bc

Love Plan with the CEO

book_age16+
33
FOLLOW
1K
READ
revenge
sex
aloof
drama
sweet
city
betrayal
secrets
affair
like
intro-logo
Blurb

Sa main city ay may sikat na CEO na hinahangaan ng marami, si Wilbert - gwapo, matipuno at magaling sa business. Subalit sa kasamaang palad ay aloof ang CEO kaya wala pa itong nagiging girlfriend. Sa edad niyang 35 years old ay nakaton lang ang kanyang sarili sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Isang gabi ay hindi niya inaasahan na mabubunggo niya ang isang napakagandang babae at sexy, hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Hinawakan niya ang babae at halos hindi nya maramdaman ang pulso nito. Agad niyang ginawa ang cpr para mabuhay ang babae. Nang narinig niyang umungol ito tska lang siya tumigil at nakahinga ng malalim.

Agad niyang dinala sa ospital ang duguang babae at binantayan hanggang sa gumaling. Sa kasamaang palad ay hindi nito maalala ang sarili, kaya kinopkop niya na muna ito at pinatira sa kaniyang villa.

Ngayon lang siya magdadala ng babae sa kanyang bahay at titirang kasama niya.

Ano kaya ang mararamdaman niya sa mga susunod na araw? Magkakagusto ba siya sa babaeng ito? Paano niya pipigilan ang sarili sa mga pang-aakit nito?...

Ano kaya ang mararamdaman niya kapag malaman niya ang tinatagong sekreto ng babae?...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa isang malaking city ng Gangnam ay may kilalang CEO, si Wilbert Hu. Pagmamay ari niya ang pinakamalaking building sa city at ibang hotels at malls, sa iba't-ibang lugar. Maraming nagkakagusto sa binatang CEO na ito, subalit hanggang ngayon ay wala pa rin itong nagiging girlfriend. Dumalo siya sa isang event ngayong gabi, bumaba siya mula sa silver-gray na Bugatti. Nakasuot siya ng itim na suit na may sariling designs ng kilalang designer. Nakabrush-up ang kanyang buhok, na lalo pang nagpakita nang angking kagwapuhan. Para siyang isang leading man sa isang pelikula na malakas ang dating at kapag makita mo ay talagang hahanga ka. Nakakaakit siyang tumingin, na para bang nakakahitmotismo. Kaya naman, ang mga babaeng nasa paligid niya ay kaagad na humahanga sakanya. Pumasok siya sa loob ng grand hall at nakipag kamay sa mga iba pang kasama sa business industry. Kinamayan niya ang isa nilang client na nag-imbita sa kanya sa event. Nagagalak ito ng makitang nakarating siya. Bumati kaagad ito sa kanya. "Mr. Hu, salamat at nakapunta ka!" bati ni Mr.Morales. "It's my pleasure to be here." wika ni Wilbert. Pagkatapos ay inabutan siya nito ng champagne. Nakipag-usap din siya sa iba pang business partners na nandoon. "Mukha yatang lalo ka pang gumagwapo at bumabata ah." pagbibiro ng isa nitong kausap. "Hahaha." tumawa naman si Wilbert. "Mr.Hu, wala ka pa bang girlfriend? Gusto kong ipakilala sana sayo ang aking anak na babae." wika ni Mr.Lim. "Wala pa, pero sa ngayon, ay wala pa sa plano ko ang magka-girlfriend." wika ni Wilbert. "Well, kailan mo pa pla maggirlfriend o mag-asawa? Sa edad mong yan, dapat ay may asawa ka na. Mahirap naman na walang magmana sa kagwapuhan mo." sabi ni Mr.Lim, pagkatapos ay nagsitawanan ang lahat sa huling sinabi nito. "Well, time will tell. Gusto ko na din magkagirlfriend, kasi kinukulit na din ako ng parents ko. Kaso wala pa akong nahahanap na right girl for me." sabi ni Wilbert. "Kung ganun, make a try na i-date ang anak ko, siguradong magugustuhan mo siya kapag nakita mo siya." sabi ni Mr.Lim. "Ah ok. Sige, I'll try." tipid na wika ni Wilbert. "Good!" wika nito at nakipag cheers kay Wilbert. Ngumiti naman si Wilbert at nakipag cheers din ito. Pagkatapos ay nakihalubilo ulit siya sa ibang bisita na naandun. Samantala sa Star Diamond Bar. Masayang nagsasayaw si Celine sa dance floor, idinaan niya sa sayaw ang lahat ng sama ng loob niya. Kasama niya doon ang kaibigang si Jenny na hataw din sa pagsasayaw. Nang mapagod sila, ay bumalik na sila sa kanilang upuan at uminom ng alak. Punong-puno ang kanilang lamesa ng mga pagkaen at alak. "Sis, ok na ba pakiramdam mo?" tanong ni Jenny sa kaibigan. "Medyo ok na din, atleast kahit papaano nakapag-enjoy." sagot ni Celine at uminom ito ng alak. "Sis, tama na. Ang dami mo ng nainom eh." pagpigil nito sakanya. "Ano ka ba, hindi pa ako lasing." sabi ni Celine at uminom ulit ito. "Hay, ang kulit mo talaga." wika ni Jenny habang napasandal na lamang sa upuan. Gustong magpakalasing ni Celine ngayong gabi, upang makalimutan ang sinabi ng kanyang boyfriend na may iba na itong mahal. Napakasakit kay Celine at hindi niya kayang tanggapin ang paghihiwalay nila. Five years ang kanilang naging relasyon, subalit ang three years doon ay hindi sila magkasama. Dahil nag-aral siya sa ibang bansa, at ngayon lang ulit siya bumalik. Agad siyang bumalik ng malaman niya kay Jenny na magpapakasal na ang dati niyang boyfriend. Gusto niya itong pigilan, subalit nalaman niya na buntis na ang girlfriend nito. Laking pagsisisi niya, dahil napabayaan niya ang kanyang boyfriend at ang kanilang relasyon. Simula ng nag-aral siya sa ibang bansa ay bihira lang siya umuwi, parang twice a year lang siya bumabalik. Dahil sa pangungulila, ay nakapaghanap ng iba ang kanyang boyfriend. Sa una ay hindi siya naniniwala na may iba na ito, dahil patuloy parin ang kanilang kominikasyon. Hanggang sa napansin niyang unti-unti itong nagbago at hindi na rin nag iilove you sa kanya. Hanggang sa sinabi na ni Jenny sa kanya ang buong katotohanan. Nakausap niya ang dating nobyo, at sinabi nito na hindi na siya mahal at ikakasal na ito. Parang binihusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya akalain na ang first love niya ay magpapakasal na sa iba. Naalala pa niya noon, na sobrang mahal nila ang isa't-isa at tila ba walang makapaghihiwalay sa kanila. "Sis, anong balak mo?" untag na tanong ni Jenny sa kanya, habang inalala ang nakaraan. "Ito, magpakasaya! Hindi lang siya ang lalake sa mundo noh!" wika ni Celine. "Sis, kung gusto mo umiyak, iiyak mo lang yan. Andito lang ako para damayan ka." sabi ni Jenny. "Hindi, hindi ako iiyak! Manloloko siya, hindi ko dapat siyang iyakan!" pero sa hindi inaasahan ay tumutulo na ang mga luha ni Celine sa kanyang pisngi habang binabanggit iyon. Lumapit naman sa kanya si Jenny para yakapin siya. "Sige bez, iiyak mo lang yan." wika ni Jenny. "Pinapangako ko, kakalimutan ko siya at maghahanap ako ng mas gwapo, mas mayaman at higit sa lahat yun magmamahal sa akin ng sobra-sobra!" sabi ni Celine habang umiinom ng alak. Pagkatapos ay sumobsob na si Celine at umiyak ng umiyak. Yinakap naman siya ni Jenny at hinimas-himas ang likod niya. Pagkatapos ng pagsesenti ni Celine ay minabuti na nilang umuwi. Lasing na lasing na si Celine at inaalalayan siya ni Jenny. "Bez, kaya mo pa ba? Tawagin ko na kaya Mommy mo?" pag-aalala ni Jenny sa kanya. "Shhii. Wag mong tatawagan ang Mommy ko, magagalit yun! Hindi pa nila alam na nandito nako." wika ni Celine. "Oh sige, sa amin ka na muna tumuloy." wika ni Jenny. Nang naglalakad na sila ng hallway ay may mga nakasalubong sila na tatlong lalake. Hinarang sila ng mga ito at tila ba may gustong gawing masama sa kanila. "Miss, mukhang lasing na yan kasama mo ah. Tara, tulungan ka na namin." wika ng isang lalaking mukhang tambay sa kanto. "Oo nga miss, nahihirapan ka na ata, ako na magdadala sa kanya." wika ng isang panot na matabang lalake at lalapit sa kanila. Kinabahan naman si Jenny sa mga ito, agad niyang iniwas ang katawan ni Celine sa paghawak sana ng lalake. "Don't touch her!" mariin na sabi ni Jenny. Ngumiti naman ang isa nitong kasama na mukhang mayaman dahil sa dami ng alahan na nakasabit sa may leeg at nagsalita din. "Magkano ba kailangan nyo?" diretsong tanong nito kay Jenny. "Excuse me, hindi kami bayarang babae!" wika ni Jenny. Ngunit tiningnan sila mula ulo hanggang paa. Dahil sa maiikli ang suot nila at makikinis ang balat nila, ay kumbisido parin itong mga bayaran sila. "Hahaha, sa ayos niyong yan hindi kayo bayaran? Sige na miss, name your price at ng kasama mo! Pagkatapos ay pumunta na tayo dyan sa katabing hotel." tanong ulit nito at kumindat sa kanya. "Eh sira ulo ka pala eh." sabi ni Jenny. Pagkatapos ay tinadyakan niya ito ng malakas. Napaluhod naman ito sa sahig, dahil sa sobrang sakit. Nagulat naman ang dalawa nitong kasama. Agad niyang hinila si Celine papalabas ng pinto. "Boss!" sabi ng isa at nilapitan ang lalaki na namimilipit sa sahig. "Ano pang tinatayo-tayo niyo? Habulin nyo!" sigaw nito sa dalawa. "Yes boss!" wika nito at agad nilang hinabol sila Jenny. Nakita naman na paparating na ang dalawang lalaki. Kaya isinandal muna niya si Celine sa dingding. Kinalaban ni Jenny ang dalawang lalaki. Malakas ang loob niya dahil marunong siya ng martial arts. Habang kinakalaban niya ang dalawa, ay nasusuka naman si Celine. Agad siyang lumabas para sumuka. "Celine!!!" sigaw ni Jenny sa kanya. Lumingon siya kay Jenny ay nakita niyang paparating na ang isang lalakeng nakasalubong nila kanina. "Celine tumakbo ka na! Takbo!" sigaw ni Jenny sa kanya. Agad namang tumakbo si Celine habang nakatingin siya kay Jenny. Tumakbo siya ng tumakbo sa madilim na daan, habang hinahabol ng lalake. Nang biglang may sumulpot na kotse at nabangga si Celine. Nagulat ang humahabol na lalake, sa takot ay bumalik ulit ito sa bar at sinabi ang nangyare. Subalit wala na din doon si Jenny, nakatakas na din siya sa mga lalake. Sa kalsada ay 'di inaasahan ni Wilbert na makakabunggo siya ng isang babae. Natulala siya sandali, huminga ng malalim at tsaka bumaba ng kotse.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Stan's Obsession (Last Story of Womanizer)

read
102.8K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
316.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
173.6K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook