Kinabukasan niyon ay matagal na nagising si Fajrah, possibly because she got tired sa naging byahe niya pauwi lalo na dahil nagcommute lamang siya.
“Love?” tawag niya kay Kier ng wala siyang makapa sa tabi niya.
“Love?” Wala pa ring sumagot kaya hinay-hinay niyang iminulat ang mga mata niya.
Tahimik ang paligid at walang ni isang sumagot sa kaniya kaya naisip niyang baka umalis na si Kier for work.
Bumangon siya mula sa kaniyang pagkakahiga at iniunat ang kaniyang mga kamay pataas.
Napangiti siya, namiss niya ang ganoong eksena kada umaga. Iyong iiwan ni Kier ang bintana na nakabukas for her to know na umaga na. Namiss niya rin ang katahimikan na mayroon ang bahay nila, which always makes her feel in comfort and in peace.
Nang pababa siya sa kanilang hagdanan ay narinig niya ang ingay na gawa ng mga plato kaya napatigil siya sa gitna ng pagbaba at nangunot ang noo.
“He’s still here? Anong oras na ba bakit hindi pa siya umaalis.” tanong niya sa sarili at nagtatakang pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdanan at tumungo diretso sa kusina kung saan hindi pa man siya tuluyang nakakapasok roon ay napahinto na agad siya ng makakita ng isang babaeng nakatayo at nakatalikod mula sa kinaroroonan niya.
Nangunot ang noo niya at halos magdikit na ang mga kilay niya, the woman doesn’t look familiar to her. She has a blonde hair at wala siyang kilalang may ganoong kulay na buhok na kilala niya.
“Sino ka?” tanong niya agad sa babae na nagpatigil naman sa ginagawa nito. Mas lalo lang nangunot ang noo niya nang makitang nagluluto pala ang babae. Sa pagkakaalala niya ay hindi naman sila kumuha ng katulong and base on the woman’s built ay hindi ito pangkatulong. Mataas ito, maputi ang balat, matangkad at maganda ang pangangatawan kaya hindi, hindi ito katulong at lalo namang parte ng pamilya dahil wala naman siyang kapatid na babae, kung may pinsan man ay nasa abroad naman samantalang kung mayroon man si Kier ay hindi niya naman close ang mga iyon dahil maliban sa mas matatanda ang mga ito ng ilang taon sa kaniya ay hindi pa siya nabibigyan ng pagkakataong makasama ang mga ito sa mahabang panahon. Maybe they were at their wedding pero dahil busy sila niyon ay hindi niya nakausap ng matagal ang mga ito.
Hindi umimik ang babae kaya napalunok ng laway si Fajrah, wala siyang ideya kung sino ito kaya unti-unting pumasok ang kaba sa dibdib niya lalo na nang tingnan niya ang kamay nito ay may hawak itong kutsilyo, naghihiwa kasi ito ng bawang.
Hindi nagsalita ang babae. “Who are you? Tatawag ako ng security-” the woman giggled which stopped Fajrah from talking at mas nagpakunot ng noo niya. It feels like she know the woman pero hindi niya maalala kung sino, but not until the woman faced at her direction. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa gulat at nakita ang pinsan niyang si Weather who is supposed to be at the states.
“Missed me?” tanong ng nakababata nilang pinsan.
“Oh my god!” Fajrah gasped. “Oh myyyy!” Tumakbo ito palapit sa babae at niyakap ito.
“Oh my god! Hindi kita nakilala! Your hair suits on you! Omg! Why are you her? What are you doing here? Kailan ka pa nakuwi? Sinong kasama mo? Ikaw lang ba?” sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Fajrah, she’s so happy.
Weather chuckled who isn’t just a cousin to her but also her sister and bestfriend. Sa kanilang magsasampung mga pinsan kasi ay sila lamang dalawa ang babae and the rest are boys.
Tinapos muna ni Weather ang niluluto niya bago sila nagusap ni Fajrah sa hapag kainan.
“It’s so sad there, kaya umuwi na lang ako.”
“Why? I thought it was your dream to study abroad?” tanong niya rito.
“Yea but how could I study if I always think about all of you here? I missed Kuya Vince nagging around and I guess I can’t live without Kuya Lorenzo’s advices.” sabi nito na humina ang bosses sa huling sinabi.
“Is there a problem?” nag-aalalang tanong ni Fajrah sa kaniya pero nginitian lamang siya nito at sinabing kumain na dahil nagugutom na. Hindi na lang din ito pinilit pa ni Fajrah even if halata sa mukha nito na may problema.
Imbes na plano ni Fajrah na itanim na ang mga halaman niya sa mas malalaking pots sa araw na iyon ay hindi niya nagawa lalo na dahil dumating ang ilang mga pinsan nila nang malamang umuwi siya din siya. Halos tatlong lingo na kasi silang hindi nagkikita-kita kaya ayon naisipan nilang magkita-kita roon which was not really on her plan.
“Hindi na magtataka pa iyon si Kuya Kier kung makita niya mang nandito na ang iba,” ani ni Weather at bahagyang tumawa.
Napatawa din ng bahagya si Fajrah, sa ilang taong pagiging mag boyfriend at girlfriend nilang dalawa alam niyang nasanay na rin sa kanila ang asawa. He’s actually close na sa mga pinsan niya lalo na sa Kuya Lorenzo nila ang nakakatanda nilang lahat at ang idol nilang lahat.
“Is Kuya Lorenzo coming?” Tanong ni Fajrah sa pinsang si Leonel ang kapatid ng Kuya Lorenzo nila.
Nag kibit balikat ito, “He’s kinda busy this days”
Kasama ang pagdating ng mga boys kanina ay nagdala din ang mga ito ng mga pagkain kaya habang nag-uusap sila roon ay nguya din sila ng nguya sa mga dala ng mga ito.
Nang maghapon ay hindi na nagtaka pa si Kier kung bakita ang daming nakaparada na mga sasakyan sa labas ng bahay nila.
Napabuga siya ng hangin, “why can’t these kids go in just a one car?” bulong niya. Sa tuwing may lakad kasi ang mga ito kailangan talagang isa-isa ang mga ito ng sasakyan where in fact ang ilan sa kanila ay nakatira lang naman sa iisang bahay at pupunta sa parehas na destinasyon.
“Oh well, what should I expect from these Timbrezas?” ani niya habang ginagarahe na ang sasakyan niya.
The kids are spoiled but they are nice dahilan kung bakit mabilis lang din siyang mapalapit sa mga ito.
Napabuga siya ng hangin when he was unbuckling his seat belt. Kaninang umaga nang dumating si Weather ay inaasahan niya ng susunod ang mga pinsan nag mga ito na lalaki. Which means hindi niya masosolo ang kaniyang asawa.
“Bro,” si Chester nang makapasok siya sa bahay nila. Nasa sala ang mga ito and are watching something. Bumati naman ang iba sa kaniya habang si Fajrah ay tumayo upang bigyan siya ng halik sa labi.
“I’ll just take a quick shower, galing pa akong site,” paalam nito sa mga pinsan ng asawa niya na sinundan naman ni Fajrah mayamaya at iniwan muna saglit ang mga pinsan niya roon.
Pagpasok niya sa kwarto nila ay kakatapos lang din ni Kier na maligo. Topless at ang towel lamang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan niya. Siguro kung mag jowa pa lamang sila ngayon ay tumalikod na siya pero dahil mag-asawa na at nakita niya na rin naman iyon.
Napangiti si Fajrah, kita niya ngayon ang magandang katawan ni Kier na isa rin sa mga namiss niya, kaya lumapit siya sa lalaki at niyakap ito mula salikuran nito. But that isn’t just her problem.
“Love,” tawag niya sa asawa habang naghahanap ito ng masusuot.
Umikot si Kierat hinarap ang dalaga. Fajrah pouted.
“Why?”
“I think we really need a maid,”
Nangunot ang noo ni Kier. “We have talked about this before, Love.”
“Yes, pero just like now.. we have visitors tapos walang magluluto,”
“Minsan lang naman na andito ang mga pinsan mo, Love. Don’t worry, I’ll cook. Ako na ang bahala,”
Napangiti si Fajrah but at the same time na g-guilty kasi kakarating lang ng asawa galing sa pagtatrabaho at ito pa ang magluluto. Hindi pa rin kasi siya confident sa pagluluto niya, she grew up in a house where everything was given to her, kaya may mga bagay talaga na hindi niya alam gawin at isa na roon ang pagluluto but she’s trying.
Katulad ng anong sabi sa kaniya ni Kier ay ito nga ang gumawa ng paraan para sa pagkain nila ng gabing iyon. Nasa labas sila ng bahay at nag grill ng bbqs. Masaya si Fajrah lalo na dahil dumating ang Kuya Lorenzo niya kaya may nakakausap na ang asawa niya.Sobrang nag enjoy siya ng gabing iyon. Buti na lang at mas napili niyang umuwi kesa mag staydoon kasama ang ibang mga interns which she isn’t that close with, si Gian lang naman ang kaclose niya dahil ito ang kasama niya sa room pero palakaibigan ito at halos ata mga kasamahan nila roon ay kaclose nito kaya hindi siya nababahala kung mag-isa lang roon si Gian dahil alam niyang marami itong kaibigan doon at hindi ito mabo-bored kung wala man siya roon.
“I think your your cousin is inlove,” ani ni Kier nang nakahiga na sila sa higaan nila. It’s already pass mid night nang matapos sila sa paglilinis at paghugas ng mga plato.
“Sino sa kanila?”
“Your Kuya,” mula sa sa pagkakaakap at pag rest niya sa kaniyang ulo sa dibdib nito ay napataas siya sa kaniyang ulo at tiningnan ang asawa sa mukha.
“Kuya Lorenzo? Really?”
Tumango ito.
“That’s good then,” nakangiting sagot niya, masaya para sa nakakatandang pinsan na wala nang ginawa kung hindi ay ang magtrabaho ng magtrabaho at tulungan silang mga magpipinsan sa mga problema nila, pagkataposniyon ay napahikab na siya.
Napagod siya sa paglilinis pero alam niyang mas pagod ang asawa.
“Matulog na tayo, Love. Good night.” ani niya rito.
“Okay good night, Love. I love you,” ani nito na siyang dahilan kung bakit nakatulog siya ng gabing iyon ng may ngiti sa mga labi.