Chapter 3

1182 Words
Nang makalabas si Wilbert ay napangiwi siya sa sarili. Para siyang nahipnotismo kanina, habang nakatingin sa mga mata ni Celine. Huminga siya ng malalim, bumaba siya at nag-utos siya sa katulong ng mga gagawin. Pagkatapos ay pumunta muna siya ng office, dahil may importanteng meeting siya ngayong umaga. Balak niyang bumalik na lang pagkatapos nito. Maya-maya pa ay may narinig na tatlong katok si Celine. Balak niya sanang tumayo, subalit masakit ang buong katawan niya, kaya sumigaw na lamang siya. " Come in! " sigaw ni Celine. Bumukas ang pinto at nakita niya ang isang medyo may edad na babae, na may dalang food tray. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at inilapag ang dalang tray sa ibabaw ng side table. " Good morning Madam, ako po si Edna. Nagdala po ako nang pagkain, para sa inyo. " malugod na wika nito. " Edna right? Wag mo na akong tawaging Madam, just call me Celine. " wika ni Celine. " Ah, hindi po maari yun Maam, kayo po ang amo ko, kaya dapat lang po ako gumalang. " sabi nito. " Sige, kayo ang bahala. " wika ni Celine. " Gusto niyo na po bang kumain? Susubuan ko po kayo. " wika ni Edna. " Sige po. " wika ni Celine. Pagkatapos ay pinakain siya ni Edna at sinubuan. Pagkatapos niyang kumain ay nagpatulong siya maglinis at magbihis ng damit. Binilhan siya ni Wilbert ng mga bagong damit na nakalagay sa paper bag. Nagtaka naman siya, dahil sakto sa kanya ang damit na binili nito, para bang isinukat sa kanya. Muli siyang umupo sa gilid ng kama at nanuod ng tv. Sa Enchanted Hotel... Pagkatapos ng meeting ni Wilbert ay agad siyang bumalik sa opisina. Sumunod naman sa kanya ang kanyang special assistant na si Brent. Nang maka-upo na si Wilbert ay tska ito nagsalita. " Sir, about sa meeting sa PZG Corp. mamaya, naihanda ko na po ang documents. " wika ni Brent. " Cancel it! " tipid na wika ni Wilbert. Nagulat naman si Brent sa sinabi ng boss niya. " Pero Sir, mahirap na ulit tayo makakuha ng schedule ng meeting sa kanila, kapag nag cancel tayo. " wika ni Brent. " I don't care, just cancelled it! Lahat ng meeting ko this afternoon. I have to go! " pagkawika ay bigla na itong tumayo at lumabas ng office. Kahit naguguluhan ay sumunod pa rin si Brent para ihatid si Wilbert sa may elevator. Kasabay nila ang dalawang bodyguard nito. Habang naghihintay sa elevator ay nagsalita si Brent. " Sir, if ever na may maghanap po sa inyo, ano pong sasabihin ko? " tanong ni Brent. " Magdahilan ka na lang, gusto ko ng umuwi. " wika ni Wilbert. Nagtaka naman si Brent bakit uuwi ng maaga ang boss niya? Hindi naman ugali nitong umuwi ng maaga. Minsan pa nga ay sa office na ito natutulog, kakatrabaho. May sakit ba ito? Tiningnan niya mula ulo hanggang paa, pero mukhang ok naman. Biglang nagbukas na ang elevator. " Ok Sir, ingat po! " paalam ni Brent at tumango lang ito sa kanya, habang sakay ng elevator. Nang makauwi sa Villa si Wilbert ay sinalubong kaagad siya ng katulong. " Good afternoon po Sir. " bati nito. " Kamusta si Celine? " tanong kaagad ni Wilbert. " Nakakain na po siya at nakapagbihis na. Sa ngayon po, ay nanunuod siya ng tv sa kwarto niyo. " wika ni Edna. " Ok, pakihanda na lang ng pagkaen para sa dinner. Thanks! " wika ni Wilbert. " Ok po Sir. " pagkawika ay bumalik na ulit si Edna sa kusina para magluto. Umakyat naman si Wilbert sa kanyang kwarto. Nakaawang ng kaunti ang pinto nito, kaya narinig niya kaagad ang malakas na tawa ni Celine. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang masayang nanunuod si Celine ng tv, habang nakaupo parin sa kama niya. Nakita naman ni Celine ang pagpasok ni Wilbert. Lumapit ito sa kanya at pinagmasdan siya. " Wilbert, tingnan mo nakakatawa! hahaha. " wika ni Celine habang natatawa sa pinapanuod. Tiningnan naman ni Wilbert ang pinapanuod nito. Isang game show, pero para sa kanya ay wala namang nakakatawa dito. " Kamusta na pakiramdam mo? Nakainom ka na ba ng gamot? " tanong ni Wilbert. " Ok naman, hindi pa ako uminom ng gamot. " wika ni Celine. Tiningnan ni Wilbert ang relo niya, oras na para uminom ng gamot ni Celine. Lumapit siya sa may side table at binuksan ang drawer. Kinuha niya ang gamot ni Celine at isang basong tubig na dati ng nakalagay doon. Lumapit siya ulit kay Celine at nagsalita, " Uminom ka muna ng gamot. " Kinuha naman ni Celine ito at ininom. " Thanks! " wika ni Celine at ngumiti siya. Ibinalik ni Wilbert ang baso sa table at kinausap ulit si Celine. " Celine, pwede mo bang ibigay sa akin yung number ng parents mo, para mapaalam ko sa kanila yung nangyare. " wika ni Wilbert. Napalunok naman si Celine at huminto sa pagtawa. Unti-unti siyang nagsalita. " Ah, kasi hindi ko kabisado yun number ng parents ko. " wika ni Celine. " Ganun ba, yun address mo na lang, saan ka ba nakatira? " tanong ni Wilbert. " Actually, hindi ko matandaan kung saan kami nakatira. Kakauwi ko lang kasi galing abroad. Hindi pa ako nakakauwi sa bahay namin ng mabunggo mo ko. " wika ni Celine. " What? " nabigla si Wilbert sa nalaman. " Well, ano ang buo mong pangalan? " tanong ulit ni Wilbert. Napaisip naman si Celine, bago sumagot. " Celine Hye. " matipid na tugon ni Celine. " Ilang taon ka na, at saang bansa ka nanggaling? May iba ka pa bang kilala dito o friends, or relatives? " tanong ni Wilbert. " Pwede ba isa-isa lang, sumasakit ulo ko sayo eh. " wika ni Celine. " Well, kailangan ko kasi malaman, para masabihan ko sila sa nangyare. Siguradong nag-aalala na sila sayo. " wika ni Wilbert. ' Hayaan mo, walang mag-aalala sakin.' wika ni Celine sa sarili. " Actually, meron akong friend dito, pero hindi ko din alam kung saan siya nakatira ngayon. Nawala kasi yun cellphone ko, kaya hindi ko rin alam kung paano sila kontakin. " wika ni Celine. " Ganun ba. " wika ni Wilbert. Pagkatapos ay nanuod na ulit si Celine at tumawa na ulit ng tumawa. Tumayo naman si Wilbert at pumunta sa study room. Binuksan niya ang laptop at sinearch ang pangalan ni Celine. Pero hindi niya ito masearch, ibig sabihin ay wala itong record or maling pangalan ang ibinigay nito sa kanya. Tinawagan niya si Brent at nagpatulong siya dito. " Brent, may ipapagawa ako sayo. Please investigate this person, asap. " wika ni Wilbert. " Ok, Sir. " wika ni Brent sa kabilang linya. " Sige, isesend ko sayo ang name niya at picture. " wika ni Wilbert. Pagkatapos niya makipag usap ay lihim niyang pinicturan si Celine habang nanunuod ito ng tv. Pagkatapos ay bumalik ulit siya sa study room at sinend ang picture at name ni Celine kay Brent. Duda si Wilbert sa mga sagot ni Celine sa kanya. Alam niyang maraming manloloko ngayon, at inisip niyang baka isa doon si Celine. Na kunware lang ito nabunggo sa sasakyan niya, pero may masamang balak pala sa kanya. Hindi tuloy mapalagay ang loob niya sa isiping ganun si Celine. Tinawag niya si Edna at pinalinis ang guests room na katabi lang ng kanyang kwarto. Balak niyang palipatin na doon si Celine, ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD