Chapter 4

1371 Words
Pagkatapos malinisan ang guest room, agad niyang pinalipat ang mga gamit ni Celine. Pumasok si Wilbert sa kwarto at kinausap si Celine. " Doon ka na muna sa guest room, kwarto ko kasi 'to eh. " wika ni Wilbert habang nakapamulsa. " Ah, ok. " wika ni Celine. Agad namang tumalima si Celine, dahan-dahan niyang ibinaba ang mga binti niya sa kama at isinuot ang pambahay na tsinelas. Pinilit niyang tumayo subalit paghakbang niya ay masakit parin ang binti niya. Dahilan ng pagsubsob niya sa dibdib ni Wilbert. Agad naman siyang nasalo ni Wilbert at inalalayan siya nito. " Ok ka lang? " tanong nito sa kanya. Naamoy ni Celine ang mabango nitong hininga na tumama sa mukha niya. Napatingin siya sa mga mata nito habang nakahawak siya sa may dibdib nito. Mapupungay ang mga mata ni Wilbert na nakatingin din sa mga mata niya. Naramdaman naman niyang ang kamay ni Wilbert ay nakayakap sa likod niya. " Ah, ok lang, medyo masakit lang yun binti ko. " wika ni Celine. " Ganun ba, sige bubuhatin na lang kita. " wika ni Wilbert. Hindi na nakatutol si Celine, dahil mabilis siya nitong binuhat, na parang bagong kasal. Pumasok sila sa kabilang kwarto at inilapag siya sa malambot na kama. Kulay pastel ang paligid ng kwarto na iyon. Nakakagaan sa mata at pakiramdam. Ang kama niya ay kulay pink na may desinyong mga bulaklak. Binuksan ni Wilbert ang tv na tapat din ng kama niya, katulad sa kwarto nito. " Ano bang chanel yun pinapanuod mo? " tanong ni Wilbert habang hawak ang remote. " Ah, ako na lang maghahanap. " wika ni Celine, pagkatapos ay iniabot sa kanya ni Wilbert ang remote. " Ok sige, ipapahanda ko na yun dinner mo. " wika ni Wilbert, pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto niya. Napahiga naman si Celine sa malambot na kama ng makalabas si Wilbert. Ngumiti siya habang inaalala ang eksena nila kanina ni Wilbert. Mukhang kinilig siya ng magtama ang kanilang mga mata, lalo pa ng binuhat siya nito. Maya-maya pa ay dinala na ni Wilbert ang pagkain ni Celine sa kwarto nito. Kumatok siya ng dalawang beses at dahan-dahan siyang pumasok. Nakita niyang nakahiga si Celine sa kama na nakalaylay ang dalawang binti nito sa gilid. Ang kamay naman nito ay naka lahad na tila ba, pinaku sa krus. Ibinaba niya ang dalang tray sa lamesita at ginising si Celine. " Celine, Celine. " inuga-uga niya ito sa balikat. Naamoy naman ni Celine ang mabangong pagkain, bigla siyang nagutom kaya nagdilat siya ng mata. Nagulat siya ng makita si Wilbert na nakatayo sa harap niya. " Kumain ka na. " wika ni Wilbert. " Naka-idlip pala ko. Mukhang masarap yan ah. " wika ni Celine. Inilapag ni Wilbert ang dalang tray sa harap niya. Ito ay beef broccoli, fish fillet at soap at may kunting fruits din. Pero nagtaka naman si Wilbert ng hindi kumikilos si Celine para kumain. " Oh, bakit ayaw mo ba? " tanong ni Wilbert. " Gusto, kaso hindi ako makakain kasi. " tugon ni Celine at inunguso ang nakabandage niyang braso na hanggang sa may kamay ay meron ito. " Ay, oo nga pala. Sige, susubuan na lang kita. " Umupo si Wilbert sa gilid ng kanyang kama at kinuha ang kutsara at tinidor. " Ah, hindi na. Si Ate Edna na lang, nakakahiya naman sayo. " wika ni Celine. Pero nagpatuloy parin si Wilbert sa pagdakot ng kanin at ulam at inilapit sa bibig ni Celine. Kahit naiilang ay, ngumanga din si Celine at kumain. Habang kumakain ay nagsalita si Wilbert. " Celine, ilang taon ka na pala? " tanong ni Wilbert. " Twenty-three siguro ako. " wika ni Celine. " Anong siguro? " pagtataka naman ni Wilbert sa sagot niya. " Hindi ko kasi matandaan kung ilang taon nako. " wika ni Celine. " Oh, ganun ba? Ano pa bang natatandaan mo, tungkol sa buhay mo? " tanong ni Wilbert para makahanap siya ng iba pang inpormasyon. " Ah, wala na gaano eh. Basta ang naaalala ko lang, tumatakbo ako dahil hinahabol ako ng lasing, tapos yun. Nabangga mo na ko. " wika ni Celine. Naalala ni Wilbert ang gabing iyon, naisip niyang tingnan ang cctv ng place na iyon baka may makuha siyang inpormasyon. Pagkatapos kumain ni Celine, ay lumabas na si Wilbert. Natulog naman si Celine pagkatapos makapag patunaw ng kinain. Umupo si Wilbert sa sofa at tinawagan si Brent. Inutusan niya ito na kumuha ng copy ng cctv sa pinangyarihan ng aksidente, at kung saan galing si Celine at kung bakit siya tumatakbo. Pagkatapos ay tinawagan naman niya si Roy, itinanong niya ang napapansin niyang kondisyon ni Celine. " Roy, matutuloy ka ba dito bukas? " agad na tanong ni Wilbert. " Yes bro, dadaan ako dyan bukas ng umaga. Bakit? " tanong nito. " May napapansin kasi ako kay Celine. " wika ni Wilbert. " Sinong Celine? " maang na tanong nito. " Yun girl na nabunggo ko. " nainis na sinabi ni Wilbert. " Ah, so Celine pala ang name niya. So, anong napansin mo? " tanong ni Roy. " May mga tinatanong kasi ako sa kanya na mga information about sa self niya, kaso parang ayaw niya magsabi ng totoo. Halata naman na nagsisinungaling siya, kaya pinaimbistigahan ko na kay Brent. " paliwanag ni Wilbert. " Teka, ano ba kasi ang mga tinatanong mo? Baka naman meron pa siyang shocked about sa nangyare. Wag mo muna siya tanungin ng tanungin ng mga kung anu-ano. " wika ni Roy. " Simple questions lang naman yun. Tinanong ko lang kung anong name niya, sino parents niya at number ng parents niya, pero hindi niya sinasabi sakin. " wika ni Wilbert. " Ah ganun ba? Sige, ichecheck ko siya bukas. Hayaan mo, pupunta naman ako diyan bukas eh. Bukas na natin yan malalaman. " wika ni Roy. " Ok sige bro, punta ka na lang dito bukas. " wika ni Wilbert. " Ok bro. " sagot nito. Pagkatapos ay ibinaba na nito ang phone. Kinabukasan ay maagang nagpunta si Roy sa bahay ni Wilbert. Pagdating niya doon ay natutulog pa si Celine. Dahan-dahan sila pumasok sa loob ng kwarto at nakita nilang nahihimbing pa ito sa pagtulog. Gigisingin na sana ni Wilbert si Celine, pero pinigilan siya ni Roy. " Bakit? " maang na bulong ni Wilbert. " Ichecheck ko muna siya. " wika ni Roy at pumunta sa kabilang gilid ng kama. Nagtaka naman si Wilbert sa ibig nitong sabihin, dahil tulog pa si Celine. Pagkatapos ay dahan-dahan nitong inilapit ang kamay sa dibdib ni Celine, subalit maagap na hinawakan ito ni Wilbert. " Tumigil ka nga sa kalokohan mo! " bulong ni Wilbert habang naiinis sa balak ni Roy na gawin. " Hehe, akala ko ba 'di mo type yan? " wika ni Roy. Pero tinitigan lang siya ng masama ni Wilbert. Nagtaas naman ng kamay si Roy na kunwaring suko na siya. Agad na niyang ginising si Celine. Gumalaw ng bahagya si Celine at nagmulat. Nakita niya si Wilbert na nakatayo sa gilid ng kama niya. Nakasuot ito ng long-sleeved na puti at naka necktie na dark blue. " Good morning! " nakangiting wika ni Wilbert. " Good morning. " sagot ni Celine habang papungay-pungay pa. " By the way, I want you to met my friend Roy. Siya yun doktor na gumamot sayo. " wika ni Wilbert. " Hi, good morning! " bati nito sa kanya. Nagulat naman si Celine na nasa loob din pala ito ng kwarto. " Good morning Doc. " wika ni Celine at agad siyang naupo. " Kamusta na mga sugat mo, masakit pa ba? " tanong ni Doc Roy. " Medyo masakit pa yun binti at braso ko. " wika ni Celine. " Ganun ba, eh yun head injury mo masakit pa ba? " tanong ni Roy. " Oo masakit pa. Minsan, bigla na lang umaatake ng kirot. " wika ni Celine. " Kumikirot? Gaano kasakit, kung irarate mo siya ng 1 to 10 at 10 ang pinakamasakit. " tanong ni Roy. " Sapalagay ko 7 or 8, pero bigla din namang nawawala. " wika ni Celine. Napatingin naman si Roy kay Wilbert ng sumagot si Celine. " Ah, ganun ba. Gaano kadalas sumakit sa isang araw? " tanong ulit ni Roy. " Kahapon apat na beses sumakit. " wika ni Celine. " Ah, ok. Wilbert kailangan mo siya dalhin sa ospital para ma-CTSCAN, para malaman natin kung ano talaga ang kondisyon niya. " wika ni Roy. " Ganun ba, oh sige. Ipaschedule mo na lang kung kailan. " wika ni Wilbert. Pagkatapos ay tumunog ang phone ni Wilbert, nag excused siya at lumabas muna siya sandali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD