MAG-A-ALAS siyete na ng umaga nang muli kong maimulat ang aking mga mata. Tumatagos na ang sikat ng araw sa parte ng bintanang hindi natatabunan ng kurtina. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, pumipintig pa rin ang sakit sa ulo ko pero hindi na tulad kanina. Napahilamos ako sa aking mukha tsaka sinubukang tumayo. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko at panghihina pero alam kong kailangan kong pumasok sa trabaho dahil marami akong nakatambak na gawain. Isasantabi ko na lang muna ang panaginip na muling bumabagabag sa akin. Pinilit kong humakbang palabas ng silid habang inaayos ang aking mahabang buhok at itinutuwid ang suot na damit. Sumilip muna ako sa master bedroom upang alamin kong natutulog pa roon si Ethan pero nakita kong maayos na ang ibabaw ng kama at wala rin ni kaluskos na marir

