Chapter 63 NAKARATING kami ng room, ngunit hindi pa rin matigil si Vessai kakasabi sa akin na huwag mag-tiwala kay Madelline. Kahit naman nararamdaman kong mabait iyon ay posibleng gawin niya nga ang sinasabi ni Vessai. Hindi ko alam kung ano nga ba ang pwedeng mangyari dahil nalalason nang kanyang kapatid ang utak ni Madelline. “Maniwala ka sa’kin, Wensy..” pag-uulit niya ulit kahit na nasa loob na kami nang aming silid at naka-upo sa sari-sarili naming upuan. “Girl! Maniwala ka talaga..” tumingin naman ako sa kanya, kahit bulong lamang niya iyon dahil mayroong guro sa harap at nagtuturo. “Sai, alam ko ginagawa ko..” ako ang nag-plano nito, alam ko ang ginagawa ko. Tama naman ang aking ginawa, magagamit ko si Madelline upang malaman ko kung kailan babalakin nang kanyang kapatid

