MAAGA pa lamang ay nakarating na kami ni Ethan sa ospital sa Batangas kung saan naka-admit ang aming anak. Pagkarating namin doon ay ibinalita sa amin ng aking ina ang nangyari kay Gianna sa nagdaang gabi. Sinumpong siya ng matinding sakit ng ulo kasabay ng pagdurugo ng kanyang ilong. Lalo akong nag-alala sa kalagayan niya nang malaman ko iyon. Awang-awa kong tinitigan ang natutulog niyang pigura mula sa pinto ng kanyang private room. Maya-maya ay dumating ang doktor upang ibalita sa amin ang resulta ng final examination na isinagawa nila kay Gianna. "Your daughter has ALL or Acute Lymphoblastic Leukemia," diretsahang saad ng doktor sa aming mag-asawa. "As I told you before, Mrs. Collin, it is a cancer of the blood and this type of leukemia is most common around your daughter's age.

