Maganda ang babae. Nang-aakit ang hubog ng katawan nito at Hindi nalingid sa pansin ni Anton na ilang kalalakihan ang kanina pa ito pinapanuod simula nang pumasok ito sa bulwagang iyon. Asian ang babae. Tiyak niya iyon. Ngunit halata rin niyang galing ito sa ibang bansa dahil sa puti at kinis nito pati na rin ang istilo ng damit nito. Kaagad siyang lumapit sa babae. Natatakot si Anton na baka maunahan pa siya ng ibang magkakainteres dito. "Hi. Are you looking for someone?" Napangiti siya nang manlaki ang mga mata nito. At saka siya napatitig sa kagandahang nasa harapan niya. Mas nakakahalina ang babae sa malapitan. "Hi, yes. My father sent me here for the auction and I'm looking for Mr. Park." Natigilan si Anton. Tila pamilyar sa kanya ang timbre ng boses nito. Tila may kakilala siyan

