6 TROTS
“Enough already. What’s important is she’s here,” Magnus said coldly to Aica.
“I agree.”
Mas lalo na lumuwag ang pagkakahawak ni Aica sa aking buhok dahil sa nagsalita.
“Mas lalo lang tayo na matatagalan.”
Hindi ko maaninag ang nagsasalita dahil sa basa ang glasses ko ng luha. Pero halata naman sa boses na si Avyanna iyon.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Aica sa tabi ko. Pero bago niya pa man na bitawan ang buhok ko ay maka-isang beses niya pa itong hinila bago pabalibag na binitawan ito.
“Bilisan mo diyan. Bumaba ka na, huwag mo kaming ma daan daan sa iyak mo,” sabi ni Aica saka ko siya naaninag na umalis.
Napahawak ako sa masakit na ulo ko, iniinda ang sakit na dulot ng pagkakasabunot sa akin.
“Sol,” tawag sa akin ni Carl.
Tinangal ko ang glasses ko at pinunasan ito. Bago ko pa man isuot iyon ay pinunasan ko muna ang luha ko. Nang naging malinaw na ang aking paningin una kong nakita si Carl na nasa tabi ko. Halata sa itusura ang pag-aalala.
Nginitian ko lang siya para ipakita na ayos ako.
Napabaling lang kami sa may pinto nang may nagbukas dito at lumabas. Likod lang ni Magnus ang nakita ko kasi nasundan na iyon nila Avyanna, Ritz, Rommel, at Lorraine.
Bago pa man tuluyan na maisara ni Lorraine ang pinto ay may sinabi pa si Lorraine.
“Lesson learned, huwag na huwag kang maging late sa big event mo. Bilisan mong bumaba kung ayaw mong makatikim ng part 2,” sabi niya habang nagpipigil ng tawa.
“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Carl.
Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan patungo sa kung nasaan ang booth namin. Tumango ako sa kaniya bilang sagot.
“Pasensya ka na sa nagyari kanina.”
“Hindi mo naman kasalanan iyon. So, no need to say sorry,” sabi ko sabay nginitian siya para mapanatag ang loob niya. Hindi ko nga lang alam kung kapanipaniwala ba ‘yung ngiting naigawad ko sa kaniya.
Malayo pa man kami sa booth ay nakita ko na ang dami ng estudyanteng nakapalibot doon. Mukhang mababasa talaga ako ng sobra-saobra ngayon. Agad naman silang napalingon sa banda namin nang dumating na kami sa booth.
“Ano pang itinutungatunganga mo diyan?” Napaitlag ako dahil sa lakas ng sigaw ni Aica.
“Umkayat ka na. Kung kanina ka pa dumating edi sana nabawi na natin ang lahat ng iginastos natin sa pagbuo ng booth na ‘to,” sabi naman ni Lorraine habnag nilaro laro ang dulo ng kaniyang buhok.
Kung tutuusin naman ay wala silang naging ambag sa paggawa ng booth na ito. Lahat ng iginastos at ang naghirap nito ay ang iba ko lang namang ka klase. Umakyat nalang ako sa platform para makapagsimula na.
Hindi pa man ako tuluyang naka-ayos sa platform ay may lumipad nang balloon patungo sa mukha ko.
“Ouch,” napahawak ako sa mukha ko dahil saktong tumama sa mukha ko ang balloon na may lamang tubig.
Kasunod ng pag-inda ko sa sakita ay ang malakas na hiwayan ng mga nakakita.
“Ritz ano ba?” Sigaw ni Carl.
Hindi nga ako nabasa pero napakasakit naman ng ilong ko, sakto kasing natamaan ang eyeglass ko, bago pa man iyon nahulog sa platform at nagkanda basag basag ay medyo bumaon pa iyon sa nosebrige ko.
“Opps, sorry. Akala ko simula na eh,” rinig kong sabi niya habang pinupulot ko ang glasses ko na nagkanda basag basag dahil sa ginawa niya.
“I thought your only good in playing football, pwede ka rin palang maglaro ng baseball. Ang galing mong mag pitch,” rinig kong sabi ng kung sino man yung babae na nasa tabi ni Ritz, hindi ko na kasi maaninag dahil basag na ang glasses ko.
“Ayos ka lang?” Tanong ng isa sa mga ka klase ko na nasa ibaba ng platform. Hindi na ako nakasagot pa dahil sa sigaw ni Avyanna.
“Ano pa bang inaarte arte mo diyan? Akala mo ba ikinaganda mo ‘yang pagbabagal mo? Pumwesto ka na sa platform.”
Habang ingat-na ingat sa paglalakad dahil sa sobrang labo ng aking paningin ay hawak ko sa kanang kamay ang nabasag kong salamin.
Papapasok ko pa lang ng dalawang kamay at ulo sa butas ng booth ay nabasa na ang mukha ko. Agad-agad na tinapunan ng isa siguro sa mga nakapila ang pako na nasa booth, at hanggang sa nagsunod sunod na halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng pagputok ng inihagis na balloon.
“Go take a bath ugly piggy,” chant pa ng mga manonood habang patuloy sila sa pagtatapon.
Simula ng tumapak ako sa platform ay hindi na ako nakapagpahinga dahil hindi talaga nauubusan ng gustong mabasa ako.
Hindi ko alam kung paanong ang sitwasyon kong ito ay parang isang nakakatuwang pangyayari para sa kanila. Habang tumatagal ay hindi na lang ang tubig ang kalaban ko. Dahil habang patagal ng patagal ay mas lalong tumitirik ang araw, kaya ang tubig at ang malakas na tama ng araw na ang iniinda ko.
“You’re too dirty to be part of the family Esrella,” sigaw ng isang babae, ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagdaloy ng tubig sa mukha ko.
“Ugly piggy, mamatay ka na sana.”
Then I heard pop kasunod doon ang paglandas ng tubig kasabay ng luha sa 'king mata. I heard people gasp at her statement pero nasundan din naman agad ng palakpakan at hiyawan.
Hindi ko alam na ganon pala ka laki ang galit sa akin dahil lang sa itsura ko. I smiled bitterly, buti na lang at hindi halata ang pagluha ko dahil sa basang basa din naman ako.
“Anong wala na? Hindi ba kayo naghanda ng marami? Marami pang gustong magtapon ng balloons,” narinig kong sabi ni Avyanna.
“Wala na talaga,” sagot naman ni Carl,”
“Ano ba ‘yan,” reklamo naman ng karamihan.
Natigil lang ang pagbato sa akin nang maubusan na ng balloons. Dismayado ang iba dahil hindi na sila nakahabol pa.
“Salamat,” sabi ko kay Carl nang bigyan niya ako ng tuwalya.
“May dala ka bang damit?”
“Meron naman.”
“Wait lang. Nasaan ang glasses mo?”
Ipinakita ko sa kaniya ang basag basag kong salamin.
“Oh my gosh. Anong gagawin natin diyan? May nakikita ka pa ba?”
Hindi magkandamayaw si Carl sa kung ano ang kaniyang gagawin.
“Relax ka lang, Carl. Malabo lang ang paningin ko, hindi naman ako bulag,” saad ko sa kaniya para kumalma siya.
“Ihahatid na lang kita sa itaas,” he volunteered.
“Ayos lang, Carl. Thank you, but I can manage,” sabi ko bago ko siya iniwan. Alam ko din naman kasi na marami pa siyang aasikasuhin dito.
Akala ko tahimik lang ako na makakapunta sa classroom para makuha nag damit ko at makapagbihis nang bigla na lang na may nagsitakbuhan pababa ng hagdan kaya agad agad ako na napatagilid pero napasobra yata ako at kinapos yung espasyo ng baitang kaya nawalan ako ng balanse. Buti na lang at napahawak ako sa railing kung hindi baka ay nagpagulong-gulong na ako pababa ng hagdanan. Kaya lang, yung isang paa ko masakit dahil hindi ako nakapagland ng tama. Para akong tanga na parang nakasabit sa railing habang iniinda ang sakit.
“Faster, baka hindi na natin maabutan ang game ni Magnus. You ugly piggy, tumabi ka nga huwag kang haharang harang sa daanan,” sabi ng isang babae na may dala dalang banner.
Nang nawala na ang mga nagtatakbuhang babae ay napaluhod na lang ako sa hagdan habang iniinda ang sakit ng natapilok kong paa.
“Can you stand up?”
Napatingala ako sa nagsalilta. Boses pa lang kilala ko na agad kahit hindi ko maaninag ang mukha.
Hindi pa man ako nakakasagot ay pinatayo niya ako bigla.
“Aray.” Napangiwi ako sa sakit. Hindi ako ready sa pagtayo masakit pa yung paa ko.
“Oh sorry. You’re injured,” sabi niya habang inaalalayan ako.
Hindi, umaacting lang ako dito sa hagdan.
“Ahh,” napatili ako dahil sa biglaan niya akong binuhat ng bridal style.
“What are you doing? Put me down,” sabi ko. Buti na lang at walang ka tao tao sa paligid.
Ano bang ginagawa ng isang ‘to dito. Kamuntikan na akong mahulog kanina sa hagdan dahil sa mga fans niya tapos ngayon andito pala siya.
“Ibaba mo ako.” Bago pa mana ko makapagpumiglas ay nagsalita si Magnus.
“Kumapit ka na lang, huwag ka nang magpumiglas dahil ang bigat bigat Mong buhatin,” hirap na sabi niya habang namumula nag leeg at mukha.
Nang maibaba niya ako sa isang upuan ay ganon na lang ang pagpapakawala niya ng hininga at paghilot niya sa kaniyang balikat. Ganon ba ako kabigat?
“Thank you,” pagpapasalamat ko pero hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya ta lalong lalo na sa takot.
“I did not help you. I helped other students. You occupied almost all space in the stairs kaya inialis ko lang ‘yung nakaharang,” sabi niya sa akin bago siya umalis.
Hindi pa man siya kalayuan sa akin ay naaninag kong nakasuot siya ng jersy. May game siguro siya kaya ganon na lang ang takbuhan ng mga kababaihan kanina.
Oo nga naman bakit namn ako tutulungan ng isang Magnus.
“Sir, umuwi po siya na paika-ika kung maglakad. Namamaga din po yung paa niya,” sabi ni ate Nelia na naakasunod kay kuya.
“What happen to you?”
Nang makita ko ang kuya ko ay agad ko siya na niyakap at humagulgol sa bisig niya. Para lang na nag flashback 'yung mga nangyari sa akin kanina.
“Kuya,” sabi ko kasabay ng aking mga hikbi.
Nang medyo tumahan na ako ay kumawala na ako sa pagkakayakap ko kay kuya. Agad din naman niya na tiningnan ang mamamaga kong ankle.
“Let me see,” sabi niya sa maingat na boses.
Ingat na ingat din siya habang ine-examine niya yung paa ko.
“You should’ve gone to the hospital, kung masyado talagang masakit,” pangaral niya sa akin.
“Naku, sir. Sinabihan na po namin ‘yan kanina pero nagpupumilit po kasi siyang ayaw niya,” sumbong ni ate Nelia.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni kuya.
May ipinakuha siya kay ate Nelia matapos niyang suriin ang paa ko.
“What happened?”
“Natapilok lang habang paakyat ako ng hagdan,” sagot ko. Umupo si kuya sa aking bed.
“And what happened to your skin? Bakit namumula ka masyado?”
“I joined many outdoor games, kaya nagkaganito,” pagsisinungaling ko.
“Ikaw?” hindi makapaniwalang sabi ni kuya na tinanguan ko lang. Nakita ko ang pagngiwi niya dahil sa hindi siya makapaniwala.
Dumating si ate Nelia at agad din na nilapatan ng compress ang paa ko. Tumawag din si mommy, nag-aalala pero agad din naman na huminahon.
“Huwag ka na lang kayang pumunta bukas?” suhestyon ni mommy.
“Mom, hindi pwede,” sagot ko naman agad. Kung kanina nga ay parang magwala na si Aica dahil sa na late ako paano pa kaya kung hindi talaga ako magpakita.
“Why not?”
“Kasi nag-eenjoy na po ako. I dont wannt to miss the fun,” kahit na wala namang ka enjoy-enjoy sa mga nagyayari sa akin sa paaralan.
“Go, go, go.”
Sinong niloko ko sa nageenjoy ako sa founding anniversary na ‘to. Eh ika-tatlong araw ko na itong nababasa ako ng paulit-ulit.
Ginawa pa nila akong katawa-tawa dahil minsanan nang tumulo yung sipon ko dahil sa grabeng pagkabasa ko sa tubig. Kahit na hindi naman ganon ka init ngayon at dahil na rin kahit papaano ay may nagmagandang loob naman na nag-iwan ng sunscreen sa table ko noong pangalawang araw. Kaya lang yung sakit ng tuhod ko naman ‘yung iniinda ko. Ilang oras na din kasi akong nakatayo dito.
“Ako naman,” boses iyon ni Avyanna.
“This is for your ugly face,” sigaw niya sabay hagis ng balloon. Napapikit ako pero napamulat naman agad dahil sa tawanan.
Iyong itinapon na balloon ni Avyanna kinapos pala.
“What’s funny?” galit na tanong niya sa mga tumawa. Agad naman sila na tumahimik.
Sa pangalawang hagis niya ay napapop niya ang balloon at nabasa na ako.
“Para ito sa pagpapahiya mo sa akin.”
Sandali lang kalian ko pa siya ipinahiya? Eh siya nga itong parating pinapahiya ako.
“This is for your pig body. Gosh ang dami mong fats sa katawan.”
“This is for your mangkukulam face.”
Sunod sunod niya akong tinatapunan ng balloon.
“Para naman ito sa kasalanan mong iniluwal ka sa mundong ito. I can’t deal seeing your ugly face everyday.”
Handang handa na akong mabasa kaya lang walang dumating na balloon. Pinanliitan ko pa ‘yung mata ko para makita kung ano ang nangyari.
“Who is she?”
“Ang lakas naman ng loob niya na pigilan si Avyanna.”
“OHH”
Rinig kong sabi ng mga taong nakakita.
“I’m willing to pay a thousand for that balloon,” napakunot ang noo ko sa aking narinig.
“I know you also hate that ugly piggy, miss pero, chance ko pa ‘to. Kung gusto mo mamaya ka na pagkatapos ko. You can hit her ugly face many time as you like.”
“Who says siya nag gusto kong tapunan ng balloon, eh ikaw yung gusto kong basain eh."