MATAGAL bago ako kumalma at matiyagang naghintay si Luke hanggang makaya ko nang muling dalahin ang aking sarili. Nang makita niyang medyo okay na ako ay tinulungan niya akong tumayo at pinaupo sa couch. Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko alam ngayon kung paano siya haharapin. Now, I looked like a total idiot, crying her eyes out because of a worthless asshole. Nanatili namang tahimik si Luke at mula sa kanyang mini-ref na nasa loob ng opisina ay nagbukas siya ng isang bote ng tubig bago iyon iniabot sa akin. Pinid ang mga labing tinanggap ko iyon at ininom. "I'm sorry," anas ko makalipas ang ilang sandaling katahimikan habang nakayuko pa rin. Hindi ko talaga alam kung paano siya pakikiharapan ngayon. Napapikit ako habang naghihintay sa sagot niya. Pero hindi naman siya sumagot b

