Chapter 8

1319 Words
AFTER an hour ay nakabili na rin si red nang toys niya, there's a car with different colors and brand, there's a dinazors with different types, and a robot also. Sa tingin ko kailangan na naming patayoan ito nang toy room niya para ma organize ang kanyang mga laruan at hindi magpakalat-kalat. I think nabili ko na lahat nang kailangan ko sa condo. Pina deliver ko na ang mga ito, at nag kontak na rin ako nang interior designer para asikasuhin ang unit ko. Dumaan kami sa isang resto, hindi raw kasi nabusog si Brett sa pagkain nang fast food. Nag order na ito para sa aming tatlo. As usual hindi nawawala ang chicken namin ni Red, alam na alam na ni Brett kong ano ang oorderin sa amin ni Red.  "Hindi ba kayo nagsasawa sa chicken?" tukoy nito sa fried chicken na nasa harap namin ni Red. Umiling lang ako bilang tugon dito. "I heard it's not good for health." komento pa nito, "May cleansing naman diba, mailalabas naman kapag nag cleansing." pagrarason o dito bago sumubo nang chicken. "Parang kailangan ko nang mag stock nang maraming chicken sa bahay." natatawang saad nito, habang si Red naman ay walang pakialam sa sinasabi nang ama. "Ikaw bahala." sagot ko. Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami. Pauwi na kami nang biglang nag request si Brett na dadaan muna kami sa simbahan kong okay lang daw sa akin. Ito iyong simbahan na pinuntahan ko noong first day kong nakita Red, katabi nito ang isang park na kong saan makikita ang mga kabataan na nag-eenjoy sa kakalaro. Nagulat ako kasi bihira lang sa mga lalaki ang mag-ayang pumunta sa simbahan, kadalasan sa mga ito ay walang pakialam. Aaminin ko na mali ang pagkakilala ko kay Brett, masyadong malayo sa pagkakaakala ko, mabilis ko lang siyang hinusgahan kaagad, ni hindi man lang ako nakinig sa paliwanag nito. After naming manalangin ay nag sindi kami nang kandela may ibat-ibang kulay ito, pinili ko ang kulay white, red, violet and yellow, si Brett naman ay kulay pula lang. Palabas na kami nang biglang nag-aya si Red sa park. "Daddy I want to go there." ungot ni Red sabay turo sa park kong saan kami unang nag kita. "Ask mommy first." baling ni Brett sa akin, bakit ang sarap matawag na mommy sa dalawang ito. Konti nalang talaga ay masasanay na ako sa kanila at alam kong mahirap iyon, napapansin ko rin kay Brett na palagi nitong hinihingi ang permission ko. That only means he respect me. "Yes baby, pero hindi tayo pwedeng magtagal okay? Hindi tayo pwedeng magabihan sadaan." sabi ko dito at mabilis naman itong nagpa karga sa akin at hinalikan ako. Such a sweetie, naglalambing kaagad kapag napagbibigyan. Pumasok kami nang park, hinayaan namin si Red nang bigla itong tumakbo at lumapit sa mga bata at nakipag kaibigan, napangiti ako sa pagiging magiliw nito, nakipag habulan ito sa ibang bata. Nakipag pilahan ito sa slides, alam na nito kong paano mag slides, nakatingin lang kami ni Brett dito. I'm so happy na lumaki itong masayahin at palakaibigan, hindi rin ito mapili sa pakikipag-kaibigan. Nang mapagod ito ay lumapit ito sa amin at nagpabili nang ice cream, pinunasan ko naman ang pawis nito, binuhat ito ni Brett at naglakad na kami papunta sa ice cream vendor. "Baby isa lang okay? Hindi maganda sa baby pag nasobrahan sa tamis at lamig." paalala ko dito at tumango naman. Napatingin si Brett sa akin nang hindi nag reklamo ang anak. "Atleast sinusunod ka niya, that's good." pangiting turan ni Brett sa akin. "Bakit hindi ba sa iyo?" balik tanong ko dito. Nagbayad na si Brett sa ice cream nito, bumili na rin kami nang tubig nito dahil alam kong uuhawin ito mamaya, katulad nang ginawa nito noong una kaming nagkita. Hindi nga ako nagkamali dahil after nitong naubos ang ice cream ay agad itong nauhaw. "Minsan, pero kadalasan ay hindi. Lalo na kapag gusto talaga nitong gawin ay hinahayaan ko nalang as long as hindi ito masasaktan." natawa ako sa sinabi niya, siguro dahil madalas niya itong ini spoil kaya nasasanay na si Red. "Nakuha niya ang pagiging makulit sa kapatid mo, at ang katigasan naman nang ulo ay nakuha nito sa akin." sabi ko dito habang tumatawa. "Bakit? Hindi ka ba makulit? Matigas ang ulo maybe consistent is the right word." tanong nito sa akin, kaya tinaasan ko nang isang kilay. "Hindi ako makulit, baka ikaw diyan." sagot ko dito, narinig ko itong tumawa kaya napatawa na rin ako. "Hindi ako makulit si Bea lang ang makulit sa aming dalawa according to my parents." natatawang sabi pa nito. "Ang daya wala man lang nakuha sa akin si Red sa physical nito, ako ang nagdala sa kanya nang ilang buwan pero sa iyo niya nakuha ang features." reklamo ko dito, oo wala talagang nakuha sa akin, kuhang kuha nito ang mukha nang ama. Ang unfair lang ako ang nag dala nang ilang buwan pero wala man lang itong nakuha sa akin. Napasimangot ako dito. Naging normal na ang pakikitungo ko dito, simula noong gabi na dinala ako ni Brett sa bahay niya at pinakilala sa aming anak ay hindi na ako naiilang dito. Palagi kasi akong kinakausap kaya nasanay na rin ako. Malayong-malayo sa mga taong nakalipas, after nong gabing nangyare sa amin ay hindi ko na ito kinaka usap pa, ni tingnan ay hindi ko magawa dahil sa pagka muhi ko dito noon. Ngayon ay kaya ko nang makipag biruan dito nang hindi naiilang, nakikipag asaran na rin ako dito. For now we're good at walang problema. "May nakuha siya sa iyo, ang ugali mo at ang mga paboritong pagkain mo." saad nito nang makita ang reaksyon ko "Huwag niya lang makuha ang pagiging selfish ko, okay na sa akin na nakuha niya ang ibang katangian ko, ayaw ko nang maulit ang isa pang pagkakamali ko." napangiti ako nang mapait, Kahit pa sabihing tinanggap nila ako, at hindi sila galit sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam nang pagsisisi. Bibihira na lang ngayon ang mga taong kagaya nito, nahihiya ako sa mga pinag gagawa ko noon, mas inuna ko pa ang pangarap ko kaysa sa sarili kong anak na mas kailangan ako. "By our guidance, hindi iyan at may reason ka naman Lavi and It's my fault also na pinilit kita without considering your dreams, aminado akong naging selfish ako in that way." pagpapalakas ni Brett sa akin, na ikinangiti ko nakakabilib ang pagiging open minded nito. "Thank you Brett, despite of everything hindi mo ako kinamuhian. At hindi mo pinagdamot sa akin si Red, kong may isang bagay man akong ipagpapasalamat sa iyo, iyon ay ang pagbigay mo sa akin nang isang Red na inalagaan at pinalaki mo nang tama." seryusong sabi ko sa kanya, tumingin ito sa akin at ngumiti bago sumagot. "No problem, hindi naman ako kasing sama nang iba Lav. May mga bagay man akong nagawa dati na pinagsisisihan ko, pero hindi ko pinagsisihan ang makilala kita, nang dahil sa iyo kaya may Red Larett Williams Castulo tayo ngayon, at masaya akong bumalik ka for him." nakangiting sagot nito at bumaling kay Red na nakikipag habulan na naman sa ibang bata. He's really enjoying playing with others. Lumapit ulit ito sa amin at uminom nang tubig, uhawin ang baby namin. "How do you know that?" tanong ni Brett, "The what?" hindi ko kasi gets ang isnasabi nito. "The water." tukoy nito sa tubig na hawak ko. "Ah, naalala ko lang noong una kaming nagkita binilhan ko ito nang bago niyang ice cream dahil nga nadapa ito kaya nadumihan iyong ice cream niya kaya binilhan ko nang bago. After kasi nitong kumain nang ice cream ay nagpabili na naman ito nang water dahil nauhaw." kwento ko. "That's observant huh." komento nito, kaya natawa kaming dalawa. Never close your lips to those whom you have already open your heart.                                                                    -Charles Dickens
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD