MABILIS ngang lumipas ang maghapon at pagsapit ng gabi ay nasa ospital na ulit ako upang dalawin ang aking anak. Nasa maayos na kondisyon siya ngayon. Nadatnan ko siyang kumakain habang may maliit na ngiti sa labi niya na nakikipagkuwentuhan sa aking ina. Hindi kaagad ako nakapasok sa kanyang kuwarto. Nanatili lamang ako sa may pinto habang maluha-luha siyang pinagmamasdan. Maya-maya ay ilang tapik sa balikat ang pumukaw sa aking ginagawang panood sa aking anak. Nalingunan ko si Luke. Saglit akong natulala nang magtama ang mga mata namin. "Can we have a talk?" "Ah..." anas kong nag-apuhap ng isasagot. Pero nang rumehistro sa isip ko ang dapat kong itugon ay pinid ang labing napatango na lamang ako. Paika-ikang sumunod ako sa kanya nang magpatiuna siya sa paglakad. Maya't maya niya ak

