Lavi's pov
Tulad nang inaasahan ko ay late akong nagising dahil late kaming nakatulog kagabi, hindi ko makalimutan ang mukha ni Brett kagabi nang tawagin ako ni Red. Hindi naman sa nag-aasume ako pero umaasa pa rin ako na sana hindi pa ang lahat, may something sa mata nito pero hindi ko ma explain kong ano iyon.
Lumabas na ako nang silid upang maghanda nang almusal nag makita ko si Brett na nakatalikod sa akin at nagluluto, ang aga naman siguro nitong magising hindi pa naman maganda ang pakiramdam nito kagabi. Lumapit ako dito at sinalat ang kanyang noo.
"Good morning, ang aga mo namang nagising. Okay na ba ang ulo mo?" bungad ko dito, nagulat pa ito nang sinalat ko ang kanyang noo.
"Hi, good morning. I'm good, you want coffee?" anito, nang hindi makatingin sa akin.
"Can I?" tukoy nito sa kapeng inaalok, agad naman itong nag templa.
Lihim akong napangiti nang makitang natataranta ito, napamura pa ito nang matapon ang gatas na hawak, nilapitan ko ito at kinuha sa kamay nito ang hawak na kutsara at ako na ang nag templa. Napatingin ako dito, nakakunot-noo ito habang seryusong nakatingin kong paano ako magtempla nang kape.
"You look tense?" puna ko dito, napaiwas naman ito nang tingin.
"I'm not. Anyway nagluto na ako nang foods, I don't know kong ano ang prefer mo sa breakfast." sabi pa nito, sabay kamot sa kanyang ulo.
"Nag coffee ka na ba? You want some?" alok ko dito, tumango naman si Brett
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" ulit kong tanong dito.
"Okay naman, salamat nga pala kagabi." ngiting tugon nito
"No problem, here's your coffee." sagot ko sabay abot nang kape.
"Thank you Lavi, tinawagan ko na si Bea siya na muna ang bahala kay Red." saad nito na ikinalingon ko
"Why?" kunot-noong tanong ko dito.
"Sasamahan kita sa check up mo ngayon remember?" paalala nito sa akin
"Ngayon ba talaga?" tanong ko dito bago sumimsim nang kape
"Yes, actually nagpa set na ako nang appointment sa hospital nang kaibigan ko." saad nito
"Hindi ba natin pwedeng isama si Red?" tanong ko ulit
"Hindi safe sa batang dalhin ito nang hospital, you know para makaiwas na rin. Hindi natin sure iyong mga nakakasalamuha natin sa hospital. Don't worry about him tinawagan ko na ang kapatid ko, mamaya lang ay nandito na si Bea upang sunduin si Red." paliwanag nito
"Saan mo ipapadala si Red?"
"Sa bahay nang parents ko, namimiss na rin kasi nang mga ito si Red, sunduin nalang natin." sagot nito.
"Are you sure na hindi ito nakakaabala sayo?" paninigurado ko pa, natawa naman ito.
"Makulit ka rin pala, and to answer your question its always no." sagot nito at naghain na nang pagkain sa harap ko.
"Hindi ba iiyak si Red kong hindi natin isasama iyon?" nag-aalala ako dito
"Nope, ako na ang magsabi sa kanya. Bilhan nalang natin nang pasalubong." kampanteng sagot nito
"Kapag talaga si Red umiyak bahala ka diyan." banta ko dito, natawa naman ito
"Don't worry hindi iyan."
"So anong oras ang appointment ko doon?" tanong ko
"9:30 in the morning, kaya kumain ka na para after mong kumain ay makapag ready ka. Hihintayin ko pa si Bea, wala kasi akong dalang extra shirt." paliwanag nito
"Wait, parang may dala akong shirt na panglalaki. Minsan kasi trip ko lang mag lose shirts kapag gabi. Titingnan ko mamaya," saad ko dito.
"Eat up, masyadong kang nagpapayat." puna pa nito sa akin.
"Really? They said okay lang naman daw iyong katawan ko." inosenteng sagot ko dito.
"Who tell you that?" seryusong saad nito
"Our models there, and Lucy." simpleng sagot ko
"Male models?" natawa ako sa reaksyon nito
"Yes."
"Really huh?" tiningnan ko ito na nakasimangot na.
"What's wrong with that? Skinny is the new sexy." saad ko dito
"Tsss." hindi na ito nagsalita pa kaya tinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagkaing nasa harap ko.
Tapos na kaming kumain pero hindi na ito umimik pa na bad trip siguro, hinayaan ko nalang. Natutulog pa rin si Red, mamaya ko na ito gigisingin para makompleto nito ang 8 hours na tulog.
Kumuha ako nang dalawang shirt sa closet ko, malalaki naman ang mga ito for sure magkakasya ito kay Brett. Lumabas ako upang ibigay ito.
"Hi, here's the shirt. Iyong isa dalawang beses ko palang nasuot at ang isa naman ay hindi ko pa nasusuot." sabi ko dito sabay abot, ito lang kasing dalawang shirt ang sa tingin ko ay magkakasya dito.
"Thank you, akin na ba ito?" tukoy nito sa shirt
"Yes, sa iyo na, pasensya na kong nasuot ko na iyong isa." saad ko dito
"It's okay, I love this shirts." saad pa nito
"Okay, kumatok ka nalang kapag nandiyaan na si Bea, maliligpit lang ako." bilin ko dito at tumalikod na.
Naghanda ako nang pwede kong isuot mamaya sa check up, naisipan kong mag ripped jeans at pinarisan nang sleeveless na puti, kumuha na rin ako nang black belt at isang favorite kong black prada heels na three inches ang taas.
Kakatapos ko lang maligo at nakasuot lang ako nang isang lose black shirt. Ginising ko na rin si Red upang makapag agahan na ito.
"Mommy I want pancake." saad nito sa akin.
Karga-karga ko ito at iniupo sa upoan.
"You want pancake? Okay magluluto lang si mommy." sagot ko dito
Inayos ko ang pagkaka roll nang towel sa buhok ko upang hindi ito mahulog. Kumuha na ako nang ingredients sa pagluluto nang pancake dito.
"Good morning po daddy," narinig kong bati nito sa ama, hindi ko ito kita dahil nagmimix na ako.
"Good morning baby. How's your sleep?" tanong ni Brett
"It's good daddy."
"Lav, anong lulutoin mo?" tanong ni Brett sa akin
"Oh this? uhmmm Red wants to eat pancake." sagot ko
"Okay, ako na ang mag templa nang gatas nito. Okay ka lang ba diyaan? Pwede namang ako na ang gumawa para makapag ready kana." suhestiyon pa nito.
"I'm good. May oras pa naman, and I want to serve my baby." sagot ko dito.
"Baby, may check up si mommy today, and tita Bea will fetch you here, kasi sasamahan ko si mommy at hindi safe na dalhin ka namin sa hospital." rinig kog paliwanag ni Brett sa anak.
"But I'll miss you both." sagot nito sa ama, sakto namang natapos na ako sa pagluluto nang pancake nito.
Nakita ko ang nakasimangot nitong mukha, napailing nalang ako.
"Mamimiss ka rin namin baby but of course we need to secure your health and we can't risk that kapag dinala ka namin sa hospital. Pero bibili nalang kami nang pasalubong sa iyo." paliwanag ni Brett sa anak, naupo ako sa harap nang dalawa.
"How long it takes daddy?" tanong pa nito, sinimulan ko nang subuan ito.
"We can't say baby, depende pa sa sasabihin nang doctor." sagot nito sa anak.
"Are you hurt mommy?" baling nito sa akin habang ngumunguya nang pagkain.
"Mommy's not hurt baby, but I can't sleep well everynight. That's why I need to see the doctor to undergo check ups." paliwanag ko dito, tumango naman ito
"Okay po. But bring me a pasalubong." saad nito, ginulo naman ni Brett ang buhok nang anak.
"Yes baby." sagot ko
Dalawang pancake ang ginawa ko para dito, sinuboan ko na rin ito nang hotdog, boil egg, at bacon. Medyo natagalan lang itong natapos sa pagkain dahil panay ito sa pagtatanong. Sakto namang kakatapos lang ni Red nang dumating si Bea.
"Hi good morning family." masiglang bati nito sa amin
"Good morning Bea," bati ko rin dito, lumapit naman si Red sa tita at humalik
"Aww ang sweet naman." saad nito, lumapit ito sa akin at nag beso ganoon rin kay Brett.
"Pasensya ka na Bea ha," saad ko dito
"Nah, don't worry okay lang sa akin at namiss ko na rin itong makulit na minions." sagot nito sa akin.
"Thank you Bea, maiwan muna kita dito magbibihis lang ako." paalam ko dito
Nakapagbihis na ako, kinulot ko lang ang dulo nang buhok ko at nag apply nang light na make-up. Nang ma satisfy na ako sa aking hisura ay lumabas na ako nang silid. Natawa nalang ako nang sumipol si Bea, makulit nga may pinagmanahan si Red. Walang duda.
"Ang sexy naman ate, sana all. Partida may anak na ang sexy pa din." reklamo nito, natawa naman ako. Kumuha ako nang damit ni Red sa kwarto at binihisan ito.
"Mas sexy ka kaya sa akin." saad ko dito
"Paniguradong may magagalit diyan ate," napailing nalang ako dito.
"Baby, behave ka doon okay? Huwag magpasaway kay tita mo at sa grandparents mo." bilin ko kay Red na busy sa panonood nang pururu.
"Yes mommy."
"Ate, baka naman may ma erecommend ka sa akin na models mo." natawa ako
"Bakit, sa ganda mong iyan wala kang lovelife?" gulat na tanong ko dito.
"Ay ewan, kailangan ko pa sigurong mag glow up para may makapansin sa akin." simangot nito, sakto namang lumabas si Brett sa kwartong tinuloyan nito.
"What are you wearing Lav?" tanong nito,
Napasinghap ako nang hilain nito ang ibaba nang damit ko.
"W-ait... w-what do you think your'e doing?"
"Excuse me?! What are you guys doing?!" napatingin ako sa may pinanggalingan nang boses nito,
"Uhmm....."
Be enough for yourself first, the rest of the world can wait.