HINDI ko inasahan ang naging pagbisita ni Nathalie makailang araw na pananatili namin sa Philippine Children's Hospital. Noong nakaraan ay nagkausap kami sa telepono at nabanggit ko ang kalagayan ni Gianna kaya hindi ko na siya nagawang puntahan pa. Nayakap ko siya nang mahigpit pagkakita sa kanya at hindi ko napigilang maging emosyonal. Napakalaking tulong ng presensya niya para sa sitwasyon namin. "Kumusta ang daughter mo?" tanong ni Nathalie na bahagya akong inilayo sa katawan niya kaya nabakas ko sa kanyang mukha ang pakikisimpatya. Malungkot akong napayuko bago siya sinagot. "She's in a critical condition." Napabuntong-hininga ako at tuluyang kumalas sa yakapan namin tsaka tumalikod paharap sa aking anak. Kasalukuyan kaming nasa hospital room ni Gianna kung saan natutulog na naman

