At nagplano sila ni Samantha. Mula sa kaliit-liitang detalye ay plinano nila. Kung saan mangyayari at kung kailan ay markado maging sa calendar ng cellphone ni Anton. Nang araw na iyon, may drogang dala si Samantha para sa kanya. Kung saan nito nakuha ay hindi na nagtanong pa si Anton. Kailangan niya iyon. Kailangan niya upang magkaroon siya ng lakas ng loob at upang maitanim niya sa isipan niya na mas maraming makikinabang, lalo na ang pamilya niya, kung tuluyang mawawala si Dria. Mapapasakanila ang lahat ng meron ito. Ang katotohanan na iyon ang lalong nagpatibay sa loob ni Anton. Gumawa ng pekeng sulat si Samantha at ipinakita nito iyon sa kanya. Pinagaya nito ang sulat-kamay ni Dria at palalabasin nila na na-depress ang asawa niya dahil sa magkasunod na kamatayan ng mga magulang nit

