"UHMMM............."
Tumikhim muna ako bago nagsalita ulit.
"Yes, my company and I had already a contract and arrangement about this." sagot ko,
"That's good, hindi ka ba nahihirapan sa work mo?" umiling ako sa tanong nito.
"No, actually I love it maybe it's what we called passion." sagot ko,
"What's your plan about the red hub? Wala ka bang plan na mag launch nang ibang branch?" tukoy nito sa resto.
"Actually I'm planning about it, wala palang akong mahanap na exact place."
"I can help, may kakilala ako I heard na malakas ang red hub at matao." napatango ako,
"Yes, it's true. And I'm happy for it, para lahat iyon kay Red." sagot ko,
"Patikim ako ha," napatigil naman ako at napalingon dito.
"Errr?" tanong ko hindi ko kasi alam kong ano ang tinutukoy nito.
"Minudo." tukoy nito sa niluluto ko.
"Sure no problem, anong templa ba ang gusto maalat, matamis or sakto lang?" tanong ko dito nang makabawi, ako kasi gusto ko maalat para mas malalasahan ko.
"Sakto lang, dati okay ako sa kahit anong templa, pero ngayon iba na kasi kasama ko na si Red, mas priority ko pa rin ang health nito. At hindi maganda sa bata ang maalat." paliwanag nito sa akin, nakakatuwang isipin na palagi niyang inaalala ang anak.
"Paano mo nalaman iyan? Palagi ka bang sumasama sa check-ups niya?" tanong ko dito.
"Sa doctor niya and yes, ayaw kong magka sakit ito kaya ingat na ingat ako sa pagpapakain dito, sinisigurado kong healthy ang mga pagkaing kinakain nito, I always make sure na naririnig ko mismo dito ang mga pwede at bawal kay Red." dagdag pa nito,
"Walang ba itong allergies sa mga pagkain? Like peanut or cheese." tanong ko ulit,
"Wala naman, ayaw lang nitong kumain nang slime foods." sagot nito,
"Every month ba ang check-up nito? Kasi nabanggit mo before twice a month."
"Hindi naman, every two months ang general check-up nito ngayon para masigurong wala itong problema," sagot nito,
"Mabuti kong ganoon, hindi ba ito umiiyak kapag may check-up?" tanong ko.
"Matapang na bata si Red, hindi nga iyon takot sa injection." natatawang saad ni Brett.
"Talaga hindi siya takot sa injection? That was surprising huh." gulat na tanong ko dito.
"Pero umiiyak iyon kapag nasasaktan like what I said earlier." sabi nito.
"Yes, pati pala iyon ay nakuha niya sa akin. Naalala ko noong nagkasakit ako at dinala sa hospital hindi ako umiyak nang maturukan ako nang injection, nakita ko nalang na nagpupunas na si momy imbes na ako ang iiyak." kwento ko nang maalala iyon.
"Noong sa park na nakita mo siya, bigla kasi itong tumakbo sa yaya na nalingat, ang dami rin palang nakuha ni Red sa iyo patas lang din." natatawang saad nito.
"Pero ang gaan talaga nang loob ko nang una ko itong makita, parang gusto ko na itong iuwi sa bahay." kwento ko.
"Lukso nang dugo? Iyan iyong tawag nila." sagot nito at napatango ako.
"How about this, I don't know kong sakto lang ba ang templa." sabay abot ko nang kotsarang may laman na sabaw.
"It's good," komento nito,
"Sakto na iyon?" tanong ko pa,
"Yes, sakto na. Gigisingin ko na ba si Red?" tanong nito sa akin,
"Yes please." sagot ko dito,
After kong mag luto ay hinanda ko na ang table for dinner, nilapag ko na ang mga pagkain namin, tinawag ko na ang mag-ama sa living room.
"Guys, dinner's ready," tawag ko sa mga ito,
"Coming," sagot ni Brett,
Karga nito si Red na hawak ang gatas sa kamay. Naupo ang dalawa sa harap ko. Naghanda rin ako nang food ni Red, agad itong nagpababa sa ama nang makita ako at nagpabuhat sa akin. I lead the prayer.
"Baby do you want to eat vegies?" tanong ko dito sabay turo sa gulay nang minudo.
"Yes, mommy." sagot nito sa akin,
"He loves vegies," singit ni Brett, oo nga pala naalala ko ang wento nito kanina puro healthy foods pala ang kinakain nito.
"Hindi pala tayo mahihirapan sa pagpapakain sa kanya nang gulay." nakangiting sabi ko dito,
"Yes, sa prutas naman ay mango at avocado, parehas kayo." sagot nito na ikina angat ko nang tingin.
"Paano mo nalamang paborito ko ang manga?" tanong ko dito, ang alam ko avocado lang ang alam nito.
"Sa isla remember? Hindi mo kinakain iyong ibang prutas except sa manga at avocado." paalala nito sa akin na ikinatawa ko,
"Ang saya naman, namana niya pala iyon sa kin." sabi ko nalang, at sinubuan ko na si Red, konti lang ang kinain nitong kanin, mas marami pang ang nakain nitong gulay. Siguro nabusog ito sa gatas kanina.
Pagkatapos naming kumain nang hapunan, ay nag movie marathon kami. Si Red ang namili as usual pururu naman ang napili nito, para tuloy akong bumalik sa pagkabat ko. Buti nalang at hindi rin naglelekramo si Brett, habang nanonood ay kumakain rin kami nnag popcorn.
"Baby enough na okay? Hindi pwedeng masobrahan ka niyan." saway ko dito nang marami itong kinuha baka kasi magka u.t.i ito mahirap na.
"Can I have this mommy?" tanong nito at pinakita ang limang daliri.
"Okay but after that you can't eat na okay?" sabi ko dito,
"Yes po." sagot nito,
Iniwan ko ito saglit kay Brett at nagtempla ako nang gatas nito, para mabilis itong makatulog.
"Baby? You need to drink this." abot ko dito nang bottle milk niya.
"Thank you mommy." magalang na sagot nito kaya hindi ko napigilan ang sariling panggigilan ito, natawa naman si Brett sa ginawa ko.
"Your welcome." saad ko at ginulo ang buhok nito.
"Your'e drinking milk mommy?" puna nito sa akin nang mapansing uminom rin ako nang gatas, agad namang napalingon si Brett sa akin.
"Yes baby, it's good for the health baby." sagot ko kay Red.
"Why?" tanong ni Brett sa akin.
"Well, minsan kasi pahirapan akong matulog kaya umiinom ako nang gatas." paliwanag ko dito.
"Are you sure? Wala ka bang anxiety?" paniniguro nito.
"Not sure, hindi naman ako nagpa check, everytime na umiinom ako nang gatas ay nakakatulog naman ako." saa ko pa.
"Dapat magpa check ka, pwede kitang samahan bukas if you want, mas okay nang maniniguro tayo." umiikot naman ang mata ko, normal lang naman ito.
"Insomia lang ito, at nadadala naman nang gatas." tugon ko,
"No I insist hindi pa rin tayo sure, bukas ay magpapa check up tayo to make sure na walang ibang problema sayo." pinal na sagot nito.
"Don't tell me wala ka pa ring pasok bukas? Abuso na iyon Brett." saad ko dito,
"I'm the boss at hawak ko ang schedule ko." simpleng paliwanag nito,
"Hindi ba dapat kapag boss ay isang halimbawa?" tumatawang saad ko kay Brett.
"Nextweek papasok na ako, sure na iyan. Sa ngayon kailangan ko muna nang day off."
"The perks of being a boss in your own company." tumawa naman ito.
"Bakit ikaw wala ka bang work?" tanong nito,
"Hawak ko oras ko, walang pressure sa akin." kampanteng sagot ko naman,
"So gagawa ka lang nang designs kapag gusto mo?" tanong nito,
"Yes, at kapag maganda ang mood ko. Mahirap kasing mag guhit kapag wala ka sa kondisyon hindi mo magagawa nang maayos." sagot ko naman.
"Bakit hindi ka nalang mag tayo nang sarili mong brand? Since may advantage naman sayo dahil kilala kanang isang sikat na fashion designer." suhestiyon pa nito,
"I'm planning for that too, but right now hindi pa kasi tapos ang contract ko. Ayaw ko namang masira ang name ko, maybe next year pwede naman akong mag start dito sa pinas." sagot ko, plano ko ito kahit noong nasa Paris pa ako ay naiisip ko na magtayo nang sarili kong brand.
"That's a good idea." sagot pa nito.
"Kaya lang may Red hub rin akong hinahandle though mapagkakatiwalaan naman ang mga staff ko doon but I'm planning to launch another branch kasi. At kapag nag patayo ako nang sarili kong brand siyempre kakailanganin nito ang full atention ko, ayaw kong dumating sa point na mapabayaan ko si Red." nag-aalangan kong sagot dito.
"I can help you with that matters Lav, hindi naman kita pababayaan at to Red naman hnding-hindi mangyayare iyang sinasabi mo. I'll guide you para maiwasan natin ang komplikasyon." paliwanag nito,
"Saka na siguro kapag nag end na iyong kontrata ko sa VS. Bumabawi pa ako kay Red ngayon ayaw kong mahati ang oras ko dito." nakangiting saad ko.
"I'll respect that. Kapag kailangan mo nang help, don't hesitate na magsabi sa akin." paalala nito, na siyang nagpangiti sa akin.
WE'RE enjoying the movie at hindi namin namalayan ang oras, hanggang sa ni request na naman si Red nang patrol car namiss niya daw, kapag may ibang tao na nakakakita sa amin ngayon iisipin nilang we look like a happy family. Iyong pakiramdam na kompleto at kontento kapag kasama mo sila, natatkot ako na masanay sa mga ito. Ayaw kong bigyan nang meaning lahat nang ginagaw ni Brett dahil baka hindi kami pareho nang iniisip. I wish hindi na matapos ang gabing ito.
Dahil nakatulog si Red kaninang hapon ayon lumabas na naman ang pagiging hyper nito, minsan nagtatalon ito sa upoan. Akala ko makakatulog kaagad ito sa ininom niyang gatas hindi pala. Mas lalo pa itong naging hyper nang maubos ang gatas. Late na pero gising pa rin kaming tatlo.
"Baby we need to sleep na, it's already 10 in the evening," sabi ko dito,
"Baby let's sleep, bukas na tayo manood ulit," sabi ni Brett sa anak na hindi maalis ang mata sa paborito nitong palabas.
"But I want to finish it." reklamo nito,
"Okay after that ay matutulog na tayo ha?" sabi ni Brett dito,
"Yes po daddy."
Nakita kong napahikab si Brett.
"You can sleep na Brett, hihintayin ko nalang na matapos si Red." sabi ko dito.
"No, I can wait naman, medyo napagod lang ako dahil maaga akong nagising kanina tumawag kasi ang branch manager ko." paliwanag nito.
"Kaya nga kailangan mo nang matulog para makapagpahinga ka na." saad ko dito, napahilot naman ito sa kanyang ulo, actually kanina ko pa ito napapansin sa pghilot nito sa kanyang ulo.
"Do you have headaches? Kanina ko pa kasi napapansin." puna ko dito,
"Ah yeah, sa dami lang siguro nang iniisip." sagot nito,
Tumayo ako at pumasok sa aking silid. Ang alam ko ay may vicks ako, pwede kong masahein ang ulo nito, kumuha na rin ako nang salompas para dito.
"Here, pwede ko bang masahein yan? If you want." hingi nang permiso ko dito,
"Are you sure, hindi ba nakaka-abala?" umiling ako sa sinabi nito,
"Of course not, dali na para masarap ang tulog mamaya." sagot ko, agad naman itong tumalikod sa gawi ko.
"Saan mo natutunan ito?" tanong pa nito nang magsimula na akong masahein ang kanyang forehead.
"Sa Paris, every weekend kasi akong nagpapamasahe doon, at nakita ko lang na ganito ang ginagawa nila so ginaya ko." sagot ko,
"Saan ba banda iyong maasakit?" tanong ko pa, sinilip ko ito nakapikit na pala.
"Sa may likod." sagot nito,
"Huwag ka kasing masyadong mag-iisip. Maybe that's the cause of your headache." payo ko pa dito.
"I can't help it, ang gaan naman nang kamay mong magmasahe." puri pa nito.
"Nambola ka pa, ano gumaan ba?" tanong ko dito, habang nagpupunas nang kamay.
"I'm good, thank you Lav." ngiting saad nito, tinanggal ko naman ang pagkakadikit nang salompas at nilagay ko ito sa magkabilang gilid nang kanyang ulo.
"Ahh, feels better." saad nito,
"Matulog ka na huwag kanang manuod pa, baka sa radiation rin iyan." sabi ko pa at naupo na.
"Later, pahinga ko lang saglit." saad nitong napapikit.
"Mommy can I sleep beside you?" tanong ni Red sa akin,
"Yes baby you can." sagot ko dito,
"Hey you sleep na." sabi ko kay Brett, nagdilat naman ito nang mata.
"Malapit na bang matapos ang pinapanood nito?" tukoy sa palabas na pinapanood nang anak, umiling ako dito.
"Not yet, mauna ka nang matulog. Mamaya pa ito matatapos." sagot ko,
"No, sabay-sabay na tayong matulog tatlo." matigas nitong saad,
"Bahala ka nga diyaan." sagot ko nalang,
"Baby malapit na bang matapos?" tanong ko kay Red, umiling ito.
"Baby hindi makakabuti sa iyong nagpupuyat, at masakit ang ulo ni daddy he needs to sleep na but he can't kasi hinihintay ka niyang matulog." pagpapaintindi ko kay Red.
Napatingin naman ang bata sa gawi nang ama nito, ngumiti lang si Brett sa anak. Tumayo si Red at sinalat ang noo nang kanyang daddy.
"Are you cold dad?" tanong pa nito, umiling si Brett sa anak.
"Do you want to rest po?" kulit pa nito,
"Yes baby, can we sleep na it's already late, bukas mo nalang ituloy ang panonood." saad ni Brett sa anak.
Nag-isip naman si Red sa sinabi nito.
"Sege po" sagot nito,
"Okay, but let me eat ice cream tomorrow." pahabol pa nito at nagpapacute pa, paano ko ito mahihindian.
"Mommy?" tanong nito sa akin, mukhang alam niya na yatang hindi siya pagbibigyan nang daddy niya.
"Yes po bukas na, after mommy's check up." sagot ko,
"Yehey! Good night daddy and mommy." sabay halik nito sa amin,
"Anak ka nga nang daddy mo, okay tomorrow." sagot ko dito, na ikinatawa ni Brett.
"Lav, be healthy always ayaw kong nagkakasakit ka." mataman nitong sabi sa akin,
Tumango ako sa sinabi nito, nauna nang maglakad si Red papasok sa kwarto ko. Natigil ako nang hilain ni Brett ang kamay ko kaya napalingon ako dito. Lumapit ito sa akin, nilapit nito ang kanyang mukha kaya't napapikit ako.
"Mommy!!!!"
You have NO idea how fast my heart beats when I see you.