CHAPTER 14

2032 Words
Quielle Everyone greeted Quino, asking him about his whereabouts and how he’s been doing inside the Academy. Kasunod niya lang akong bumabati rin sa mga kapamilya niya. I greeted politely to each and everyone of them. Nang makaabot ako kila Tita Grae, Sandro was nowhere to be found. But in my peripheral vision, I saw him excused himself as he went inside the mansion. Nanlumo ako habang iniisip ko ano’ng nararamdaman niya ngayon. He must be really upset. Kita ko iyo sa reaksyon niya kanina nang dumating kami ni Quino. I was thinking…he didn’t mention that he’ll be here. Akala ko, buong araw siya sa trabaho. So I assumed that he’ll just go home to his penthouse. Gusto kong batukan ang sarili ko. Of course, he’ll be here. It’s a family gathering. The Villanueva’s are family-oriented. Kung may mga ganitong pagtitipon, kung maaari ay walang liliban sa kanila. I tried my best to look fine while I’m with them. Nakikipag-usap ako sa mga babaeng pinsan nila. Kung minsan, nakikipagbiruan din. I wanted to join their group dahil magkahiwalay ang mga tables ng mga bata sa mga elders. Quino’s with his father, Tito Martin and Tito Alfie, kasama ang kani-kanilang mga asawa. Nagpaalam ako sa kanya na sasama ako sa grupo ng mga pinsan niya. He looked at me, with his one brow up. “We’ll join them later. Dito ka muna sa tabi ko.” Nilingon niya ulit ang mga kausap niya at sinagot ang tanong ni Tito Martin. I sighed and look away. Dumapo ang mga mata ko kay Tita Grae, at bahagya pa akong nagulat nang madatnan kong mataman niya akong pinagmamasdan. I smiled at her and nodded curtly. Tipid din siyang ngumiti sa akin bago ibinaling ang tingin sa katabi ko, kay Quino. “Are you alright, hija?” She asked. “Opo,” magalang kong sagot sa kanya. “Why don’t you join the other table?” Sinilip niya ang grupo ng mga batang Villanueva. “Nagkakatuwaan sila roon.” “Mamaya na lang po,” tipid na ngiting sagot ko. “Apollo will be here shortly,” Tito Lucas said. Binalingan ko si Quino. I felt him stiffened. I am aware of how he’ always intimidated with his uncle. Lagi siya nitong pinagsasabihan. Pero alam kong nitong huli namin siyag nakita, he was fine with him. Sir Apollo even gifted him a watch after his graduation. Pero hindi na yata mawawala sa sistema ni Quino na kabahan kapag nasa paligid niya ang kanyang Tito Apollo. “What’s with him this time, Dad?” Medyo tense na tanong ni Quino sa ama niya. “He wants to see you, son.” “Tss, pagagalitan niya lang ako sa harapan niyo.” Ramdam ko rin ang inis at pagkailang niya sa kanyang tiyuhin. Kahit ako, hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon ang trato niya sa kanya. But I have no say to it. Pamilya niya iyon. All I can do is to be with Quino everytime he rants about his uncle. I felt a need to pee. Inilapit ko ang sarili kay Quino para bumulong. “Restroom lang ako,” paalam ko sa kanya. He glanced at me. “Samahan na kita.” “Huwag na, isa pa—“ “Sir Alfie, nandyan na po si Sir Apollo,” narinig kong imporma ng kasambahay nila. Natuon ang atensyon ni Quino roon. I made it my way to escape now. Hindi na rin ako napansin ng ibang naroon dahil sinalubong nila ng bati si Sir Apollo. I passed the table of the younger Villanuevas. Umiinom sila habang nagkakatuwaan. Nagtatawanan sila sa kwento ni Ate Yael habang nakasimangot naman ang bunsong kapatid nito na si Lucille. “Quielle! Dito ka muna!” Ate Yael called me. I smiled wider on her. “Babalik po ako, Ate!” “Sige! Bilisan mo!” May common restroom malapit sa library. Doon ko na balak umihi. Pagpasok ko sa mansyon, bumungad sa akin ang mga iilang kasambahay na busy sa pagpe-prepare sa dining area. Mukhang pinaghandaan talaga ang pag-uwi ni Quino. I quickly did my business in the restroom. Nakaramdam ako ng uhaw nang makalabas ako kaya minabuti kong pumunta sa kusina para makainom ng tubig. Pero nadatnan ko si Kuya Malchus na nagsasalin ng ice cubes sa isang bucket. He glanced at my direction. Tumaas ang isang kilay niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Oh? Need something?” He asked cooly. “Iinom lang po ng tubig,” sagot ko. Tumangu-tango siya. Kinuha niya ang ice bucket at dalawang baso ng brandy. Nangunot ang noo ko. Dalawang baso? Hindi ba nandoon lang siya kanina sa table nila Ate Yael? Lumapit siya sa akin. Akala ko lalagpasan niya ako pero nahigit ko ang paghinga ko nang tumigil siya sa harapan ko. “Can I ask you something? I hope you don’t mind.” He smirked boyishly. Napalunok ako. “A-Ano ‘yon?” “What’s your real score between you and Sandro?” Parang natigil sandali ang mundo ko sa tanong niyang ‘yon. Gusto ko siyang sagutin na…nililigawan niya ako. Na gusto ko siya. Gusto kong umamin. Kahit sa kanya lang. Wala namang ibang nakakaalam na nililigawan ako ni Sandro. Kaso… Hindi ko alam kung paano. Should I admit it? Or should I deny him? No one from them knows about what’s happening between Sandro and I. Ang alam nila, kami ni Quino. Baka magalit sila. I don’t want that to happen. “Malchus…” I heard a familiar voice calling him out. Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses. Standing mightily was Sandro. Nakatayo siya roon, pero ang mga mata ay nakadirekta sa kausap ko. Nilingon ko ang kausap ko. He’s looking at me intently. Tila sinusuri ako ng mabuti, inaalam kung ano’ng naglalaro sa utak ko. “What’s happening here?” Sandro’s cold voice roared. Pinutol ni Kuya Malchus ang titig niya sa akin. I was almost out of breath. Mabuti na lang, tinigilan niya ang pagtitig sa akin. Pero kumabog ang dibdib ko nang lumapit si Sandro sa akin. Nalipat ang mga mata ko sa kanya. He looked cold and darker. Walang bakas ng Sandrong nakilala ko nitong mga nakaraang buwan. Ngayon ko ulit naramdaman ang pakiramdam na hatid ng dating Sandro na kilala ko. Noong…hindi pa kami nagiging malapit sa isa’t-isa. Ilang na ilang ako sa presensya niya. Hindi ko matagalan ang epekto niya sa akin. Pwedeng-pwede na akong umalis at iwan na lang sila rito pero may bumubulong din sa isang sulok ng utak ko na…ayokong umalis dahil nandito si Sandro. “Nothing,” Kuya Malchus answered. With his jaw clenching, tinapunan niya ako ng matalim na tingin. Para akong sinasaksak ng hiya at guilt sa pinapakita niya sa akin. I felt so small and insulted. Pero wala akong magawa dahil alam ko sa sarili kong may atraso ako sa kanya. “Why are you here?” He asked, his voice sounded cold and distant. The more I stay here, the more I feel embarrassed for myself. “Got bored with your boyfriend? Looking for someone who can entertain you?” Dagdag niya na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko. “Sandro,” tawag sa kanya ni Kuya Malchus. “Nakukulangan ka sa atensyon sa’yo ng boyfriend mo kaya kung saan-saan ka pumupunta?” “Stop it, man. You’re making her uncomfortable!” Awat sa kanya ni Kuya Malchus. Umiling ako at napayuko na sa tindi ng hiya at guilt na nararamdaman. “S-Sorry,” my voice croaked. “Alis na ako.” I took a deep breath. Gusto kong maiyak. Bumibigat na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. At kung magtatagal pa ako rito, siguradong makikita nilang dalawa kung paano ako lamunin ng hiya at frustration. Tinakbo ko palabas sa kitchen. Dahil sa main entrance ako dumaan, at ayokong may makakita ngayon sa estado ko, I did my best to be unnoticed as I crossed the way to the patio. I need some time alone to calm myself. Tuluyang bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Kahit anong pahid ang gawin ko, lalong bumabalong ang mga luha sa pisngi ko. My tears are like an open faucet. Tuluy-tuloy ako sa pag-iyak. At hindi ko na matandaan kung ilang minuto na akong nandito para lang pakalmahin ang sarili. Hindi ko naisip na mangyayari ‘to. Though, I know for myself that Quino and I were just playing around, hindi ko inaasahan sa kanyang aalukin niya ako na magseryoso sa kalokohan namin. And the way he told me that he loves me, it felt different. I felt malice on it. It’s not the way how it used to be. At si Sandro…yung mga tanong niya kanina, pakiramdam ko, doble ang ibig sabihin no’n. I got bored so I looked for someone who would ease my boredom? Ganoon ba ang tingin niya sa akin? At iniisip niya bang bored ako kaya in-entertain ko siya? But in the first place, I didn’t insist myself to him. Siya ang unang lumapit sa akin! He made me feel something so different, that I am special…to him. Kaya hindi ko napigilang…magustuhan din siya. Mas lalo akong naiyak sa mga naiisip. Parang hindi ko na kayang humarap sa mga tao. At pinakiramdaman ko ang sarili ko. Siguradong namumugto na ang mga mata ko. I can’t face them like this. Uuwi na lang ako. Kahit hindi na pormal na magpaalam. Alam kong magmumukha akong walang galang pero mas magandang palabasin ko na lang na nagmamadali akong umuwi dahil may emergency kaysa magpakita ako sa kanila at tanungin ako kung ano’ng nangyari. Pasimple akong lumabas ng mansyon. Dala ko naman ang lahat ng gamit ko kaya wala na akong masyadong problema. Nagtataka akong tiningnan ng gwardya dahil nagmamadali ako sa paglabas. Lakad-takbo ang ginawa ko para marating ko kaagad ang main gate ng village. I was still crying as I run towards the gate. Nahimasmasan lang nang makaramdam ako ng pagod. Mabuti na lang, nakasakay din agad ako ng taxi at nagpahatid na pauwi sa driver. Hindi ko na ininda ang presyo ng pamasahe, ang importante, makauwi na ako agad. I took my phone when I reached our gate’s house. I expected that Quino will look for me. Hindi ako nagkamali dahil pagkabukas ko pa lang sa cellphone ko, sumabog ang mga text messages ni Quino para sa akin. Quino: Quielle, where are you? Quino: Where are you? Kanina pa kita hinahanap. Quino: Lumabas ka raw sabi ng gwardya. Did you go home? I swiped my phone up. Marami pa siyang mga text sa akin. Kahit missed calls, naka-ilan din siya. I tapped my phone and replied to him. Ako: I’m so sorry, Quino. Something important came up. Tatawagan na lang kita bukas. Matamlay akong pumasok sa bahay. Si Darwin at ang kapatid kong si Heizel na lang ang gising pa, nanonood ng Korean Drama sa TV. “Sila Tatay?” Tanong ko sa kanila. “Tulog na, ‘te,” Nilingon ako ni Darwin. Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano’ng nangyari sa’yo?” Umiling ako. Hinubad ko ang sapatos ko at inilagay ‘yon sa shoe rack. “Wala, una na ako sa taas.” Paalam ko sa kanya. Nanghihina akong humiga sa kama ko nang marating ko ang kwarto. Inalala ko ulit ang mga nangyari. Pero habang iniisip ko ‘yon, lalo lang akong nanliliit sa sarili ko. Sumasakit tuloy ang ulo ko. I felt pained, too, physically and emotionaly. Reason why I immediately fell asleep and only woke up with a slight fever the following morning. Quino bombarded me with numerous calls and text but I didn’t mind answering any of them. Paputol-putol ang tulog ko. Hanggang sa lumala at naging lagnat na nga. Nag-aalala na sila Nanay kaya nang silipin nila ako sa kwarto kanina, naging masunurin ako sa mga bilin nila. At night, I was alone again in my room. Quino stopped calling me but he leave me a message again. Hindi ko muna binuksan. Ayaw ko munang basahin ang mga text niya sa akin. But I took my phone to checked if ever…Sandro called or texted me. But he wasn’t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD