SPNJ - 4

2580 Words
Matapos ang pag-uusap ni Moring at ng kanyang ama ay iniwanan na siya nito sa likod ng bahay. Ayaw pa sana niyang harapin si Congressman dahil ayaw niya do'n dahil masyado kasing mayabang 'yon. Akala siguro lahat ng babae at magkakagusto sa kanya. Kung si Moring ang tatanungin ay mas pipiliin pa niyang kausapin si Mayor dahil kahit papano ay mabait iyon. 'Yon lamang ay takot iyon kay Congressman. Paano, magpinsan ang dalawa at mas mayaman ang pamilya ni Congressman kaya kapag nagsabay ang dalawa sa pagdalaw kay Moring ay umuuwi na lamang si Mayor at hindi na nakikipagkumpetensiya kay Congressman. Kaya nga hindi rin tuluyang magustuhan ni Moring si Mayor dahil tingin niya ay duwag ito. Basta para kay Moring, wala pa siyang balak mag-asawa dahil wala pa siyang may nagugustuhan sa kanilang lugar kahit madami ang nanliligaw sa kanya. "Hay, makapaglinis na nga ng katawan para mapaalis ko na ang mayabang na Congressman na 'yon." Tumungo na si Moraine sa sampayan at kumuha ng tuwalya. Dumiretso na ito sa banyo na malapit lamang sa kanilang lutuan. Pakanta-kanta pa siya habang naglalakad doon kaya hindi niya napansin ang isang bulto ng tao na nasa loob mismo ng banyo. "Dayang.. dayang..." Sumasayaw pa si Moring habang kumakanta. “Piriripi piririp Piriripi piririt Hay Dayang ....” Saktong paghawak nito sa pinto ng banyo ay bigla namang nagbrown-out kaya napatili na lamang si Moring. Hindi muna ito gumalaw dahil takot siya sa dilim. “Tay… Tatay…” tawag ni Moring sa kanyang tatay. “Ta--- ay!” Biglang napatili si Moring ng biglang bumukas ang pinto at pakiramdam niya ay may malaking tao ang dumaan sa harapan niya. “Tay! Asan ka na? May kapre dito…..” sa sobrang takot na naramdaman ni Moring ay nagtatakbo na ito sa loob ng kanilang bahay ng biglang bumalik ang ilaw. Hindi na nito itinuloy ang paglilinis ng katawan sa banyo. Ang ginawa nito ay kumuha na lamang ito ng bimpo at binasa iyon—iyon na lamang ang kanyang pinampunas sa kanyang buong katawan. Matapos no’n ay nagsuot na ito ng pantulog. Gusto niyang inisin ang Congressman para umalis na ito. “Moring, ano? Lalabas ka pa diyan o baka tulog ka na? Sabihin mo kung hindi mo haharapin si Congressman para naman masabiha---” "Narito na." "Bakit ganyan ang suot? Bakit nakapantulog ka na?" Hindi makapaniwalang wika ni Diyosa ng makita ang suot ni Moraine. "Ayaw mo no'n. Hindi na ako ang papansin ni Congressman. Magpaganda ka na para sa'yo siya mapunta dahil alam ko namang type mo siya." Buking ni Moraine sa kapatid. "Bulag kasi ang lalaking 'yon. Hindi marunong tumingin sa maganda. Pareho lang sila ni Mayor at 'yang mga lalaking nahuhumaling sa'yo, mga bulag sila. 'Di bali, okay na kahit hindi ako pansinin ni Congressman at Mayor, palagay ko ay nakita ko na ang lalaking para talaga sa akin. Kapag ako talaga niligawan no'n, wala nang maraming tanong, sasagutin ko siya kaagad." Kinikilig na wika ni Diyosa at nauna ng bumalik sa kanilang sala. 'Si Jepoy ba ang tinutukoy ni Diyosa. Narinig ko sa nanay niya na dumating na ito at magbabakasyon para alagaan ang kanyang tatay. Imposible naman dahil kilala niya ang kapatid. Hinding-hindi no’n papatulan si Jepoy maliban na lang siguro kung maging milyonaryo ito. Ang gusto kasi ni Nanay Neneng at Diyosa ay mayamang lalaki.' Anang isip ni Moraine. Alam ni Moraine na matagal nang may gusto si Jepoy sa kanyang nakababatang kapatid kahit noong maliit pa sila. Ito lamang ang tanging lalaki na hindi umubra ang ganda niya kaya naman naging magkaibigan sila dahil lagi siya nitong inaasar na n*gra at ramdam niyang safe siya dito. Ni minsan kasi ay hindi siya binastos ni Jepoy at lagi pa siyang inaaway kapag pinagalitan niya noon si Diyosa. Kaso ambisyosa ang kapatid niya katulad ng Nanay Neneng niya kaya alam niyang hindi papatulan ni Diyosa si Jepoy. Kaya nga galit ang mag-ina sa kanya dahil halos lahat ng mga kabinataan na gusto ni Diyosa ay sa kanya naman nagkakagusto. "Andito na pala si Mori---" Kaagad nilapitan ni Aling Neneng si Moraine at gigil na binulungan, "Moring, bakit ganyan ang suot mo?" "Inaantok na kasi ako." Iyon lang at hinarap na ni Moraine si Congressman. "Magandang gabi po, Congressman." "Magandang gabi naman sa'yo, Moraine. Para pala sa'yo." Kaagad na inabot ng Congressman ang dala nitong bulaklakak at chocolate. "Salamat." Tinanggap naman ni Moraine ang bigay ni Congressman. "Moring, oy... kamusta? Ako to, si Jepoy, ang kababata mo." Mula sa kanilang terasa sa sa labas ay narinig ni Moraine ang boses ni Jepoy kaya tumingin siya sa kanilang bintana at nakita si Jepoy na nakangising nakatingin at sinenyasan siyang lumabas kaya nagpaalam muna siya kay Congressman. "Congressman, puntahan ko lang ang kaibigan ko. Saglit lang," Hindi na inantay ni Moraine na sumagot ang Congressman at lumabas na siya. "Kamusta ka na Jep--- ay, may kasama pala kayo." Bungad kaagad ni Moraine paglabas sa terasa. Napatingin ang lalaking katabi ni Diyosa sa gawi ni Moraine nang nasa pinto na ito. Kaagad na nagtama ang paningin ng dalawa. Bigla ay kumabog ang dibdib ni Moraine ng makita ang lalaki. Kahit na nakaupo ay halatang malaki at matangkad ang lalaki. Gwapo ito at moreno, ito ang tipo ng lalaki na matagal na niyang pangarap. Ilang saglit pang naghinang ang kanilang paningin at kinindatan siya ng lalaki kaya naman nahimasmasan si Moraine. Sinamaan niya ito ng tingin dahil ang dating sa kanya ay ang presko nito. Napansin naman ni Diyosa ang lagkit ng tingin ng lalaki sa kanya kaya lalong nagsumiksik si Diyosa dito. Gusto tuloy matawa ni Moraine sa hitsura ng lalaki, paano ay nakasiksik na ito sa gilid ng terasa. Kung pwede lang sigurong tumagos sa pader ay ginawa na nito dahil kinorner na ito ni Diyosa. 'Ito siguro ang sinasabi ni Diyosa na nakita na niya ang lalaking nakatadhana sa kanya. Kaya naman pala pinayagan niyang pumunta si Jepoy, malamang ay kaibigan o kasamahan 'to ni Jepoy. Ito talaga ang target na asawahin ni Diyosa. Akala ko ba ayaw niya sa mahirap at maitim kagaya ko.' Anang isip ni Moraine. "Siyanga pala, Moring, kasamahan ko sa trabaho---" "Ako nga pala si Angelo." Nagulat si Moraine ng sa isang iglap ay nasa harapan na nito ang lalaki at nakalahad ang kamay. Nakalabas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng lalaki. Parang nahihipnotismong kinamayan din ito ni Moraine. "Jeffrey, hindi mo naman sinabing may maganda ka palang kaibigan ha. Sana noon pa ako pumunta dito.” Halos ayaw nang bitawan ng lalaki ang kamay ni Moraine. “Ahem… ahem…” Napalingon ang lahat sa may pintuan ng masamang tiningnan ni Congressman ang kamay nina Moraine at ni Angelo. Mabilis namang binitawan ni Moraine ang kamay ni Angelo. Pagkabitiw ni Moraine ay nilapitan naman ng Congressman si Angelo. “Hindi mo ba ako kilala?” Maangas na tanong nito kay Angelo. “Hindi.” “Aba’t-- ako ang lalaking mapapangasawa niyang kinakamayan mo. Huwag ka nang umasa na single pa siya!” Galit na banta ni Congressman kay Angelo. “Magandang binibini, totoo ba ang sinasabi nito?” Hindi naman nagpasindak si Angelo at tinanong si Moraine na nagulat sa sinabi ni Congressman. “Congressman, tinanggap po namin kayo dito ng maayos sa aming pamamahay kaya sana ay respetuhin niyo rin ang aking kaibigan at ang kanyang kasama.. at huwag niyong sasabihin sa ibang tao na kayo ang mapapangasawa ko dahil tanging ako lamang ang makakapagdesisyon niyan. Sa susunod na magsasabi pa kayo niyan ay hindi na talaga kayo makakapasok dito sa aming pamamahay. Kung maaari po sana, pwede na kayong umalis dahil inaantok na’ko,” sabay talikod ni Moraine. “I’m sorry, Moraine. Nagseselos lang ako sa lalaking ‘yan dahil ang lagkit kung makatingin sa’yo. Hindi ko gustong binabastos---” “Pare, kahit kailan ay hindi pa ako nambastos ng babae. Baka ako pa nga ang binabastos pero hinahayaan ko lang sila. Bastos na ba makipagkilala sa isang magandang binibini?” “Tama na ‘yan. Congressman, hindi sa kinakampihan ko ang lalaking ‘yan pero hindi naman niya ako binastos. Mauna na ako sa inyo,” paalala ni Moraine at pumasok na sa loob ng bahay. Naiwan sa terasa sina Congressman, Angelo, Jeffrey at Diyosa. “Hoy, binabalaan kita ha.. ‘wag na ‘wag ka nang magpapakita pa dito. At ‘wag na ‘wag mo ring liligawan ang mahal ko.” Nanggigigil na dinuro-duro ni Congressman si Angelo. Samantala ay tinawanan lamang ni Angelo ang lalaki. “Congressman…. Congressman ka pa naman. Hindi naman po ‘ata tama na pagbawalan niyo ako sa kung anuman ang gusto ko. Nagsisilbi po kayo sa bayan at sa pagka-alala ko ay nagbabayad naman ako ng tamang buwis kaya bakit kita susundin. Dapat nga kaming mga simpleng mamamayan ang susundin mo dahil kami ang nagpapasahod sa inyo.” Pang-aasar ni Angelo sa Congressman. “Sumasagot ka pa talaga. Hindi mo ba alam ang mangyayari sa’yo kapag kinalaban mo ako? Teritoryo ko ‘to kaya kaya kong gawin ang lahat ng nais ko,” pagbabanta pa ni Congressman kay Angelo. “Hindi naman ako tagarito kaya hindi ako saklaw ng kayabangan mo. At huwag kang mag-alala dahil hindi mo’ko matatakot. Mas matakot ka dahil ‘di hamak na mas magandang lalaki ako sa sa’yo, baka ako ang mapangasawa ni Moraine.” Saka humalakhak ng malakas si Angelo. Dahil sa narinig ay sinugod ni Congressman si Angelo para suntukin pero bago pa tumama ang kamao ni Congressman ay napatid ito sa isang upuan na kinatumba nito. Mabilis naman itong tumayo at akmang susugurin ulit si Angelo ng pumagitna na si Jeffrey. "Congressman, baka nakakalimutan niyo. Hindi kayo tagarito. Teritoryo ko 'to kaya 'wag na 'wag niyong tatakutin ang kaibigan ko dahil baka sa darating na eleksiyon ay wala nang boboto sa inyo. Halos lahat ng tagarito ay kamag-anak ko kaya kilalanin mo din ang kakalabanin mo. Baka hindi mo alam, mas maya---" "Jeffrey, tama na 'yan!" Putol ni Angelo sa iba pang sasabihin ni Jeffrey. "Humanda kayo sa akin. Akin lamang si Moraine. Sisiguraduhin kong mabubura kayo dito sa mundo kapag pinakielaman niyo ang pag-aari ko." Galit na nagwalk-out si Congressman. "Congressman!" Tawag naman ni Angelo dito bago ito tuluyang makalabas ng bakuran nina Moraine. "Siguraduhin mong sa susunod ay bobo ang tatakutin mo dahil ito oh, nag-iwan ka ng ebidensiya. Kapag nawala ako, alam na ng mga tao kung sino ang nagpatumba sa akin." Tinaas pa ni Angelo ang cellphone kung saan ni-record niya ang mga pagbabanta ni Congressman. "I don't care!" Sigaw nito at tuluyan nang umalis. Nang makaalis naman ang Congressman ay kaagad na dinaluhan ni Diyosa si Angelo pero mabilis itong nakaiwas at dumikit kay Jeffrey kaya hindi na lumapit pa si Diyosa. Nagpaalam na ang dalawa na babalik ulit kinabukasan para dumalaw ulit. Humirit pa si Jeffrey kung pwedeng agahan para tumulong sila pero hindi pumayag si Diyosa kaya gabi na lamang ulit sila dadalaw. *** Kinabukasan ng gabi ay bumalik ulit ang mag-amo sa bahay nina Moraine. Mas inagahan na nila dahil baka maunahan pa sila nina Mayor at Congressman. Tuwang-tuwa namang sinalubong ni Diyosa ang dalawa pero napalitan iyon ng galit at inggit nang hinanap ni Angelo si Moraine para ligawan. Walang planong sabihin ni Diyosa na nasa likod-bahay lamang naglalagi si Moraine pero kaagad namang bumanat si Jeffrey na kinabanas nito. "Halika at alam kong nasa likod lang 'yon. Close kami ni Moring kaya ilalakad kita sa kanya." Bago pa makapag-protesta si Diyosa ay nawala na ang dalawa kaya dali-dali ding sumunod si Diyosa sa likod ng bahay at naabutan niyang kinakausap ni Angelo si Moraine. "Narito na pala si Diyosa. Doon na kayo sa terasa at dadalhan ko kayo ng maiinom. Ano ba ang gusto ninyo?" Nakatingin lamang si Moraine kay Jeffrey. "Ako matapang na kape at walang asukal." Mabilis na sagot ni Jeffrey. "Uhhmm.. i-ikaw.. a-anong gusto mong itimpla ko?" Napilitang tumingin si Moraine kay Angelo para tanungin ito kung anong iinumin nito. Dahil sa kaba ay kandabuhol-buhol pa tuloy siya. Tiningnan muna ng nakakatunaw ni Angelo si Moraine bago sumagot, "Ikaw!" "Ahem.. ahem.. Pareng Angelo, huwag mo ngang bibiruin ng ganyan si Moring. Kaibigan ko 'yan, kaya 'wag siya." Medyo nagseryoso na si Jeffrey. Si Jeffrey naman ang hinarap ni Angelo at tiningnan ng matiim. "Seryoso ako sa kaibigan mo, Jeffrey." Nagsukatan ng tingin ang dalawa kaya naman pumagitna na si Moraine bago pa mag-away ang dalawa ng dahil sa kanya. "Jepoy, huwag nang pansinin 'yang kaibigan mo. Baka nagbibiro lang siya." “Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako. Gusto kita, Moraine. Hindi ko na problema kung ayaw niyong maniwala sa akin pero sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka. Kung gusto mo magpaalaam ako sa mga magulang mo para patunayang malinis ang hangarin ko." Diretsong wika ni Angelo. "Ano 'yon? Tama ba ang narinig ko na liligawan mo ang anak ko?" Nagulat sila ng biglang sumulpot si Kapitan. "Opo sana, Pa--- Kap! Gusto ko pong ligawan si Moraine." Lumapit naman si Angelo kay Kapitan. "Alam mo lalaki, mahal na mahal ko ang mga anak at hindi ako papayag na basta na lamang silang pabayaan sa kung sino-sino lamang. Anong ipapakain mo sa anak ko kapag ikaw ang napangasawa niya?" Diretsong tanong ng Kapitan. Napalunok na lamang si Jeffrey. Gusto niya sanang sumabat pero sinamaan siya ng tingin ni Angelo kaya hindi tuloy siya makapagsalita. "Masipag naman po ako at may kaunting ipon dahil mag-isa lamang ako at ulila na. Hindi po ako bulastog sa pera. Hindi din po ako babaero---" "Ahem.. ahem.." Biglang napaubo si Jeffrey kaya tiningnan na naman ulit ito ni Angelo. "Ang ibig kong sabihin, stick to one lang po ako." "Ano ba ang trabaho mo?" Tanong ng Kapitan. "Driver po. Magkasama po kami ni Jeffrey pero sa Manila ako nadestino samantalang siya ay sa hasyenda." "Sa tingin mo ay papayag akong isang driver lamang ang makakatuluyan ng aking mga dalaga. Pasensiya na kayo pero maaari na kayong umalis. At huwag na huwag na kayong magtatangka pang ligawan ang mga dalaga ko." "Tay! Bakit naman pinapaalis niyo na sila?" Bigla ay nanghinayang si Moraine sa sinabi ng tatay niya na ayaw nito kay Angelo. "Huwag mong sabihin na gusto mo ‘yang lalaking ‘yan.” “Hindi naman po.” “Iyon naman pala. Hindi mo pa nga tuluyang kilala ‘yan kaya ‘wag ka munang magtitiwala. Baka mamaya niyan, bubuntisin ka lang tapos ay iiwanan. Maraming lalaki ang ganyan lalo na at galing Manila ‘yan kaya pumasok na kayong dalawa sa loob. Kayo namang dalawa, umalis na kayo.” Pagtataboy pa ni Kapitan. Wala nang nagawa pa ang dalawa kundi ang umalis dahil pinaalis na sila ni Kapitan. Habang pauwi ay sinisisi naman ni Jeffrey si Angelo kung bakit sila pinalayas. “Kasalanan mo ‘to, Boss. Hindi ko na tuloy maliligawan pa si Diyosa. Atsaka, parang hindi kapani-paniwala na tinamaan ka kay Moring eh ang pangit kaya no’n. Mas maganda sa kanya si Diyosa, my loves.” Paninisi pa ni Jeffrey. “Huwag kang mag-alala at gagawa ako ng paraan para makabalik tayo sa bahay nila.” “Pero seryoso, Boss, talagang gusto mo si Moring?” “Oo. Unang kita ko pa lamang sa kanya, gusto ko na siya. Na love-at-first-sight ‘ata ako sa kaibigan mo.” “Eh, paano ‘yan, Boss. Bigtime ang mga kalaban mo.” “Don’t worry. Makakabalik tayo sa kanila, magtiwala ka lang.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD