NAPALUNOK ako at bahagyang napaatras nang mapagtagni-tagni ko ang lahat ng pangyayari. Lalong tumibay ang hinala ko nang makita ang plate number ng kotseng katabi ng sasakyang iyon. Wala sa sariling nabitawan ko ang basket ng prutas at naitakip ang kamay sa aking bibig. That was Ethan's car. Unti-unting namasa ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Hindi ko magawang paniwalaan ang lahat ng nakikita ko. Sana mali ako ng iniisip. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi iyon magagawa sa akin ni Nathalie, 'di ba? Pinipilit ko papaniwalain ang sarili ko na marahil ay panaginip lamang ito upang mabawasan kahit kaunti ang sakit na pumupiga sa aking puso. Pero napapitlag ako at napatingin sa gawing terrace ng second floor ng bahay, nang bumukas ang pinto roon. Lumabas ang galit na

