Tahimik akong bumalik sa kinauupuan ko at nagpatuloy kumain. Hindi ko pinansin si Stephen nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. I feign ignorance when he pokes my left cheek. Sa pagkain pa rin ang atensyon ko dahil nag-iinit ang ulo ko sa kanya at sa Araceli na ‘yon. Mabuti na lang at umalis, mukhang nagtampo pa kay Stephen. “Huwag mo nga akong masundot-sundot sa pisngi ko. Hindi ako mamon.” Pagsusungit ko at tinabig ang kamay nito. Gusto ko na lang umuwi ng Pilipinas. Pakiramdam ko wala akong kakampi rito. Kung hindi ko pa denepensahan ang sarili ko kanina, malamang kakampihan niya ang babaeng ‘yon. Tumabi siya sa akin pero inilayo ko ang upuan ko at kay Nikko lumapit. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. “Nadine, gagalit ka na naman?” umismid ako. Hinding-hin

