“Oh? Uuwi ka?” tanong ni Gian kay Fajrah nang maabutan niya ito sa kwarto nila na nag-aayos ng mga gamit nito.
“Ahh, oo. Namimiss ko na kasi ang asawa ko.” natigilan ang babae sa paghiga sana sa kaniyang higaan nito ng marinig ang sagot ni Fajrah.
“Asawa?” nakakunot ang noo at gulat na ani ng kasama niya sa kaniya. Instead na mahiga ay napili na lang nitong maupo ng lang muli.
“Ahh, oo. Miss na rin kasi ako ni Kier.” sagot ni Fajrah habang nasa mga tinutuping damit niya siya nakatingin. Hindi niya dadalahin ang mga iyon. Inayos niya lang bago siya umalis kasi baka tawagin pa siyang burara ni Gian, nakakahiya naman at ang linis ng part nito sa room
“Kier? Sinong Kier?” tanong ni Gian. Hindi niya kilala iyon. May asawa na ba si Fajrah? Tanong nito sa isipan at napalakbay ang mga tingin sa kamay, to Fajrah’s fingers at nakita niya nga roon ang isang sinsing.
Gian gasped. “Seryoso?” tanong muli nito na hindi makapaniwala.
Napatulala ito saglit, nagspace out.
Nilingon ito ni Fajrah, doon ay nakita niya ang manghang ekspresyon sa mukha ni Gian. Then, she remembered na oo nga pala, hinid niya pa nasasabi ito sa roommate niya na ngayon ay isa na rin sa mga malapit niyang mga kaibigan. Sa ilang araw na ito ang kasama niya palagi ay naging magaan ang loob niya rito.
Gusto niya ito dahil mabait at sobrang simple lang nitong tao which reminds her of someone. Naaalala niya ang ate Zoraida niya rito na ilang taon nang hindi niya na nakikita.
“Talaga ba?” tanong muli ni Gian, na naniniguro.
Fajrah chuckled. Natapos niya na ang pagtutupi kaya nilapitan niya ang kaibigan na ngayon ay shock na shock ang mukha.
“Ang bata mo pa, magkaedad lang tayo. Is this a sign?” sabi niya na hindi pa rin nawawalan ng kahit kaunting pursyento ng pagkakamangha sa mga mata nito.
Fajrah chuckled. Limang araw na silang magkasama sa isang kwarto pero hindi pa pa rin pala niya nasasabi rito ang tungkol sa pagiging married niya na.
Mahina munang tumawa si Fajrah bago niya naisipang magsalita, “Yes, I married. He’s 30 and I am 22. He’s already a successful engineer while me, I am still proving myself.”
Napa-wow ang kaibigan niya. “Engineer? Apakaperfect naman ng tadhana.” ani nito na nagpatawang muli kay Fajrah
“Anong pangalan? Baka kilala ko.” sa pagkakaalam niya noon ay may nobyo na ang babae pero hindi niya naman alam kung sino dahil maliban sa hindi pa naman sila close noon ay hindi siya mahilig makisaawsaw sa chismis ng ibang tao.
“Kier, Kier Miradel.”
Napasinghap si Gian riyon, “Shet, kilala ko ngaaa,” pagkatapos ay atomatikong napatabon sa kaniyang bibig ng marealize kung anong tipo ng tao ang nasa isaip niya ngayon. As their course is somehow related sa engineering ay inexpect na ni Fajrah na kilala nito ang asawa niya.
“Totoo ba? Gagi! Hindi nga? I’m waiting for the it’s a prank eme.”
“Totoo nga,” natatawang sagot niya.
“Give me some proof,” sabi ng kaibigan niya sa kaniya at nginitian siya ng nakakaloko, iyong ngiti na para bang. Wala ka nang kawala ngayon, alam kong hindi totoo ang mga sinasabi mo. But because Fajrah is very confident ay tinawanan niya ang kaibigan habang inaabot ang phone niya sa kabilang bed. Pinakita ni Fajrah sa kaniya ang lockscreen niya where it’s her and Kier in their wedding.
“Totoo talaga ‘to?” nilingon siya ng saglit ng kaibigan at tinitigang muli ang picture.
“Oo nga,” tumawa siya ulit.
“Pinaphotoshop mo lang ‘to eh,” sa puntong iyon ay pabirong sinamaan siya ni Fajrah ng tingin.
“Bahala ka nga jan,” that moment ay si Gian naman ang natawa.
“Eto naman parang hindi na majoke,” pagbibirong sabi nito na pabiro ring nagpairap kay Fajrah bago natatawang naglakad patungo sa kaniyang higaan upang kunin na ang isang pack bag ng mga kailangan niyang iuwi sa bahay nila dahil hindi naman magagamit at pagdating niya doon ay papalitan niya iyon ng mga bagay that is for sure na magagamit niyang talaga sa whole internship niya roon.
Gusto pa sanang magtanong pa ng marami ni Gian tungkol roon pero kailangan ng umalis ni Fajrah. Alas kwatro na, therefore it’s already truck ban. Sa karatig na probinsiya kasing iyon kapag umaga at hapon ay apat na oras na binabann ang mga truck sa pagbabyhae upang hindi makapagcause ng trapiko sa daan.
Sa kabilang banda ay mag madilim na madilim na ang kalangitan pero nasa site pa rin si Kier at nakaharap sa mga inaasekaso pang mga impotanteng papeles nito at sa laptop niya na kailangan niyang basahin.
“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Theo sa kaniya. Pauwi na ito.
“Maya na, tatapusin ko lang ‘to.” sagot niya habang nasa papel ang mga tingin. Ten more pages at matatapos na din naman siya.
“Sige, una na ako.” tinanguan niya ito.
Nagtagal pa siya roon ng ilang minuto ng may marinig na kumatok sa pintuan na bukas naman iyon. Pagtaas niya sa kaniyang tingin ay nakita niya ang nakangitin asawa roon.
“Good evening, Love.” pagsurpresa sa kaniya ng asawa.
Nang unang tingin ay akala ni Kier ay namamalikmata lang siya dahil anong oras na hindi pa siya nakakakain at pumasok sa isipan niya ang asawa. Sabi pa naman nito ay kumain dapat siya sa tamang oras and then after thinking about her ay nakita niya ito ngayon sa harapan niya.
“Love,” agad siyang napatayo ng totoo talagang naroon si Fajrah kaya madali siyang tumayo at tumungo sa dalaga upang akapin ito. It’s been five days and he missed her so much ganoon din naman si Fajrah.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Fajrah pagkatapos ng akapan nila.
“Hindi pa,” Kier answered. “Ngayon lang kasi ako natapos.” ani niya at tiningnan ang itaas ng lamesa niya kung saan nakalatag sa taas niyon ang ilang papeles.
“Ang mabuti pa ay dito na lang tayo kumain,” ani nito sa kaniya at inayos ang bitbit na paper bag sa kamay, na sigurado ay mga pagkain ang laman.
Napatitig sa kaniya si Kie at napangiti ng makitang magulo ng kaunti ang buhok ng asawa but it didn’t make her less beautiful.
“Why? May dumi ba sa mukha ko?” tanong ni Fajrah sa asawa nang maabutan niya itong nakatitig sa kaniya.
“Uh, no. Wala.” ngumiti ito. “ I… I just missed you so damn much,” ani nito na nagpangiti sa asawa.
“I missed you too,” katulad niya ay miss na miss na rin talaga siya nito. Pagkatapos sabihin iyon ay binigyan niya ng isang matamis na halik si Kier sa labi nito.
Pagkatapos ay katulad ng naisipan nila ay doon nga silang dalawa kumain. Pinag-usapan nila kung kamusta ang insternship ni Fajrah sa Meduya construction firm at kung ano ang mga nangyari niyong gabing nalasing ang asawa.
“Naging kaclose ko na iyong karoommate ko, Love. She’s nice and she reminds me of Ate Zoraida.” ani niya rito tungkol sa kaibigan sa probinsya na bigla na lang nawala na parang bula.
“You know what? I just told her earlier na may asawa na ako and that it was with you. Hindi niya ako pinaniwalaan, like pinaconvince niya pa ang sarili niya sa akin. So, I show her our wedding picture, and guess what.”
Nangunot ang noo ni Kier, interesado sa mga kinikwento sa kaniya ng asawa. Well, lahat naman siguro na tungkol sa asawa niya ay interesado siya.
“What?” tanong ni Kier bago uminom sa isang baso ng tubig na ibinigay sa kaniya ng asawa.
“She said I am so talented kasi sobrang nice daw ng pagkakaphotoshop nung picture para talaga daw’ng totoo,”Fajrah acted like crying. Natawa roon si Kier.
“You should have bring her with you para nameet ko siya, so that I could tell her na pakibantayan ka.” ani niya na isinandal ang likod sa arm rest ng inuupuang upuan.
“Ano ako, Love? Bata? para bantayan pa?”
“Yes… of course, cause your my baby.” banat nito na kung saan hindi napigilan ni Fajrah ang hindi mapangiti dahil sa kilig.
“So, what are your plans tomorrow?” tanong ni Kier habang nasa daan ang tingin, ang isang kamay ay nasa manibela habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa kamay ni Fajrah.
“You have work tomorrow diba? “ Tumango si Kier, but actually hopes na sana wala sana siyang trabaho bukas, kasi gusto niyang makasama ng buong araw ang asawa.
“Siguro, maglilinis ako sa garden.” ani niya. Simula nang mag-aral siya ng landscaping where plants are somehow one of the things they need para magkabuhay naman ang designs nila ay nahili siya rito. Actually, their house was designed without a garden space pero dahil gusto niya ay siya mismo ang nag disenyo upang magkaroon sila roon pero hindi lang iyon ang naging ambag niya sa pagpapagawa ng bahay nila dahil pati interior designs ay siya ang gumawa, while Kier was the one who made it possible na mapatayo nila iyon.
“But, I’ll try to go home early tomorrow.”