2 TROTS

2000 Words
“I suggested the idea so naturally, hindi na kami sasali sa paggawa. Labor works are only for those pangit,” sabi ni Avyanna. As usual the famous won’t do anything. Hindi nakami umalma pa kasi baka uminit pa ang ulo nila. Everyone decided na bukas na gumawa, ang gagawin na lang namin ngayon ay ang bumili nang mga materials. Good thing Carl’s family own’s a construction company so naging madali lang ang paghatid ng mga woods. “Let’s call it a day,” sabi ni Carl. Everyone decided to go home directly habanag ako ay kailangan pa na bumalik kasi iniwan ko ang bag ko sa classroom. Prenteng-prente lang ako na naglalakad patungo sa hagdan ng may narinig akong parang umiiyak na babae. Nanlaki ang aking mga mata. May multo ba? Agad ako na napatingin sa aking relo. Mag-aalas singko pa lang naman. Ang aga naman magparamdam. “Hindi naman siguro,” pangungumbunsi ko sa sarili ko. Baka guni-guni ko lang yung narinig ko kanina. I gather all my courage. Dito na ako daraan kasi kung sa kabila ang layo na. Bukod sa takot ka na nga mapapagod ka pa. Nasa pangalawang step na ako ng hagdan ng marinig ko ulit ang tila iyak ng isang babae. I controlled my breathing para mapakalma ang sarili. Grabe na yung kabog ng puso ko, ang lapit lang kasi sa akin ng tunog. I was about to move to the next step ng mas lumakas iyon. Wait, it does sound like a cry but habang tumatagal ay nagiging halinghing na siya. Napakunot ang noo ko. Tila ba hirap na hirap ang pinanggagalingan ng boses. Instead of taking another step pataaas, I decided na bumaba. Sinusundan ang pinagmumulan ng kakaibang tunog. “Hmm.” I don’t know if that is impit na iyak bai yon but, it really sounded like its begging and hirap na hirap. Dinala ako ng paa ko sa comfort room na malapit lang sa hagdan. Tumingala ako para basahin ang signage sa itaas. “Boys” ang nakasulat. Should I check? Naglalaban ang utak at curiosity ko kung papasok ba ako o hindi. Then I heard another cry. Mas malapit, at malakas na iyon kumpara kanina. Hinawakan ko ang doorknob at bago pa man tuluyang buksan ay lumingon-lingon muna ako sa paligid para tingnan kung may tao ba. Napakatahimik na ng paligid, and that is when I decided to open the door. “Hmmp, Magnus.” Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. It wasn’t a ghost but students playing with fire. Nakita ko ang binti ng isang babae na natatabunan ng pigura ng isang lalaki. One of her legs is showing nakataas kasi ang kaniyang palda and I can almost see her ka singi-singitan. But the boy on the other hand, is fully clothed but I can see his arm moving. Napatakip ako ng aking bibig. I may be young, but I know what they are doing. “Magnus,” tawag ulit ng babae. And I confirmed that it was not a ghost. Napakalakas ng t***k ng puso ko. I know such activities exists, but I have never thought na may gagawa nun dito sa school. I decided na tahimik na umalis since hindi naman nila ako nakita. I’ll just act na wala akong nakita. Hindi na ako nag-abala pa na isarado ang pinto. Wala na din naman sigurong mag-aabala pa na mag cr doon. Paalis na ako sa harap ng banyo ng matabig ko ang trash can na gawa sa stainless steel. Kailan pa ito nandto? I am stunned for a moment but managed to run patungo sa hagdan. Nabulabog ko pa yata ang dalawa, at paniguradong maghahanap ng salarin yun. Nasa ikatlong baitang na ako ng hagdan ng mapansin ang paglabas ni Magnus. Sinubukan ko naman na tumakbo ng mabilis kaya lang nabibigatan ako sa katawan ako. Magmamadali sana ako sa pag-aykat ng matalisod ako. Napapikit na lang ako. Bisto na ako. Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng may pumasok na ideya sa utak ko. “ANO BA YAN?” sigaw ko at padarag natumayo at nagkunwaring nakatingin sa itaas. “Kung aakyat huwag sana tatakbo at manunulak. Sa laki kong ito hindi mo pa ako nakita,” dagdag ko pa. Sana lang umubra ang pagmamaang maangan kong ito. Umakyat ako, stomping my foot. Hindi naman sumunod si Magnus kaya baka hindi naman nahalata ang acting ko kanina sa hagdanan. Unti-unti ng nawawala ang kaba ko. Teka nga bakit naman ako kakabahan kung wala naman akong ginawang masama? Hindi naman ako ang may ginawang kababalaghan sa comfort room kung hindi sila. Hindi ko naman sinadya na makita ang ginagawa nila, na curious lang naman ako sa naririnig kong tunog. Nakumbinsi ko naman ang sarili ko na hindi na kabahan pa and that only lasted for seconds. Muli akong kinabahan ng makita ang pagpasok ni Magnus sa classroom. I gulped but I have to act cool para hindi ako mabisto. Sana nagmumukha talaga akong cool, dahil baka mukha naman pala akong natatae dito. He cleared his throat at naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Yumuko na lang ako at hinalukay ang aking bag para kunin ang aking cellphone. “Sol.” Nanlaki ang mata ko ng tawagin niya ako at ilang beses akong napalunok ang laway ko dahil sa baritong boses niya na tumawag sa pangalan ko. Bigla akong nanlamig. Alam niya ba? ‘Kumalma ka Sol. Hindi niya alam. Hindi niya malalaman.’ Pangungumbinsi ko sa sarili ko. “Ye-” naputol yung isasagot ko sana nang tumunog ang telepono ko. Agad ko naman na sinagot ito nang makitang si kuya ito. This is my escape. “Nasa parking ka na ba?” I asked kuya. “Yes, I am just waiting for you na makababa na.” “Okay bababa na ako,” sabi ko “Sige, I love you.” Nagdadalawang isip naman ako kung sasagutin ko ba iyon kasi nakikinig si Magnus. “I love you too," mabilis na sagot ko at saka ibinaba na ang tawag ibinalik ang phone sa bag. Nagmadali ako sa pagsuot ng bag ko para makataas na nakakunot noo na si Magnus. “Excuse me,” ani ko at lalampasan na sana siya nang hawakan niya ang braso ko. Oh my gosh baka yun ang ginamit niyang kamay kanina. That’s eww. Nawala ang pandidiri ko nang makitang ang kabilang kamay ang gamit niya para hawakan ang braso ko. “B-bakit?” nag stutter pa ako dahil sa kaba. “Namukhaan mo ba yung nakabangga sayo sa hagdanan?” I almost said “phew” dahil sa tanong niya. “Hindi eh, pasesnya ka na kailangan ko nang umalis kasi yung kuya ko naghihintay na.” Wala na akong paki-alam kung magalit man siya pero binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya para maka-alis na. Being alone in a room with him is suffocating. Sa pandidiri no’n sa akin baka sakalin niya pa ako. Mas mabuti nang manatiling malayo sa kaniya. Habang patungo ako sa parking lot ay may narinig akoang iilang pang-iinsulto mula sa mga estudyate na nadaraanan ko. Nadatnan ko si kuya na nakasandal sa kaniyang sasakyan habang ngiting-ngiti na nakatingin sa kaniyang telepono. Nang makita niya na paparating na ako ay agad niya na ibinulsa ang telepono pero, hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga mukha. Naglakad siya palapit sa akin at kinuha ang bag ko at niyakap ako, niyakap ko naman siya pabalik. Kuya Luan is really sweet. “How’s school?” tanong niya habang pinagbubukasan ako ng sasakyan. “Fine,” malimit na sagot ko. “Pasesnya ka na kung natagalan ako may ginawa lang ako,” paliwang niya. “It’s fine, kuya. I have to extend din naman because we have to prepare for the founding anniversary of Eastwood.” The next day as usual sinalubog ako nang nagliliparang basurang papel. Kay aga ko tuloy na nagpulot ng basura. Kinahapunan naman ay dumiretso kami sa likod ng gym para simulan na ang paggawa ng booth. “Ano ba naman ‘to?” Napalingon ako sa frustrated na nagsalita. Madeline is frustratedly looking at the wood na pinipinturahan niya. “I can help,” I said. Napalingon siya sa aki and smiled. “Pasensya ka na huh. I don’t know how to paint kasi,” sabi niya at tumayo sabay bigay sa akin ng brush. “Ano ba dapat yung ipipinta?” I asked. Hindi naman ako magaling pero I know how to paint naman kahit papaano. “Bubbles.” Matipid niyang sagot sa akin. I started painting bubbles just like what she said. Napipicture-out ko na ang kalalabasan ng booh namin. I will look festive but, behind the festive aura hindi ko mapagkakaila na hindi iyon festive para sa akin. “I feel guilty.” Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa classroom nang magsalita si Carl na katabi ko. “Why?” tanong ko sa kaniya. “As a president I couldn’t do anything about our popular classmates bullying you, idagdag mo pa na you will be suffering during the foundation day.” Natawa lang ako sa sinabi niya. Napalingon siya sa akin. “I don’t need the pity party Carl. Kasalanan ko din naman kasi hindi ko kayang lumaban sa kanila.” I honestly wanted to fight back kaya lang alam ko naman na hindi ko kaya ang dami nila. If I fight back baka half of the population in school kalabanin din ako. As much as possible ayaw kong magdala ng problema sa pamilya ko. I don’t want to taint their name. Ang ipanganak na hindi maganda ay parang nabigay na din ako sa kanila ng kahihiyan. Although my parents are not making me feel bad about being ugly and growing up fat pero hindi ko din naman maiiwasan na ma apektohan sa sinasabi ng iba. “Huwag ka na lang kayang sumali sa paggawa ng booth. Para naman mabawasan yung guilt na nararamdaman ko,” he suggested. “I want to take part Carl, hindi naman ganon ka bigat ‘yung ginagawa ko. Ano ba naman yung magpinta at makisali sa paggawa ng streamers and banners.” Sasagot pa sana siya kaaya inunahan ko na. “You don’t have to feel guilty hindi naman ikaw yung bully ko. Isa pa para naman may gawin ako, makagalaw galaw lang naman nang konti para pag pawisan din.” Wala na siyang nagawa pa at tanguan na lang ako. “Mauna na kami,” paalam sa akin ng mga kaklase ko. Nagpahuli na ako sa pagbaba kasi hihinatyin ko pa ang tawag ni kuya. “Sigurado ka bang okay lang na mag-isa ka dito?” tanong ni Carl na nagdadadlawang isip kung sasamahan ba ako o lalabas na. “Oo, Carl, sigurado ako. Sige na, naghihintay na din siguro ‘yung sundo mo,” I assured him. Ilang minuto lang din naman ako na naghintay, tumawag din naman kasi agad si kuya Luan. Pababa na ako nang makarinig ako ng mga panlalait mula sa mga kamag-aral na nadadaanan ko. “Siya ba yung ampon ng mga Gil?” sabi ng isang babae na halos pandirian ako habang yakap yakap ang kaniyang libro. “Naku ang impakta sa pamilya Gil.” “Ampon ‘yan sinasabi ko sayo.” “Ang taba, sa kulungan ng baboy nababagay ‘yan.” At kung ano-anong masasakit na salita pa ang narinig ko, kaya nakayuko akong naglalakad sa hallway. At sa kasamaang palad ay may nabanga pa ako na siyang dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. Ilang sandali pa ay narinig ko ang tawanan ng mga nakapaligid sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang nabanga ko si Magnus pala, ni hindi man lang ako tinulungan na makatayo. Medyo hirap naman ako sa pagtayo kasi nabibigatan ako sa sarili ko. Ang dating maingay na halakhakan ay nawala. Ilang sandali pa ay may maingat na kamay ang umalalay sa akin patayo, nang makatayo ako ng maayos ay nakita ko kung sino ito. “Kuya,” gulat kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD