MAAGA pa lang ay nakaparada na ang sasakyan ni Daniel sa harap ng aming bahay. Nagprisinta siya kahapon na makisabay na lang kami ni Gianna sa kotse niya. Tutal naman daw ay may kani-kaniya ring sasakyan ang iba pang mga managers na dadalo para sa training. Kung makikita siguro kami ng ibang tao na hindi nakakikilala sa amin, iisipin nila na isang pamilya kami dahil sa closeness ni Daniel sa anak ko. Pero dahil parang kapatid lamang talaga ang turing ko sa kanya at uncle ang tawag sa kanya ni Gianna, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Only the person who knew how close we are, can understand our relationship. Bago kami umalis sa bahay ay nagpaalam na rin ang aking ina pabalik sa Batangas. Ako na lamang ang maghahatid kay Gianna roon sa Linggo ng hapon. Enjoy na enjoy ang aki

