4 TROTS

1715 Words
Kung kanina ay ipinagpapasalamat ko na walang ginawa ang grupo nila Avyanna sa akin, ngayon naman napatanto ko na wala pa silang naiisip na gawin sa akin kanina dahil ngayong tanghalian pala nila ako gagambalain. “Parang gusto kong kumain ng free meal ngayon. Ilibre mo nga kami, Sol.” Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na ni Aica mula sa kamay ko ang aking wallet. “Wala akong pera,” saad ko at akmang kukunin sana sa kaniya ang aking wallet nang ilayo niya sa akin ito. Kita ko naman ang gulat sa muka niya nang may kumuha ng wallet ko sa kamay niya. Aica was about to lash out pero nang makitang si Magnus ito ay hindi na niya natuloy. Para na siyang tuta na walang magawa dahil nahuli ng kaniyang amo. Si Avyanna naman ay todo ayos ng buhok, inilagay niya pa ang takas na buhok sa likod ng kaniyang tainga. Tiningnan ako ni Magnus gamit ang galit niyang itsura, bago niya binuksan ang aking pitaka. Nang makita niya ang laman nito ay ibinigay niya na ito ulit kay Aica na nasa harap niya. “She won’t even afford a sandwich for everyone,” sabi pa niya bago tuluyan na umalis at lampasan kami. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan siya ng tingin. Doon ko naman napansin na nasa amin pala ang atensyon ng halos lahat ng mga estudyante na nasa canteen. Nang maibalik ko ang paningin ko kay Aica, nakanganga siyang nakatingin sa aking pitaka. “Ito lang ang pera mo? Ni hindi man lang umabot ng five hundred pesos? How are you going to buy foods for us?” galit na tanong niya. I gulped. Hindi ko naman responsibilidad na bilhan sila ng makakain. Hindi naman ako ang magulang nila. Lorraine dropped her mouth open upon hearing Aica’s sentiments. Minadali niyang kinuha ang wallet ko sa kamay ni Aica para makita niya mismo ito sa kaniyang mga mata. “Akala ko ba mayaman ka?” tanong niya sa akin. Hindi makapaniwala at dismayadong dismayado sa nakikita. “Well, maybe her parents don’t love her that much kaya hindi na siya binibigyan ng ganon ka laking pera,” sabi ni Avyanna na may ngiti sa labi. Sa paraan ng pagkakasabi at pagngisi halatang-halata ang pangmamaliit sa akin. “Alam mo na, they realized that their ugly daughter could do them nothing bukod sa pagbibigay ni Sol sa kanila ng kahihiyan dala ng kaniyang kapangitan,” tinuran pa ni Avyanna. Narinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid. Napayuko na lang ako sa hiya at panliliit. “Return that back to her Aica. Baka mahawa ka pa sa kapangitan niyan, mukha pa namang may bagong tumubo na namang tigyawat sa kaniyang mukha,” sabi naman ni Lorriane. Imbes na ibigay sa akin ang aking wallet ay itinapon niya lang iyon patalikod. “Hindi na naman yun first time Lorraine, pabrika yan ng tigyawat, hindi nauubusan,” komento ni Aica bago ako nilampasan. While Avyanna flipped her hair bago umalis. Nang mawala na sila sa harap ko ay nilapitan ko ang wallet ko na nasa sahig. I was about to get it nang naunahan ako.Pagtunghay ko nakita kong si Ritz iyon. Gaya ng iba ay chineck niya din ang laman noon. Kita naman ang pagkadismaya niya nang makita ang laman non. “Aki-” Hindi ko na natapos nag sasabihin nang bigla niyang itinapon ang wallet ko sa basurahan. Narinig ko ang palakpakan ng mga estudyante ng makita nilang na shoot ni Ritz ang wallet ko sa basurahan. Nalaglag ang pangga ko sa ginawa niya. Nagawa niya pa talaga na mag bow sa harap ko at nakakaloko akong nginitian bago ako nilampasan. I sighed, wala din namang mangyayari kung magagalit ako. Nagdadalawang isip naman ako kung kukunin ko ba sa basurahan ang wallet ko kasi may hawak akong pagkain at kakain ako mamaya, eh marumi na ‘yun panigurado. Pero kailangan ko din makuha ‘yun kasi yung mga importante kong IDs at may pera ‘yun. I decided to get it, when a janitor came and get it for me. “Malinis ‘yun, Kapapalit ko pa lang ng trash bag nang ibato ng binata yung pitaka mo dito.” I am hesitant kung kukunin ko ba. Tiningnan ko naman nag basurahan and it’s really empty. I smile at the janitor and bow down a bit bago tinanggap ang pitaka ko na inaabot niya. “Thank you po,” pagpapasalamat ko sa ginang. Nginitian niya lang ako bago siya bumalik sa ginagawa. Truth is itinago ko lang ang pera ko. Makailang beses na din kasi nila akong ipinagbayad ng binili nilang pagkain. I learned kaya hindi ko na dinadala ng buo ang pera. Buti na lang at hindi na nila ako ginambala pa. Dahil tapos na din naman akong bumili ng pagkain bago sila dumating minabuti ko na rin na sa ibang lugar na lang kumain. Mas tahimik kasi. Nagpatuloy naman ang araw ko at nagpatuloy din sila sa pangangatyaw sa akin. Hindi ko na din naman sila pinagtuonan ng pansin. “Sol” Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Carl pala. “Pwede bang ikaw na lang ang pumunta sa gate at kunin ang pina deliver naming pizza para sa snack," medyo alangan niyang sabi. Agad naman ako na tumango. Pagkain na ang pinag-uusapan. Isa pa hindi naman ako busy, kumapara sa iba na mabibigat ang ginagawa. Nagmadali ako sa pag-alis dahil excited na din na makakain. Medyo malayo layo na ako sa gym ng maalala ko na hindi ako nabigyan ng pera. Ano na lang ang ibabayad ko? Imbes an bumalik sa gym ay tinahak ko na lang ang daan sa malapit naming na building. Iniwan ko kasi sa locker ko ang aking pitaka kanina bago pumunta sa gym. Hiningal ako ng makarating ako sa locker namin. Kinuha ko agad ang aking wallet at bababa na sana nang may marinig ako na sumigaw. “You can like me back!” Nanlaki ang mata ko. Don’t tell me may nag-aaway na magkasaintahan dito. Napalingon ako sa classroom na nasa gilid ko lang. Doon kasi nanggaling ang sigaw ng isang pamilyar na boses. "Maybe not now, but I'll make sure you will," kasunod ng mga katagang iyon ay ang nakarinig ako ng hikbi. “Please, Magnus. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.” Hindi ko napigilan ang mapatawa ng mapakla. Magnus na naman? “No.” Walang ka emo-emosyong sagot ni Magnus. Mas lumakas ang iyak, nagulat na lang ako nang bumukas ang pintuan ng classroom. Bumandrana sa harap ko si Magnus. Bumaba ang tingin ko sa bandang tiyan niya at doon ko nakita nag dalawang kamay na nakayakap sa kaniya, may babae na yumakap sa kaniya patalikod. Kita ko na natigilan din si Magnus nang makita ako. Ilang sandali pa ay dumungaw ang babae na nakayakap sa kaniya nang mapansin siguro ang biglaan niyang paghinto. Mas lalo ko na ikinagulat ng makitang si Avyanna ito. Nang makita niya ako ay agad na bumitaw siya sa pagkakayakap at umayos siya sa pagtayo. Napakurap-kurap ako and swallowed hard. I want to run papalayo sa kanila, pero parang na glue ang sapatos ko sa sahig. Kung yung kahapon ay natakasan ko pa ngayon sigurado akong hindi ko na matatakasan pa ang mga pangyayari. Walang nagsalita sa aming tatlo at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nang matauhan ako ay ibinalik ko na lang ang tingin sa harap ko, sinarado ang nakabukas na pinto ng locker, at saka umalis na parang walang nangyari. Mabuti na lang talaga at hindi nila ako tinawag o hindi na sila nagsalita pa kasi hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Ibabaon ko na sa limot ang nakita ko kanina. Mahirap na at baka iyon pa ang maging mitya ng paglala ng pang bubully sa akin. Pero hindi ko talaga inakala na Avyanna would beg like that, what shocked me the most is that kay Magnus pa. I am used of Avaynna being chased and pinagkakandarapaan, parang napakaimposible ng nangyari kanina. Nang tuluyan na nakalayo ay napabuntong hininga ako. Alam ko naman na cold si Magnus pero hindi ko na inasahan na he would turn down Avyanna. Avyanna is the most famous girl, hindi na siya lugi. Isa pa yung coldness niya akala ko hindi applicable pagdating sa grupo ni Avyanna, but mali pala ako. Umiling na lang ako, trying to get rid of my thoughts, mas makakabuti iyon para sa akin. Nang makarating ako sa gate wala pa ang delivery man. After minutes of waiting ay dumating din ito. He handed me the pizza. "How much is it po?" I asked politely. “Bayad na po iyan ma’am.” Nalaglag ang pangga ko sa sinabi niya. Pero madali naman ako na nakabawi. "How about the delivery fee?" I asked again. “Bayad na din po iyon ma’am.” “Oh, okay.” Tanging nasagot ko na lang. Nagpagod lang pala ako sa pagkuha ng wallet ko. Kung alam ko lang hindi na sana ako umakyat pa, hindi ko na sana nakita ang pangyayari kanina. Saktong papasok na ako sa gate ng school nang lumabas naman na mag-isa si Avyanna, walang Magnus o kahit alipores niya ang kasama. Gumilid na lang ako at yumuko, mahirap na baka ma trigger pa siya sa presensya ko. Nang makasakay siya sa van na siyang magsusundo sa kaniya ay napahinga ako ng maluwag. Tahimik lang ako na naglalakad habang dala-dala ang pizza patungo sa gym, natatakam na din ako. “Andito n-” Nabitin ang sasabihin ko sa mga kasamahan ko ng makita kong lumingon sila sa akin, at kasama na doon si Magnus na nagpupokpok ng pako. Kamuntikan ko nang mabitawan ang hawak ko dahil sa gulat. “Anong nangyayari?” tanong ko sa lumapit na si Carl. “Hindi ko din alam,” sabi niya sabay kuha sa boxes of pizza na nasa kamay ko. Hindi naman siguro siya andito dahil sa natunghayan ko kanina diba? “Sol.” napaigtad ako ng tawagin ni Magnus ang pangalan ko na ngayon ay nasa harapan ko na pala. Huh, parang andito nga siya dahil sa natunghayan ko kanina. “W-what?” takot na tanong ko sa kaniya. Halatang takot dahil sa pangiginig ng boses. "Can we talk?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD