Natawa na lang ako ng mahina nang hindi man lang sumagot si Stephen. Nakatingin lang siya sa sahig habang hawak niya ang laptop. “Akin na laptop mo. Fingerprint lang naman ang kailangan niyo ‘di ba? Puwede na siguro akong bumalik sa Pilipinas pagkatapos?” I stated. It was a condition. Ibibigay ko ang gusto nila, uuwi ako sa pinas, that’s it. Nahagip ng mata ko kung paano tumingin sa akin si Stephen ng mariin. “Hindi ka uuwi.” I smiled bitterly. “Walang uuwi, Nadine… nang hindi mo’ko kasama.” I scoffed. “Hindi na ako bata, Stephen. Kaya kong umuwi mag-isa.” Inalayo niya ang laptop nang tangkain kong agawin ‘yon sa kanya. “Oh, akala ko ba fingerprint ko ang kailangan?” paghahamon ko. Alam ko kasing ayaw niya akong pauwiin. Kahit nag-iinit na ang ulo ko at kumukulo na ang dugo sa inis at i

