SPNJ - 9

844 Words
Halos tatlong buwan na sa malaking bahay si Moraine at nalaman niya mula kay Manang Josie, ang kanilang katulong, na mayaman nga talaga si Angelo. Nag-iisang apo at tagapagmana ito ng Sobrevaga Corporation. Namatay na ang mga magulang nito noong maliit pa lamang ito kaya silang mag-lolo na lamang ang natira. Kaya gano'n na lamang ang nararamdamang hiya ni Moraine sa kanyang sarili dahil sa tingin niya ay hindi siya nababagay kay Angelo. Sobrang yaman pala nito at pinagsabihan pa ng kanyang Tatay ng kung ano-anu dahil ang akala ay driver lamang. Siya din ang dahilan ng pag-aaway nito at ng sariling lolo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uusap ang dalawa at tinanggalan na ng mana si Angelo ng kanyang lolo. Kinausap naman siya ni Angelo na huwag mag-alala dahil kahit na wala na siyang mamanahin sa kanyang lolo ay may sarili itong negosyo na itinayo. Araw-araw nga itong umaalis dahil doon iyon pumupunta at nag-oopisina. "Ma'am Moraine, may bisita po kayo." Wika ni Manang Josie. Hapon iyon at kasalukuyang nagpapahinga si Moraine. Nitong mga nakaraang linggo ay parati siyang gutom at inaantok. Mayroon siyang pagkain na hinahanap na hindi niya malaman kaya laging mainit ang ulo niya at lagi din niyang pinag-iinitan si Angelo tuwing umuuwi ito. "Ako, may bisita? Wala naman akong kakilala dito, Manang Josie." "So.. ikaw pala si Moraine." Isang napakaganda at sosyalerang babae ang bigla na lamang pumasok sa kanilang sala kahit hindi naman ito pinatuloy ni Manang Josie. "Ay, Ma'am bakit po kayo pumasok, ang sabi ni Sir Angelo tanungin ko daw muna si Ma'am Moraine Kung sino ang papasukin--" "Hoy, tanda, tumigil ka diyan dahil hindi naman ako magtatagal dito. Pagsasabihan ko lang ang ambisyosang babaeng 'to na kasalanan niya ang lahat kung bakit na-ospital ang lolo ni Angelo." Sabat nito kay Manang Josie at hinarap si Moraine. "Ang kapal din naman ng mukha mo, hampaslupa ka! Alam mo bang inatake sa puso ang lolo ni Angelo dahil nalaman niyang pinikot niyo lang pala ng kanyang pamilya si Angelo dahil nalaman niyong mayaman siya!" "Hindi totoo 'yan!" "Anong hindi totoo?! Nilasing niyo si Angelo para sumiping sa'yo at kinabukasan ay tinakot ng magaling mong tatay kaya napilitang siyang pakasalan ka!" Nagsisigaw na wika ng babae. "Hindi totoo 'yan!" "Kung hindi dahil sa pamimikot mo sa kanya, ako sana ang pinakasalan niya dahil ako ang girlfriend niya! Kung matinong babae ka dapat ay umalis ka na para magkaayos na si Angelo at ang lolo niya!" "G-girlfriend ka ni Angelo?" "Oo. Ikakasal na kami at mayroon lang kaming pinag-awayan kaya lumayas at nagtago siya sa probinsiya ninyo." Huminga muna ito atsaka nagpatuloy. "Katulad ka din ng nanay mo, mang-aagaw." "Huwag mong idamay ang Nanay ko dahil wala kang alam sa buhay namin," nanggigil na wika ni Moraine. "Bakit nahihiya kang sabihin sa pamilya ni Angelo na dating pokpok ang Nanay mo. Na kaya ka nabuo ay dahil nilasing din ng Nanay mo ang Tatay mo.” "Ginagalit mo talaga akong babae ka ha. Ito ang nababagay sa'yo!" Sa sobrang galit ni Moraine sa mga kasinungaling pinagsasabi ng babae ay sinabunutan niya ito. Dahil sanay sa away si Moraine ay hindi man lang nakapalag ang babae ng sabunutan at pagsasampalin ito ni Moraine. Nagsisigaw lamang ito sa iyak at humihingi ng tulong. Sa pagnanais nitong makawala kay Moraine ay tinadyakan nito si Moraine dahilan para mawalan ng balanse si Moraine at mapaupo. Mas lalo tuloy nagalit si Moraine at mabilis na tumayo. Hinablot nito ang buhok ng babae at pinagsasampal. Hindi pa nakuntento ay sinuntok ni Moraine ang mukha nito dahilan para tumilapon ito sa sahig at iyon ang eksenang naabutan ni Angelo. "Moraine! Anong ginawa mo kay Lindsay?!" Galit na sigaw ni Angelo. "Nakita mo na! Iyan ba ang klase ng babaeng pinakasalan mo! Napaka-warfreak. Dumalaw lang naman ako dito pero sinaktan niya ako Angelo. Binugbog niya ako!" Saka humagulgol ang babae. Dahil hinang-hina at pumutok ang labi ng babae ay kinarga ito ni Angelo at dinala sa isang bakanteng kwarto. "Manang Josie, dalhan mo ako ng first aid kit." Mabilis namang gumalaw ang katulong at hinanap ang first aid kit. Samantala ay paika-ikang naglakad naman si Moraine papunta sa kwartong pinagdalhan ni Angelo sa babae para magpaliwanag pero pagdating sa pinto ay naabutan niyang naghahalikan ang dalawa. Saglit lang naman iyon at nakita niyang umiwas si Angelo pero bigla-bigla ay sumama ang kanyang pakiramdam. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa nakita kaya dali-dali siyang pumasok sa kanilang kwarto ni Angelo. Doon ay nag-iiyak si Moraine at kung ano-ano na ang pumasok sa kanyang isipan. “Siguro, tama nga na umalis na lamang ako dito dahil ako pala ang dahilan ng pagkakaospital ng lolo ni Angelo. Ako din ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niya sa kanyang girlfriend!” Paninisi ni Moraine sa kanyang sarili. Kahit na masama ang pakiramdam ay pinilit ni Moraine na ayusin ang sarili. Nagbihis lamang ito ng maayos na damit at maingat na lumabas ng bahay ni Angelo at naghanap ng masasakyan papuntang airport. “Paalam, Angelo. Paalam, mahal ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD