"DUDE, baka naman sumabit ka niyan kapag nalaman ni Sienna ang plano mo?" Bigla akong napahinto sa paglalakad sa pathway ng aming school nang marinig ko ang aking pangalan. Nang bumaling ako pakaliwa ay nakita ko ang dalawang lalaking kauupo pa lang sa bench sa gilid ng basketball court. Pauwi na sana ako pero dahil sa dalawang lalaking iyon na nakatalikod sa gawi ko ay bumangon sa akin ang kuryusidad kung bakit nila ako napag-uusapan. Nakatalikod man ay kilalang-kilala ko ang isang lalaki dahil sa suot niyang basketball jersey na may tatak na number nine. Si Jacob Carter iyon, ang MVP player ng aming school basketball team, at ang aking first ex-boyfriend. "Tsk! Paano naman niya malalaman 'yon kung hindi mo sasabihin?" ani Jacob na puno ng kompiyansa sa tinig. Akala siguro niya ay hind

