Dahan-dahang lumapit si Wilbert sa harapan ng kotse. Nakita niya ang duguang babae na nakahandusay sa kalsada. Agad siyang lumapit at lumuhod dito.
Dahil sa sinag ng ilaw ng kotse, nakita niya ang magandang mukha ng babae. Nakasuot ito ng red na sexy dress, medyo labas din ang cleavage nito.
"Miss, miss..." gising niya sa babae.
Subalit hindi ito kumikilos, kinabahan naman si Wilbert. Agad niyang kinapa ang pulso nito, halos hindi na niya ito maramdaman. Naisip niyang lapatan na ito ng cpr para mabuhay. Nag-aalangan man na madampi ang palad niya sa dibdib ng babae, ay ginawa pa rin niya ang cpr.
"Miss, hold on!" wika ni Wilbert habang ginagawa ang cpr.
Dinikit niya ang mga labi niya sa babae at nilagyan niya ito ng hininga. Makatatlong beses niya ito nilapatan ng cpr bago ito umungol.
Narinig ni Wilbert na umungol ito, kaya inihinto na niya ang cpr.
"Miss, miss!" tinapik-tapik niya ulit ito sa may balikat at tiningnan ang pulso nito.
Nakahinga siya ng malalim ng malaman niyang may pulso na ito. Ngunit 'di parin ito kumikilos. Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigan na doktor.
"Yes, it's me. I need your help. May nasagasaan ako, please tell me what to do." tanong ni Wilbert.
"May malay ba siya o malala ba sugat niya? Dalhin mo na dito sa ospital." sabi ni Doc Roy.
"No! That's not a good idea, alam mo naman ang sitwasyon ko. Cnipr ko na siya, pero parang may head injury siya at wala parin siyang malay." sabi ni Wilbert.
"Ok sige, dalhin mo na lang siya sa Villa mo, pupunta na ako dun ngayon." wika nito.
"Ok sige." pagkababa niya ng phone ay agad niyang binuhat si Celine at isinakay sa kotse.
Nang makarating siya sa Villa ay agad niyang binuhat ang duguang babae at diniretso sa kaniyang kwarto. Pagkatapos ay inihiga niya ito sa kama.
Maya-maya pa ay dumating na ang kaibigan niyang si Roy at agad na nitong ginamot si Celine.
Pagkatapos nitong gamotin ay kinausap niya si Wilbert.
"Mabuti nagamot natin siya kaagad, kaunti lang ang dugong nawala sa kanya." sabi ni Roy.
"Kamusta siya?" pag-aalala ni Wilbert.
"Why are you so worried? Girlfriend mo ba 'to?" tanong ni Roy sa kanya.
"No! Ngayon ko nga lang siya nakita eh. Bigla na lang siya sumulpot nung papaliko na'ko. Ano ba lagay niya?" tanong ulit ni Wilbert.
"Well, meron siyang fracture sa braso, at namamaga din yun binti niya. Pero ang malala yun sa ulo niya, kailangan mo siya ipatest para malaman natin kung nagkaroon ba ng damage yun brain niya." wika ni Roy.
"No, no. I'm not going to hospital." wika ni Wilbert.
"Hindi naman ikaw ang pupunta, kundi siya. Ikaw naman, isang beses ka lang na indekyunan, takot na takot ka na pumunta sa ospital. Parang 'di ka lalaki." sabi ni Roy.
Nagpanting naman ang tenga ni Wilbert sa narinig.
"Anong sinabi mo, hindi ako lalaki? Gusto mo ngayon din, tirahin ko yang babae na yan sa harapan mo eh!" galit na sigaw ni Wilbert.
"Opps, wag ngayon bro. Tingnan mo, mukhang wala siyang kalaban-laban. Siguradong kawawa siya sayo, baka matuluyan yan! Ikaw din! haha." pagkatapos magsalita ay tumawa ito ng malakas na talagang inaasar si Wilbert dahil hindi pa ito nagkakagirlfriend.
"Tsk! Umalis ka na nga, kung wala ka ng sasabihing matino." sabi ni Wilbert.
"Oh, ngayon pinapaalis mo na ko, matapos kitang tulungan. Ganun na lang ba yun? Nasaan na ang professional fee ko?" tanong ni Roy.
"Professional fee? Magkaibigan naman tayo ah." sabi ni Wilbert habang hinubad ang suot na suit.
"Hey, wala ng libre ngayon noh!" sabi ni Roy.
"Ok sige, papadala ko na lang sayo." sabi ni Wilbert at hinubad na nito ang longsleeve at pantalon.
"Teka bro, balak mo talagang -" di na tinuloy ang sasabihin dahil hinampas siya ni Wilbert ng pantalon.
"Gago! Hindi ako kagaya mo noh! f**k and run." sabi ni Wilbert habang napailing ito.
"Ok sige, kung gusto mo man siya, give her one week para makarecover." pagkawika ay kumindat ito.
"Baliw ka talaga! Umalis ka na nga!" sabi ni Wilbert.
"Teka, if magkaproblema tawagan mo lang ako at 'wag mong kalimutan ang mga gamot niya." sabi ni Roy.
"Ok sige, thank you!" sabi ni Wilbert.
"Ok, no problem." sabi ni Roy at isinara na nito ang pinto at bumalik na muli sa ospital.
Pagkaalis ng kaibigan ay dumiretso si Wilbert sa bathroom para maligo. Nastress siya sa pagkabunggo niya sa babae, hindi niya alam ang gagawin kanina. Kung nagkataon ay pwede siyang makulong kung namatay ang babae.
Pagkalabas niya ng bathroom ay naginhawaan na ang pakiramdam niya. Kumuha siya ng masusuot na damit at lumapit sa kama.
Tinitigan niya ang babae at inayos ang kumot nito. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at pinagmasdan ito.
May mahabang buhok ito at medyo kulot ng kaunti. Makinis ang balat nito, matangos ang ilong, meron din itong mahahabang pilikmata at may mapupulang mga labi. Ngayon lang niya nakita ang babaeng ito.
Pero aamin niya sa sarili, na naakit siya sa babae, lalo na sa sexy na suot nito. Ngayon lang siya nagdala ng babae sa bahay niya at pinahiga sa kanyang kama. Napalunok naman siya ng bumaba ang tingin niya papunta sa dibdib nito.
Huminga siya ng malalim at tinakpan ng kumot ang dibdib nito. Tumayo na si Wilbert at minabuting sa sofa na lang siya matulog. Kumuha siya ng isang unan at nahiga sa sofa at natulog.
Kinabukasan...
Dahan-dahan na nagmulat ng mata si Celine at pinagmasdan ang paligid. Black and white ang desinyo ng kwarto, at ang hinihigaan niya na kama ay kulay gray. Naisip niyang, hindi iyon kwarto ni Jenny or yun hotel na kanyang nirentahan.
Umupo siya at sumandal sa dingding. Tumingin siya sa may kurtinang puti na lumilipad, nakita niya ang glass na pintuan at nakita niya doon ang nakatayong lalaki, ngunit nakatalikod ito. Nakasuot ito ng suit, matangkad at may kausap sa cellphone.
Pinagmasdan ni Celine ang lalaki, hindi niya ito kilala. Lumakad-lakad ito ng bahagya at nakita niya ang side view ng lalaki. Gwapo ito, matangos ang ilong at may bigote at balbas ng kaonti, na bagay sa kanya.
Ilang sandali pa ay ibinaba na nito ang phone at pumasok sa kwarto. Nagulat ito ng makitang gising na siya. Lalong nakita ni Celine ang mukha ng lalaki, mukhang mayaman ito at gwapo nga talaga.
Nagkatitigan sila ni Wilbert, agad na lumapit sa kanya si Wilbert at nagtanong.
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya.
"Ha?" maang na tanong ni Celine.
"Anong name mo? Ako nga pala si Wilbert." inalahad nito ang kamay.
Aabotin sana ni Celine ang kamay nito subalit sumakit ang kamay niya, doon niya nakita na nakabandage ang buo niyang braso. Nagulat siya, tiningnan din niya sa ilalim ng kumot ang mga binti niya, may bandage din ito.
"Anong nangyare sakin? Bakit ang dami kong sugat?" tanong ni Celine.
"Ah, I'm sorry. Nabunggo kasi kita kagabi." sabi ni Wilbert at umupo siya sa gilid ng kama.
"What? Bakit 'di mo ko, dinala sa ospital?" tanong ni Celine.
"Well, may phobia kasi ako sa ospital. Nagamot ka naman na ng friend ko na doctor. Bukas ulit pupunta siya dito, para macheck-up ka." sabi ni Wilbert.
"Ah, ganun ba." sabi ni Celine.
"Ano pala name mo?" tanong ulit ni Wilbert.
"I'm Celine." matipid na sagot niya.
"Celine... I'm Wilbert, Wilbert Hu." pakilala niya.
Tumango-tango naman si Celine.
"Ano pala number ng parents mo or guardian mo, para matawagan ko." wika ni Wilbert.
Napaisip naman si Celine, ayaw niyang umuwi ng kanilang bahay. Lalo lang siya madedepress kapag umuwi siya. Sa kalagayan niya ngayon, baka pagalitan lang siya. Kaya naisip niyang magsinungaling.
"Ahhh, aahhh..." wika ni Celine habang hinahawakan ang ulo.
Nagulat naman si Wilbert at agad siyang tinanong.
"Bakit may masakit ba? Ano masakit ba?" wika niya habang hinawakan din ang ulo ni Celine.
"Ah, medyo sumakit lang ang ulo ko." wika ni Celine, nailang naman siya sa paglapit ni Wilbert sa kanya. Halos 1 inch na lang ang pagitan ng mga mukha nila.
"Ganun ba, gusto mo bang tawagin ko yun doktor na friend ko, para macheck ka?" pag-aalalang tanong ni Wilbert.
"Ah, hindi na, medyo ok na ulit." pagdadahilan ni Celine at ngumiti siya.
Napatingin naman si Wilbert sa mga mata ni Celine at sa mga labi niya, hindi niya namalayan na lumalapit na pala siya kay Celine, na tipong hahalikan niya ito.
' Teka, anong gagawin niya? Hahalikan niya ba 'ko? ' tanong ni Celine sa sarili.
"Wi-wilbert!" wika ni Celine.
Bigla namang natauhan si Wilbert, tumayo siya kaagad.
"Oh, sorry. So sorry!" pagkatapos ay sinapo ang kanyang noo.
Ngumiti na lang si Celine.
"Sige, labas muna ko." paalam ni Wilbert at mabilis na tinungo ang pinto.