“Are you okay?” marahan na tanong ni kuya.
“Ah, oo. Umiral na naman ang pagiging clumsy ko,” sabi ko sa kaniya at pinagpag ang medyo nadumihan kong jacket. Pero wala sa akin ang atensyon ng kuya ko. His expressionless eyes are darted towards Magnus na ngayon ay nakayuko.
“Kuya tara na” sabi ko sabay hila sa kaniya patayo pero marahan niya lang na hinawi ang kamay ko at nilapitan si Magnus. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Oh my, baka anong gawin ni kuya Luan, eh kasalanan ko pa naman ang nangyari.
“Kuya,” tawag ko sa kaniya at hinila pero madali niya lang na nahawi ang kamay ko.
“Sandali lang Sol,” nasa harap na siya ngayon ng nakayukong si Magnus.
“Bro, sa susunod na may nakabangga kang tao, whether its my sister or not, matuto kang tumulong, okay? Hindi naman nakakapilay ang simpleng pagtulong.”
“Kuya, it’s really because of my clumsiness. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.”
“Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, but I saw this boy over here, purposely get in your way para lang matumaba ka. I saw everything Sol. It was not just your fault,” nahimigan ko ang galit mula sa boses ni kuya.
Hindi ko alam na may ganon palang pangyayari.
“And to those students na narinig kong 'sa loob ng kulungan nababagay ang kapatid ko', ulitin ninyong sabihin iyon sa kaniya, sisiguradohin kong lahat kayong nanglalait sa kaniya ay manantili sa likod ng malamig na rehas. Tingnan natin kung sino ang mas nababagay na manatili sa kulungan,” rinig ko ang pagsinghap ng iba. Ang iba naman ay nagsi-alisan, takot na madamay sa galit ni kuya.
Paalis na sana kami ng biglang nagsalita si Magnus.
“I’m sorry.” Nagulat naman ako. Ang isang Magnus Hyde, humihingi ng paumanhin sa akin. Hindi ko alam kung para sa akin ba o para kay kuya ang sorry na iyon kaya hindi na lang ako nagsalita pa.
“Let’s go Sol.” Sabi ni kuya using his cold tone. Tahimik naman ako na sumunod sa kaniya
“That is Luan, right?” rinig kong bulong-bulungan ng ibang estudyante habang naglalakad kami paalis.
“Yes, the eldest of the Estrella-Gil family.”
My kuya is quite famous. He did not graduated from this institution but, a lot of students here know him. Nakapagtapos si kuya sa La Herrera Academy, that is the school that my father had founded. I purposely did not go to that school because I don’t want to be treated nicely just because I am the daughter of the founder. I want to be treated nicely because they see me as a person, hindi yung peke. Kuya Luan graduated with flying colors but, he got many awards not because he was favored by many teachers, it’s because kuya was born an achiever.
“What are you thinking?” tanong sa akin ni kuya ng makapasok na kami sa kotse niya.
“Nothing,” prenteng sagot ko at nagsuot ng seatbelt.
“Why didn’t you tell me?”
Hindi ako makatigin kay kuya dahil sa tanong niya.
“Uhm, na ano kuya?” tanong ko.
“That people treat you that way,” sabi niya habang nagpipigil ng inis.
“Hindi naman, kuya,” panimula ko. Tumawa pa ako ng bahagya para pagaanina na sitwasyon.
Tumikhim si kuya kaya napatingin ako sa kaniya. He looked pissed kaya nawala ang ngiti ko sa labi.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap.
“It’s just that I can’t please all the students in Eastwood. Isa pa they are saying their opinion,” katuwiran ko.
“Well, no one is asking for their opinion. They should have kept for their selves,” galit na sabi ni kuya bago binuhay ang makina ng sasakyan.
“Hayaan na lang natin, kuya. Isa pa hindi naman lahat ng tao sa Eastwood masama ang pakikitungo sa akin.”
Hindi na ako sinagot ni kuya at nakakunot ang noo lang siya buong byahe namin hanggang sa makauwi kami sa bahay.
“Kuya,” tawag ko sa kaniya bago pa man siya na makapasok sa loob ng kwarto niya.
“Can you not make it a big deal?” tanong ko pero mas lalo lang na kumunot ang noo niya.
“I mean huwag na lang sana na makaabot ‘yung pangyayari kanina sa kanila ni mommy and daddy,” I said almost pleading.
Hindi pa din siya nagsalita.
“Please,” I beg.
Napabuntong hininga si kuya at pumikit nang mariin. Pagdilat niya ay mas naging mas soft ang expression niya.
“Baby, I will let this one slide but, the next time na malaman ko na they treat you bad hindi ko na mapapalampas pa,” mahinahon niyang sabi.
Tumango ako sa kaniya and smiled sweetly. Sinuklian niya naman ito ng tingin at bago pa man pumasok sa kaniyang kwarto ay ginulo pa ang buhok ko.
Kuya is sweet but there are really times that he could really be scary, kagaya na lang kanina.
Although kuya said na hindi niya ipaparating sa parents namin ay kinabahan pa din ako nang dumating ang dinner time.
“Mommy, daddy,” kuya suddenly said in the middle of the dinner.
“Yes?” tanong naman pabalok ni daddy.
Tiningnan ako ni kuya bago pa siya nagsallita kaya kinabahan ako agad.
“About Sol,”
Nasa akin pa din ang tingin siya kaya inilingan ko siya. Baka nga nagmumukha na akong natatae dito dahil sa kaba.
“What is it?” this time si mommy naman ang nagtanong.
Agad ako na napaayos nang upo dahil kanina pa pala nakatingin sa akin si mommy.
“I wouldn’t be able to fetch her, and I think my sister is being clingy. Gusto niya yata na ako lagi ang magsundo sa kaniya,” he said and laugh.
My parents laugh kasabay si kuya. Napabuntong hininga muna ako bago na tumawa kasabay sila awkwardly.
“You’re kuya have things to do, so huwag kang maging masyadong clingy. I’ll try to fetch you na lang but, if I won’t be able to make si kuya Berny mo ang magsusundo sayo,” sanbi ni mommy.
Kuya Berny is our driver. Tumango naman ako bago bumalik sa pagkain pero, hindi nakawala sa paningin ko ang makagulugang tingin ni kuya.
“Mommy, daddy. I need to extend my time in school. We are working with a booth po kasi,” I announced after dinner.
Agad din naman ako na umyakyat sa kwarto kasabay si kuya. Naka-abay siya sa akin at nang nasa harap na ako ng aking kwarto ay ginulo niya ang buhok ko.
“Kuya,” inis na sabi ko sa kaniya at inayos ang buhok ko na ginulo niya.
Tinawanan niya lang ako.
“Goodnight,” he said before leaving me at bago umalis papuntang kwarto niya.
Napangiti na lang ako bago tuluyan na pumasok sa kwarto.
The next day, inaantok ako habang naglalalkad patungo sa classroom. Nasa pintuan na ako nang nahihikab ako. Nawala lang iyon dahil sa panunukso dahil lalaking hinid ko namalayan na nasa harap ko pala.
“Huwag Sol,mahihigop mo ako,” pang-aasar ni Rommel sa akinhabang naka-upo sa teacher’s table. Nagsitawanan ang maga kasama niya. Gusto ko sana siyang irapan, buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
Napalingon naman ako sa paligid nanag mapansin na hindi nila kasama si Magnus at Avyanna. That’s new.
Napahalukipkip ako nang sabay na pumasok ang dalawa. Hindi pa nawawala sa isip ko ang nangyari kahapon at ang natunghayan ko noong nakaraang araw.
Bago din sa akin ang pangyayaring ito. Inaasahan ko na sasalubungin ako nang tukso o mas malala pa doon dahil sa nangyari kahapon. Hindi kaya ay natakot kay kuya Luan ang mga nakasaksi kaya walang nangahas na ipagkalat ang nangyari?
Tahimik ko na lang din na ipinagpapasalamat na hindi nila ako ginawan nang kalokohan sa umagang iyon.