SA ENTRANCE ng restaurant, natanaw kong biglang natigilan si Ethan. Alam kong kinikilala niya ang babaeng kaharap ko. At nang marahil ay mapagtantong isang patibong ang kanyang papasukin ay mabilis siyang napatalikod. Kaya naman, nang lingunin ni Nathalie ang tinutukoy ko ay tanging likod na lamang ni Ethan ang nakita niya. Mabilis akong tumayo palabas ng restaurant upang sundan si Ethan. Pero pagkalabas ko roon ay nakasakay na siyang muli sa kanyang kotse at humarurot paalis. Shit! I failed. Dismayado kong naisaisip habang sinusundan ng tingin ang papalayo niyang kotse. So, he knew my relationship to Nathalie. "Tsss! A real asshole," bulong ko bago nagpasyang bumalik sa lamesang inuukupa namin ni Nathalie. Just before I sat back on the chair. My cellphone notified me for a new mess

