Quielle
I kissed him on his cheek then smiled.
“Good night,” ani ko.
Dito ko siya pinatulog sa kwarto ko. Hindi pa kasi maayos ang mga bakanteng kwarto. Kung aayusin ko pa, kailangan ko pang linisin dahil sa alikabok. Hindi naman kaya ng konsensya kong patulugin siya sa sofa dahil paniguradong mamamaluktot lang siya roon magdamag. Sa tangkad niya ba naman, mangangalay lang ang katawan niya.
Mabuti na lang, malaki at maluwang itong kama dito sa kwarto ko. Kaya kinuha ko ang mga extrang unan at ginawa kong barikada sa pagitan naming dalawa.
Pinakatitigan ko siya. Nakanguso siya habang pinagmamasdan ako. Namumungay ang kanyang mga mata, mukhang antok na pero pinipilit niya pa ring magmulat.
“Hindi na tuloy ako makatulog,” aniya.
Nangingiti ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko. “Talaga? Eh kanina pa bumabagsak ang talukap ng mga mata mo.”
Ngumisi siya. Inabot niya ang pisngi ko. Marahan niya iyong hinaplos. The roughness of his palm didn’t bother me because of the gentleness of his touch on my skin.
“Hindi ako makapaniwala,” aniya. “I could touch now you like this.”
I chuckled. “Matulog na tayo.”
Tumango siya. “Good night,”
Sa ilang araw kong nagigising na ngarag dahil sa puyat, doon lang ako nakaramdam ng ginhawa. Kahit kulang pa rin ako sa tulog nang gabing ‘yon, I felt so satisfied. I even smiled as I woke up at four thirty in the morning, despite the fact that we slept past midnight.
I don’t know why, maybe because when I woke up, I felt Sandro’s arms sprawled over me. Ang ulo niya’s nakasiksik sa balikat ko. His muscled arms rested on my stomach and his territorial legs were on my legs, too.
Nakatalikod ako sa kanya. Kaya nang gumalaw ako para lingunin siya, nasilip kong tinanggal niya ang mga unang ginawa kong barikada at tuluyang yumakap sa akin.
I adjusted on my position. Dahan-dahan akong kumalas sa yakap niya. Baka magising ko, kawawa naman. I should prepare our breakfast. Maaga rin siyang gagayak dahil uuwi pa ito sa kanila para magbihis at papasok pa sa trabaho.
As I slowly taking his hand off my stomach, I felt him moved. Tumigil ako saglit. Then I felt another movement from him. Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.
“Let’s sleep more, please…” he whispered and kiss me on my shoulder.
I sighed. Sabagay. Nakaka-konsensya naman kung hindi ko siya pagbibigyan. Ilang araw na rin niya akong sinasamahan dito para tulungan ako habang nag-aaral para sa finals. Ngayon ang huling araw ng pasok sa eskwela. Inalala kong mamayang alas nuebe pa naman ang unang exam ko kaya…pwede pa ulit akong umidlip ng ilang minuto pa.
Inabot ko ang cellphone ko sa nighstand at nag-set ng alarm. Kahit thirty minutes pa siguro o forty five minutes pa. Siya lang naman ang inaalala ko dahil medyo may kalayuan ang condo niya. Baka mamaya, siya naman ang mahuli sa trabaho. Buti sa akin, walking distance lang. Pwede rin isang ride lang ng trike kung nagmamadali.
After setting the alarm, itinabi ko ang cellphone ko para saluhan ulit siya sa pagtulog.
Holiday break came and everyone got busy. Umuwi na ulit ako sa bahay para makapagbakasyon kasama ang pamilya. Hindi muna kami nagkita ni Sandro pero hindi naputol ang tawagan at pagte-text namin sa isa’t-isa. Aside from the holidays, birthday din ni Ate Annika. Kaya tantiya ko, next year na ulit kami magkikita.
Naging abala din kami rito sa bahay. Christmas ang schedule ng break ni Tatay kaya naghanda talaga kami. Nagbakasyon dito sa bahay ang kapatid ni Nanay at ang mga pinsan ko galing sa probinsya kaya nagmistulang reunion ang nangyari noong sumapit ang pasko.
After Christmas, puro lakwatsa kasama ang mga pinsan ko ang ginawa namin. Pumasyal kami sa mga mall at inikot ang mga pwedeng puntahan dito sa Maynila. Minsan lang silang nagagawi rito kaya sinusulit namin ang bakasyon.
Masaya naman ako kahit papaano. Puro kami tawanan, kulitan, at asaran. We’re a big family. Pero kapag napapag-isa ako, parang may kulang pa rin.
Kaya nang magyaya si Sandro na lumabas dalawang araw bago ang bagong taon, agad akong pumayag sa tawag niya.
Nagmamadali pa akong mag-ayos dahil hindi ko ‘yon inaasahan. He said that we’ll meet in two hours. Katatapos lang namin mag-agahan. He told me that he’ll pick me up here but I told him to just wait from the coffee shop near our subdivision.
“Wow! Saan ang punta?” Tukso sa akin ni Kevin, isa sa mga pinsan ko.
I wore a white tube top. Pinatungan ko iyon ng maong jacket na binili ni Sandro para sa akin noon. Denim mini skirt naman ang ipinartner ko sa pantaas ko. I wore a pin heeled sandal. My accessories were a set of jewelry that Sandro gave me as a gift when we celebrated our fifth month of being together.
“Secret!” I answered and winked at him after.
Humalakhak siya. “Isusumbong kita sa tatay mo!”
Lumabi ako. “Magpapaalam ako kay Nanay!”
“Quielle?” Tawag sa akin ni Nanay mula sa kusina.
Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. I checked if my make-up is fine. Natural lang iyon, but I put my favorite cherry red lipstick.
“Po?” Lingon ko sa kanya.
Nagpupunas siya ng kanyang mga kamay gamit ang bimpo na galing sa kanyang balikat. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin.
“May lakad ka, anak?” She asked.
Saka ko natantong…hindi pala ako nakapagpaalam dahil sa pagmamadali ko!
“Opo, ‘nay.” Sagot ko. “May kikitain lang po ako,” dagdag ko.
“Huwag mong payagan, Tiyang! Makikipag-date lang po ‘yan!” Birong sulsol ni Kevin sa kanya. “Tingnan mo naman ang pormahan, naka-make-up pa!”
I glared at him.
“Tse!” Saway ko.
Humalakhak si Nanay sa biro niya sa akin. Tinubuan ako ng kaunting kaba. Baka hindi ako payagan dahil hindi ako nakapagpaalam ng mas maaga. Kung kailan nakagayak, doon lang magsasabi.
Malaki ang tiwala nila sa akin ni Tatay kaya pinapayagan nila ako kapag nagpapaalam ako na may pupuntahan. Lalo na kapag nagyayaya si Trina na lumabas. Noong una, alangan sila dahil hindi naman ako napapasama sa mga barkada pero kalaunan, pumayag na rin.
Baka isipin ni Nanay na inaabuso ko ang kalayaang binibigay nila sa akin. I don’t want her to think that way.
“Sorry, ‘nay. Hindi ko po nasabi—-“
Tumango siya. Sumilay ang maluwang na ngiti sa labi ko.
“Sige na,” sabi niya. “Pumunta ka na sa pupuntahan mo.”
“Yes!” Yumakap ako sa kanya. “Thank you, ‘nay!”
“Sama ako!” Nakakalokong sabi ni Kevin. Tinapik niya ang pangatlong kapatid ko. “Chico, palit ka na!”
“Tse! Hindi pwede!” Mariin kong sabi. “Pero huwag kayong mag-alala, mag-uuwi ako ng meryenda!” I smiled assuringly.
Humalakhak siya. “Hindi naman mahirap kausap kaya pwede na sa akin ‘yung pizza na nilibre mo sa amin noon sa mall.”
Lumabi ako sa sinabi niya. Nagpaalam na ulit akong aalis na at iniwan na sila roon.
Habang palabas ng gate, hindi ko maiwasan ang ma-excite. Magkikita ulit kami! Halos dalawang linggo pa lang kaming hindi nagkikita pero para sa akin, sobrang tagal na no’n!
Saan kaya kami pupunta? Hindi niya kasi nasabi sa akin kung saan. He told me to just get ready. Dala ng kaba at sayang naramdaman, gumayak na ako agad.
Paglabas ko ng gate, may humintong itim na Audi sa gilid ng kalsada.
Kanino ‘to?
As I step back so I can continue walking to where I’m heading, bulto ni Sandro ang iniluwa ng magarang sasakyan na iyon.
Our eyes met. He smirked at me. Ngumuso naman ako. Kitang-kita ko ang paghagod ng mata niya sa akin mula ulo hanggang paa. I saw how the side of his lips parted. Hindi ko alam pero bumalatay ang amusement sa mukha niya.
Pero nang maalala ko ang rason kung bakit sa coffee shop ko siya kikitain, naging mabilis ang mga kilos ko.
“Sabi ko sa coffee shop na lang tayo, eh.” Nakangusong sabi ko.
“I’m here, so…” nagkibit-balikat siya.
“Baka may makakita…sa atin,” mahinang sabi ko sa kanya.
Sandali niya akong pinagmasdan…nag-isip na parang may mali yata sa sinabi ko. Bigla tuloy akong napaisip kung mali nga ba? Na-offend ko ba siya?
But he smiled at me, dismissinng my words.
“Let’s go,” he cooly said.
Binuksan niya ang pintuan ng passenger’s seat para makapasok na roon. He put his palm on the top of my head as I lowered my body to get in. Nang masigurado niyang nakaupo na ako ng maayos, isinara niya na ‘yon at mabilis na umikot para makasakay na rin.
Nang makasakay na siya, ngiti ang iginawad ko sa kanya nang magtama ang mga mata namin. He smiled and stole a quick kiss on my lips.
Ngumuso ako. “Sorry, na-offend ba kita kanina?”
Tumaas ang kilay niya. “Sort of,”
Nanlaki ang mga mata ko. “Sorry! I didn’t mean it that way. Alam mo naman ang sitwasyon natin, ‘di ba?” Mahinang sabi ko.
I clearly remember how I asked him not to tell anyone about us. Aside from my fear that someone might see us at umabot ‘yon sa pamilya ni Quino, na baka kagalitan ako, ang isang dahilan ko talaga ay dahil ayokong mapahiya si Sandro sa akin.
Kahit na ganito ang trato niya sa akin, alam ko pa rin sa sarili kong malayo ang agwat naming dalawa. Hindi ko nga aakalain na magkakagusto siya sa akin. He is a self-made man. Galing man sa pamilyang may sinasabi sa sosiyedad, alam kong malayo ang mararating niya. He can build a name of his own. He can make himself successful because he’s intelligent and hardworking.
Sa kalibre niya ngayon, bagay lang talaga sa kanya ang isang babaeng papantay sa kanya.
It is actually one of my insecurities whenever I think about us. I searched some women who were linked to him before. Lumabas ang mga iba’t-ibang personalidad, karamihan ay namumuhay sa mga alta. May mga model din at mga anak ng mga kilalang tao. Eh ano ba’ng laban ko kumpara sa mga ‘yon?
He sighed. “Bumawi ka sa akin,”
I tilted my head and looked at him playfully. Bumaba ang tingin ko sa mapula niyang mga labi. Hindi pa ako nakakapag-seatbelt kaya madali lang sa akin ang umusog palapit sa kanya.
Hinalikan ko siya. Pino lang ‘yon. When I saw how his lips pressed into thin line, I kissed it again.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pinanood ko ang kanyang reaksyon. His forehead creased as he looked at me intently.
“Sorry,” I whispered sensually.
I saw how his Adam’s apple moved. Sandali kaming nagtitigan. Inulit ko pa ang paghalik sa kanya. Still, he didn’t respond to my kisses. Kapagkuwa’y siya na rin ang unang bumawi ng tingin at minaniobra na ang sasakyan paalis sa amin.
“Wear your seatbelt,” paalala niya.
Umayos ako sa pag-upo at napanguso. “Ayaw mo sa kiss ko?”
Inabot ko ang seatbelt at isinuot ‘yon sa akin.
“As much as I wanted to ravish your lips, ayokong masanay ka na kapag may nagkaka-atraso ka sa’kin, dinadaan mo na lang ako ako sa halik mo,” sagot niya.
Lalo akong napanguso. “Sorry na nga, eh.”
His left hand rested on the steering wheel, leaving his right hand free as it rested on his right thigh. Inabot ko iyon para mahawakan siya.
“Sorry na,” malambing na sabi ko.
Nakita ko ang pagsulyap niya roon bago ibinalik ang tingin sa kalsada. Pero inisnab lang niya ako!
Hindi ako sumuko. I held it tighter. Doon ko nakuha ang atensyon niya.
Hindi siya nagsalita. Ginantihan niya ang paghawak sa kamay ko at saka dinala iyon sa kanyang labi. I bit my lip as I watched him kissing my hand, as he drive the car smoothly.
Hindi na ako nagsalita. Pero ramdam kong okay na kami.
Tahimik kami ng mga ilang minuto. Napansin kong iginigiya niya ang sasakyan patungo sa drive-thru ng paborito kong fastfood chain. I smiled inwardly as he remembered every little thing about me.
“What do you want me to order? Medyo malayo ang byahe natin kaya baka gutumin ka,” aniya nang makapila siya roon.
“Yung dati na lang—-“
Naputol ang sasabihin ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya para kunin ang phone ko sa bag at sagutin ang tawag.
Si Nanay lang pala.
“Hello, Nay?” I put my phone into loudspeaker.
“Anak, nandito si Quino. Hinahanap ka,” aniya.
Hindi ako agad nakapagsalita. Kahit si Sandro, hindi rin nakaimik nang marinig niya si Nanay sa kabilang linya.
“‘Nay Zeny, can I talk to her?” Narinig ko si Quino mula background ng tawag.
“Oh sige,” narinig kong sabi ni Nanay.
“Quielle? Nasaan ka?” Si Quino na ngayon ang nasa kabilang linya.
Bumundol ang kaba sa dibdib ko. I am with Sandro now! And knowing that I am speaking with Quino, hindi ko alam kung ano ang una kong iisiping gawin!
I decided to turn off the loudspeaker. Ayokong marinig ni Sandro ang pag-uusapan namin. Nahihiya ako sa kanya. Pakiramdam ko, maiinsulto ko ulit siya dahil dito.
Pero inagaw niya ang cellphone sa akin at in-on ulit ang loudspeaker.
“Quielle,” tawag ulit sa akin ni Quino.
I gulped hard as he listened from the call. Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya. He looked angry. Kung kailan naman nagkasama ulit kami pagkatapos ng ilang araw na hindi kami nagkita, saka naman nagkaganito.
“Give it to me,” I mouthed.
He looked at me with his angry and dark stares. But I can see another reaction that painted on his face.
He looked pained.
“Please,” ani ko.
I extended my hand so just he can hand me my phone. I don’t want to prolong his anger. Kaya kong lusutan ngayon ‘to. Ako na ang gagawa ng solusyon para rito.
He sighed defeatedly and gave back my phone.