CHAPTER 26

2354 Words

NAPALUNOK akong bigla nang pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Ethan ang nabungaran ko. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya rito dahil sa nangyari kagabi. Nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya bago masama ang tinging sinulyapan ang loob ng opisina kung saan nakatayo pa rin si Luke. "What are you doing here?" mahina pero madiin niyang tanong. Kababakasan ng galit ang kanyang mga mata. Pero kung susuriin kong mabuti, kulang ang tensyon do'n. Ah, emosyong nagbabalat-kayo. Iyon ang naisaisip ko bago malamig at pahinamad siyang tinugon. "Don't give me that damn question, Ethan." Masusi niya akong tinitigan pero hindi siya sumagot bagkus isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Wari'y pilit niyang pinakakalma ang sarili upang balewalain na lamang ang sitwasyong nasaksihan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD