WAKAS

1071 Words
“Moring! Gumising ka na at tanghali na. May bisita ka pala.” Sigaw ni Kapitan sa labas ng kwarto ni Moraine. Naka-lock iyon kaya hindi makapasok ang tatay niya. “Si Tatay naman eh. Inaantok pa ako. Sabihin niyo kamo na tulog ako —o ‘di kaya ay wala. Gumala sa labas.” Sigaw ni Moraine sa loob ng kanyang kwarto. “Pssstttt…” “Pssstttt..” Naiinis na si Moraine dahil imbis makatulog ay mayroon na namang nambubuwisit sa kanya. Alam niyang galing iyon sa bintana ng kanyang kwarto. “Sin---” “Mahal, ako to, si Angelo.” Nakangiting mukha ni Angelo ang nabungaran ni Moraine na nakasampa sa kanyang bintana. “Anong ginagawa mo diyan? Bakit diyan ka dumaan at bakit pala narito na?” Bigla ay nakaramdam ng pagkamiss si Moraine sa asawa. Simula ng umalis siya sa Manila at iwanan si Angelo ay iyak lamang siya ng iyak sa kanilang bahay. “Bakit mo naman ako iniwanan sa Manila? Hindi mo na ba ko mahal?” Parang iiyak na wika ni Angelo ng makasampa ito sa loob ng kwarto ni Moraine. “M-mahal din. Kaso kasi.. may girlfriend ka na pala. Tapos nakokonsensiya ako dahil naospital ang lolo mo ng dahil sa akin,” nakalabing wika ni Moraine. “Sssshhhh…” mabilis namang niyakap at pinahid ni Angelo ang luha ni Moraine. Umiiyak ito sa hindi malamang dahilan. “Alam mo bang muntik ko nang mapatay si Lindsay ng malamang umalis ka ng dahil sa kanya.” “Totoo? Bakit nakita ko kayong naghahalikan?” Bigla bigla ay naging matapang si Moraine ng maalala ang halikan ng kanyang asawa at ng babaeng sumugod sa bahay nila. “Ninakawan niya ako ng halik. Umiwas nga ako dahil ayoko ko kayang mavirusan ang labi ko. Ikaw lang dapat ang pwedeng humalik sa akin no.” Nakangising wika naman ni Angelo at mabilis na ninakawan ng halik si Moraine. “Siyempre nasaktan ako doon sa nakita ko kaya umalis ako. Atsaka sinabihan ba naman ako na pinikot kita.” “Hayaan mo silang sabihin na pinikot mo ako. Magpapapikot naman talaga ako sa’yo.” “Talaga?” “Oo, sabi. Nalove at first kaya ako sa’yo, mahal.” “Ano naman ang nagustuhan mo sakin. Pangit ako, maitim---” “Maganda ka sa paningin ko at unang kita ko pa lang sa’yo, tinamaan na ako ng pan ani kupido. Parang kang diwata, naengkanto ako sa’yo.” “Ang corny mo! Engkanto pala ha. Umalis ka dito sa kwarto ngayon din!” Pagtataray kunwari ni Moraine pero ang totoo ay kinikilig na siya. “Sige ka, kapag pinaalis mo ako dito. Hindi mo na matitikman ang anaconda ko!” “Gag* ka talaga. Napakamanyak mo!” “Gusto mo ba, umalis ako?” tanong ni Angelo kay Moraine. “Hindi! Siyempre, namimiss ko na rin ‘yong anaconda mo.” Bungisngis ni Moraine. Maya-maya lamang ay nagseryoso na si Angelo. “Mahal, patawad pala sa nangyari sa Manila. Hindi naman totoong girlfriend ko si Lindsay, kahit tanungin mo pa si Jeffrey. Siyempre, gwapo at malaki ang anaconda ko kaya hinahabol talaga ako ng mga babae. Pero sorry na lang sila dahil taken na ako. Sa’yo lang kasi tumibok ang puso ko. I love you, mahal!” Saka mabilis na hinalikan si Moraine. “Sorry din kung naging marupok ako at nagpadalus-dalos. Nagselos lang ako doon sa sinungaling na babaeng ‘yon kaya naisipan kong umuwi na lamang dito.” “Mahal sa susunod, huwag mo na uling gagawin ang lumayas ng walang paalam ha. Mabuti na lamang at tinawagan ako ni Tatay na umuwi ka dito. Kaya napasunod kaagad ako dahil baka ligawan ka pa ni Congressman kahit na may asawa ka na.” “Ano ka ba. Hindi na ako ako papatulan no’n. Ayaw no’n sa buntis. Hindi niya siyempre aakuin si baby---” “Anong sinabi mo mahal?” “Ang sabi ko buntis ako. Magiging tatay ka na! Kaya pala madali akong mapagod at palaging inaantok noon dahil nagdadalangtao na pala ako. Magkakababy na tayo, mahal ko.” Si Moraine na ang yumakap kay Angelo. “Yes! Yes! Magiging tatay na ako! Abuelo!” Nagulat pa si Moraine ng hatakin siya ni Angelo papunta sa kanilang sala. Pagdating sa sala ay nagulat si Moraine ng makita ang lolo ni Angelo. “Congratulations, hija!. Natutuwa ako at magiging ama na ang apo kong si Angelo. Pasensiya ka na kung napagsalitaan kita ng hindi maganda. Humihingi ako ng tawad dahil nabulag lamang ako sa pinakitang kabutihan ng aking kaibigan. Sana ay mapatawad mo ako.” Naiyak naman si Moraine dahil humihingi ng tawad ang lolo ni Angelo. Ibig sabihin ay tanggap na siya nito. “Pinapatawad ko na po kayo, lolo.” “Salamat, hija. Napakabuti mo. Ngayon ko napagtanto na mali ang ipinagkasundo ko si Angelo sa mga taong sinungaling. Mabuti na lamang at tunay ang pagmamahal ni Angelo sa’yo kaya pinaglaban ka talaga niya sa akin.” Wika ng lolo Angelo. “Teka, lolo, akala ko po nasa ospital kayo?” Takang tanong ni Moraine. Iyon kasi ang sinabi ng babaeng nagpakilalang girlfriend ni Angelo. “Ikaw kasi mahal, nagpapaniwala doon kay Lindsay. Pareho kayong nauto ni Abuelo. Hindi naman naospital si Abuelo. Ang totoong naospital ay ang lolo ni Lindsay. Dumalaw lamang si Abuelo sa kanya,” pagkukuwento pa ni Angelo. “Humanda talaga sa akin ang babaeng ‘yon, napakasinungaling talaga. Oras na makita ko siya, bubugbugin ko talaga siya.” Galit na wika ni Moraine. “Chill lang, mahal, hayaan mo na siya at hindi na kayo magkikita no’n. Umalis na sila patungong ibang bansa para magtago. Hinahabol na sila ng kanilang mga pinagkakautangan. Dahil okay na tayo, uwi na tayo sa bahay natin sa Manila ha. Ngayong araw na,” ungot ni Angelo. “Bakit ngayong araw na?” “Eh kasi, isang linggo na akong tigang. Kung wala lang talagang problema sa kompanya, baka isang araw lang ay sinundo na kita kaagad dito.” “Hoy, Angelo Sobrevega, tumigil ka nga at naririnig ka nilang lahat.” Nahihiyang wika ni Moraine. “Huwag kang mag-alala at wala silang narinig. Bayad silang lahat.” Napatawa silang lahat dahil sa sinabi ni Angelo. “Sige na nga, payag na akong umuwi na tayo. Ngayon din, mahal ko.” “Thank you, mahal. I love you.” “I love you too.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD