NANG gabing iyon ay nagpaiwan ako sa ospital upang mag-asikaso kay Gianna. Si Ethan naman ay personal na kinausap ang mga kakilala upang makahanap ng possible donor para sa aming anak. Mula nang makausap namin si Doctor Martin ay wala nang patid ang aking mga mata sa pagluha habang nakatitig sa nakaratay na pigura ng aking anak. Halata na kaagad ang pagbagsak ng katawan niya kahit ilang araw pa lang siya sa ospital. Hindi rin nawawala ang suwero na nakakabit sa likod ng kamay niya. Tama nga ang sinabi ng doktor sa Batangas na napakabilis lumala ng kalagayan niya. Lalo namang bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa paulit-ulit na pagsusumiksik sa aking isip ng mga sinabi ni Doctor Martin kanina. Tumindi ang kabagabagan ko at hindi ko mapigilang makapag-isip ng worst scenario. Paano na lang

