5 TROTS

2729 Words
Napalunok ako ng laway ko. Pwedeng humindi? “Yeah, sure,” napipilitang sagot ko dahil baka mas lalo lang na magalit 'to sa akin kapag humindi ako. Medyo lumayo siya sa kung saan may gumagawa ng booth, sinundan ko naman siya. Napakalayo ng distansya ko mula sa likod niya, baka kasi masagi ko siya at mandiri siya. Nung himinto siya ay himunto na din naman ako. "Can you hear me if you're that far?" “Oo,” agarang sagot ko sa kaniya. Natatakot ako sa pag-uussap na ito kaya, I want to end this as soon as possible. Maybe he saw na wala talaga akong planong lumapit sa kaniya kaya siya na ang lumapit sa akin na siyang nagpa-atras sa akin. Nakita niya ang ginawa ko kaya agad siya na tumigil. “Uhm, there is a possibility that other might hear about what we are going to talk, so if you do not mind?” sabi niya at inimuwestra niya pa ang kamay niya. Parang sinasabi na kung okay lang lumapit sa isat-isa. “Ah okay,” awkward na sagot ko na lang. “About what you saw earlier.” Kasisimula pa lang niya, alam ko na agad ang sasabihin niya kaya pinutol ko na agad. “I didn’t see anything.” matapang na sagot ko. Kumunot ang noo niya sa akin, “Or hear anything?” hindi ko na alam ang tamang sasasabihin ko. Mas kumunot pa ang noo niya kaya mas lalo lang ako na natakot. Dapat ba sabihin ko sa kaniya ang totoo? “Uhm, I saw it and heard something.” pag-amin ko. Hirap na hirap pa akong sabihin ang bawat salita dahil baka magkamali ako. Mas lalo lang na naguluhan ang itsura niya. “I mean I saw it and heard it, but I’ll pretend that I never did. I promise that I will not tell anyone about it. If you’re thinking that I am there stalking you both, nagkakamali ka. I was there to get my wallet kasi akala ko hindi pa nababayaran ang pizza eh wala din naman na ibinigay sa akin. It just happens, hindi ko talaga sinadya na matunghayan iyong kanina. Another thing is I do not have friends naman so, wala naman akong mapagsasabihan," mahabang paliwang ko sa kaniya. Nakayuko lang ako the whole time. Hindi ko kasi matitigan ang mata niya, parang galit kasi parati kapag ako ang nakikita. "You mean, if you have friends, you'll share it with them?" Agad ko na naitaas ang paningin ko sa kaniya. “Hindi. No, no,no,” kinakabahan at agad kong sagot. “Hindi naman ‘yun ang ibig kong sabihin. Kahit na may kaibigan ako, hindi ko din sasabihin sa kanila. Kung ano man ang nakita ko kanina, hindi ako makikialam. It’s not my business so, I’ll shut my mouth. I promise,” itinaas ko pa ang kanang kamay ko para mas mapakita na sincere ako. Mas lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko dahil sa kaba dahil hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Minsan talaga mas mabuti na hindi na mag explain eh, mas ikakapamahak ko pa yata. "Okay." Parang nawala ang nakadagan sa dibdib ko sa narinnig ko mula sa kaniya. And with that nauna siya sa pagpunta sa ka klase namin. I sighed nang tuluyan na akong maiwan mag-isa. Parang sasabog yung puso ko sa kaba kanina. Akala ko talaga pagbubuhatan niya ako ng kamay dahil lang sa nakita ko. Buti na lang at hindi. “Ayos lang ba na tumutulong siya dito?” mahinang tanong ko kay Carl habang sinusubo ang pizza. “Hindi ko nga alam. If Avyanna will know that Magnus is helping us, baka magwala ‘yun.” “Why would she?” nagtatakang tanong ko. “Hindi mo ba nahahalata. She like Magnus,” bulong niya sa akin at agad naibinalik ang atensyon sa pizza ng makita na napabaling sa amin si Magnus. Nahahalata pala ng iba na may gusto si Avyanna. Ako lang pala ang hindi nakakahalata. Maybe because iniiwasan ko naman sila. As much as possible ayaw ko na makasalamuha sila. Tahimik na nagtatrabaho ang iba kasi naiintimmidate sila sa presensya ni Magnus. The next day, something happened that shook everyone. “What are you all staring at? Gumalaw na kayo para matapos na natin ang booh,” anunsiyo ni Magnus nang makitang nakatulala ang lahat dahil tutulong na naman siya. Kahit ako ay hindi makapaniwala na tutulong siya. Pinasadahan niya ng tingin ang classroom bago umiiling na lumabas ng room. Paglabas niya ay parang doon lang nag sink-in sa aming lahat ang mga sinabi niya. “Did I heard him correctly?” gulat na tanong ni Aica. “Maybe he’s just joking. It’s very imposible for him to do that. Baka nga nagpunta na ‘yun ng court ngayon para maglaro,” rinig ko namang sabi ng dalawa niyang kaibigang lalaki. Ang iba ko namang kaklase ay nagsilabasan na. Medyo natagalan pa ako sa pagbaba dahil kinailangan ko pang itapon sa basurahan ang mga itapon sa akin na mga eroplanong papel nina Ritz at Rommel. Papalabas na sana ako ng classroom nang harangin ako ni Avyanna. “Did you blackmailed him?” Hindi ko naman agad nakuha kung ano ang ibinibintang niya sa akin. "Huh?" I asked, confused. Peke siyang tumawa at naglakad palapit sa akin. “You were there yesterday, and somebody told me na kinausap mo si Magnus kahapon, right after you witnessed what happened,” sabi niya habang naka cross arm at naka taas ang kilay. "You blackmailed him. You witch,” dagdag niya pa. Bumuntong hininga ako bago nagpaliwanag. “Avyanna, I am not the type of person who can blackmail someone. Sa sobrang baba ng tingin sa akin ng iba, sa tingin mo ba may matatakot pa sa akin? Baka ako pa nga ‘yung matakot eh. And for the record si Magnus ‘yun. Sa laaht ng tao sa campus ikaw 'yung mas nakakakilala sa kaniya. Sa tingin mo ba magpapablackmail siya and all the more sa akin pa?” Para naman siyang natauhan sa paliwang ko. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. "Then why did the two of you talk yesterday?" She’s still suspicious. Halata din sa mahigpit na hawak niya sa akin na galit siya. “It’s just that he doesn’t want me na ipagkalat kung ano man ‘yung natunghayan ko kahapon. That’s it. Nothing more. I did not blackmailed him,” paliwanag ko. Agad niya din naman na binitawan ang braso ko at inirapan ako bago siya naunang lumabas. I sighed in relief. Tahimik lang ako na naglakad patungo sa kung nasaan sila Carl. Nang makarating ako doon, nakakabinging katahimikan ang nadatnan ko, and I think I know the reason why. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang pigura ni Magnus na pinapangunahan ang pagkakarpentero. “I think we will finish this today,” sabi sa akin ni Carl habang may awa sa kaniyang mga mata. “Ayan na naman tayo eh, sabi ko naman say hindi ko kailangan ng pity party, Carl,” sagot ko sa kaniya at tinulungan na lang siya sa pagstapler ng banderitas. "Baka lang naman, matapos natin," sabi pa ni Carl. Lahat ay busy sa pag tapos ng booth nang biglang dumating ang grupo nila Avyanna. “Mukhang wala na naman kaming matutulong dito,” sabi ni Ritz, habang walang ka buhay buhay na nakatingin sa kung nasaan ni Magnus. Si Magus naman ay parang walang pakialam sa kanila at patuloy lang sa kaniyang ginagawa. “Anong wala na? Kita mong may tinatrabaho pa si Magnus. Go help him,” galit na anas ni Avyanna. “Kayo, anong tinitingin-tingin niyo diyan? Is this the first time you saw beautiful creatures? Go back to work.” Bumalik kami sa aming ginagawa gaya nga ng nais ni Lorraine. “Magnus,” sweet na tawag ni Avyanna na hindi na namin nilingon pa. Siniko ako ni Carl, kaya napalingon ako sa kaniya. “Huh?” tanong ko sa kaniya sa maliit na boses, mahirap na at andirito pa naman si Aica sa malapit namin. Ininguso ni Carl ang dumaan na si Avyanna. Iniligan ko siya at bumalik na sa aking ginagawa. “Sabi naman namin sa’yo,” bulong niya sa akin. Alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin. “Magtrabaho na lang tayo,” sagot ko lang sa kaniya. "Where are you going?" Boses ni Avyanna 'yun. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag lumigon dahil baka malagay na naman ako sa alanganin. “Hey! Magnus, I’m asking you,” sabi bi Avyanna sa medyo mataas at iritadong boses. “Ohh,” bulong ni Carl, habang palihim na nakatanaw sa kung anong nnagyayari. Chismoso din ang isang 'to. Hindi na talaga ako lumingon mahirap na. "Oh my goodness." Napalingon ako sa biglaang kinabahan na si Carl. Nagmadali siyang kumuha ng cellophane na ginupit pa triangulo. “Why?” gulat na tanong ko sa kaniya. "Why is he coming this way?" “Who? Who’s coming this way?” tanong ko sa kaniya sa kalmadong paraan. “Si Magnus papunta dito,” sabi niya at mas dinagdagan pa ang kinuha niyang cellophane para sa banderitas. “Baka naman dadaan lang,” sagot ko at binalewala ang pangyayari. Kakatapos ko lang na bitawan ang mga katagang iyon nang bahagya ako na napatigil sa aking ginagawa dahil sa biglaang nagsalita. “Tapos na ‘yung booth. Aalis na ako,” boses ni Magnus ‘yun. Hinding-hindi ako nagkakamali. Carl cleared his throat bago nilingon si Magnus para sagutin. Habang ako naman ay bumalik sa aking ginagawa. “Ah-ah sige salamat sa tulong mo,” awkward at kinakabahan na tugon ni Carl. "Ano Magnus? Let's chill. You know what I mean," sabi ni Rommel. Matapos na sabihin iyon ni Rommel ay nakarinig kami ng galit na pagbabanta. “Subukan mo lang Rommmel. If you have nasty plan huwag mo ng idamay pa si Magnus, magliwaliw ka mag-isa.” And that’s Avyanna. “Ohhhh,” sabay na sabi ni Ritz at Rommel. “Ayan, umalis tuloy,” rinig kong sabi ni Lorraine. Sa mabibigat na yapak ay sinundan ni Avyanna si Magnus. Samantalang si Rommel at Ritz naman ay nakasunod habang mapaglarong sumisipol dahil sa mga kababaehang nadadaanan. “Make sure to finish the booth within this day,” ang huling tinuran ni Aica bago sila umalis ni Lorraine. “Make sure to finish the booth within the day.” Natawa naman ako dahil sa ginawang paggaya ni Carl kay Aica. "It's fine even if we couldn't finish the whole set-up today. We still have the weekend to finish this. And for the weekend, I hope Sol wouldn't be around. Spend your weekend with your family or rest kasi pagdating ng lunes mababasa ka na," Carl said the last statement with so much guilt in his voice. "Yeah, baka hindi na nga ako maligo," pagbibiro ko sa kaniya. He’s been like that every time na tumutulong ako. Para naman mapanatag na siya kahit papaano ay susundin ko na lang ang nais niya. Carl smiled genuinely at me this time, no hint of guilt or pity. Makulimlim na nang maka-uwi ako sa bahay. Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit saka bumaba para sa hapunan. "I was invited to attend the foundation day of Eastwood." Hindi ko naituloy ang pagsubo dahil sa sinabi ni daddy. Hindi din naman nagtagal sa itsura ko ang pagkagulat para hindi magtaka ang magulang ko at lalong lalo na si kuya. “You know Fabian and I are very close.” Sir Fabian is the son of the founder of the Eastwood. “We go on the same college together. We are best buddies back then, kaya lang nawala siya ng ilang taon. Pagbalik naman niya, iba na ang pakikitungo niya sa akin. But lately he’s trying to reconnect,” dagdag pa ni daddy kaya wala na akong nasabi. “So have you considered going there?” curious na tanong ni kuya habang may makahulugang tingin sa akin. As much as possible pinipilit ko na walang kumawalang emosyon sa mukha ko. "Gusto ko sana. Being a visitor on their founding anniversary is a great opportunity for him and me to close the gap. However, I have to turn down the invitation because I have a business trip by that time." I felt sad na hindi magkikita ang dalawang makgaibigan but ,I am also relieved na hindi makakapunta si daddy. Hindi niya ako makikita that time. Saka marami pa namang pagkakataon para makapagkita at usap sila ni Sir Fabian. “Isang linggo din ‘yun. Baka gusto ninyong sumama sa akin?” Dad is now being clingy. Nailing nalang si kuya. “Stop it, dad. I am very busy,” sagot ni kuya. Nagsalubong naman ang kilay ni daddy at malokong tiningnan si kuya. “I wanted to but maiiwan ang mga bata dito. If it’s just work, I can file a vacation leave immediately. Pero kasi, we have a daughter and a son at kung aalis tayong dalawa walang maiiwan sa kanila,” sabi ni mommy, at tiningnan kaming dalawa ni kuya. "Kuya and I are both grown-ups. You can go with daddy, mommy. It’s not as if maiiwan talaga kami ni kuya na kaming dalawa lang sa bahay. We have very reliable house help. And daddy, I can't come with you, because we have a big event at school. I can't just go on vacation. And kuya can’t also come because kagaya nga ng sabi niya, he will be very busy,” sabi ko. They both looked surprise sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? “Kailan ka naging ganiyan ka mature?” Mommy asked as if she is hurting. "We don't want our babies to grow faster," segunda naman ni daddy. Here we go again, nagiging childish na naman sila. I saw kuya rolling his eyes but hindi na lang nagsalita at nagpatuloy lang sa pagakin. "I guess you'll come with me, honey," sabi ni dad habang naka smirk kay mommy. “Yeah, I guess so.” Sagot naman ni mommy and smirk at daddy. "What's with the smirks on your face?" I asked curiously. Nawala ang kakakibang ngiti sa kanilang labi. “Nothing baby.” Sabi ni mommy. “Kumain na tayo.” Habang nasa hapag ay tuloy lang ang pangungumusta nila mommy and daddy sa naging araw namin ni kuya. For the weekend, I spend it at home with mom. Si daddy and kuya may mga importanteng lakad. Nang lunes na ay medyo natagalan ako sa pagpasok sa school kasi hinatid pa namin ni kuya si mommy at daddy sa airport, ngayon ang lipad nila pa ibang bansa. Si kuya na din ang naghatid sa akin sa school. “What? Contact her!” Isang sigaw ang narinig ko hindi pa man ako nakakapasok sa classroom. “We are trying to contact her,” rinig ko namang sagot ng ka klase ko. "That ugly piggy, how dare she ditch us!" Ako? “Ayan na pala siya,” sabi ng ka klase ko na nanginginig sa takot dahil sa galit ni Aica. Agad na nabaling sa akin ang tingin ng lahat. Ang bilis ng mga pangyayari, nakita ko lang na mabilis na naglalakad patungo sa akin si Aica the next ting I know hawak na niya ang buhok ko at hinihila ito. “Ouch. Let go,” pagmamaka-awa ko, pero mas lalo niya lang na hinila ang buhok ko patalikod. I am holding her hand, para hindi maging ganon kasakit ang anit ko dahil paghila niya. “Anong karapatan mo na ma late sa araw na ito?” sigaw niya sa mukha ko mismo habang nanlilisik ang mata dahil sa galit. Naiyak na lang ako, dahil sa sakit ng paghila niya at sa fact na walang gustong tumulong sa akin. “Why are you crying? Huwag mo akong iyak-iyakan dahil ang pangit ng itsura mo. Anong karapatan mo nag paghintayin kami, ikaw na pangit ka. Anong karapatan mo?” Sa bawat salitang binibitawan niya ay mas hinihigit niya pa ang buhok ko pababa. "Tama na 'yan," sinubukan ni Carl na pumagitna pero agad din siya na napa-alis dahil sa takot na madamay. "Manahimik ka Carl kung ayaw mo na madamay," ani ni Lorraine. "Enough." One word and Aica's grip on my hair slowly started to loosen. "Magnus."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD