"SIENNA!" Damagundong ang galit na boses ng kapapasok pa lang na si Ethan pagkakita sa aming dalawa ni Daniel. Agad akong napakalas sa pagkakayakap niya. Looking cool naman si Daniel na tila walang nangyari. "What the hell are you doing? At sa harapan pa ng anak natin!" nag-aakusang sita ni Ethan. Napakunot ang aking noo habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. "We are not doing anything. Watch your word, Ethan." Hindi ako makadistansiya kay Daniel dahil sa dextrose na nakakabit pa rin sa akin kaya si Daniel na ang kusang lumayo. "I should go back to the office now, Si," pagpapaalam niya na hindi man lang binigyang-pansin ang galit kong asawa. "See you tomorrow. Pero 'wag mong pilitin magtrabaho kung hindi mo pa kaya, okay?" binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Ikinainis

