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang gagawin.
I am doomed now. Damn it!
Malakas siyang bumuntong-hininga, dahilan para mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Tomorrow night, may family dinner sa mansyon. Kumpleto ang buong pamilya.” He held my chin so our eyes could meet. “Susunduin kita, okay? We’ll go there together.”
Nagbuga rin ako ng hangin. Medyo kumalma ang utak ko sa tensyon sa pagitan naming dalawa. Atleast, hindi niya na ipinilit ‘di ba?
“Sige,” I said while nodding.
He smiled again and kissed me again on my cheeks.
Sinundo niya ako, tulad nang napag-usapan. I wore a simple puffy sleeve dress na lampas kaunti sa tuhod ang haba. I partnered it with a white stan smith shoes. At sinuot ko ang necklace na binigay ni Sandro sa akin.
Si Sandro. Meron kaya siya roon? Sana wala siya.
Pero parang gusto kong bumukas ang lupa at lamunin ako nang tuluyan nang makita kong kumpleto silang lahat sa maluwang na hardin. Kasama si Sandro.
“Oh! The love birds are here!” Ate Yael declared.
My eyes immediately drifted to Sandro. Para akong nanghihina sa paraan ng pagtitig niya sa akin. I saw anger, pain, and disappointment. Guilt floodded on my system. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nakingiti na lang sa ibang naroon.