“What did you just say?” inis na anas ni Avyanna.
“Pangit na nga ‘yang ugali mo bingi ka pa? Ano na lang ‘yung natira sa’yo ganda?”
Medyo hindi ko kita kung anong nangyayari sa kanila. Natigil din ako sa pilit na pagmamasid, napa-ayos ng tayo at napalingon sa bandang gilid ko dahil may humawak sa siko ko.
“Wear this. Then bumaba ka muna mukhang matatagalan pa ‘yung pagtatalo nila.”
Kinuha ko mula sa kamay ni Magnus ang dating eyeglasses ko, kasi nasira nga ‘yung isa noong nakaraan.
“Ayos lang ba ‘yun?” tanong ko sa kaniya.
“Bumaba na lang tayo masyadong mainit. Wala ka na din namang gagawin doon.”
“But-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglaan niyang pagsasalita.
“You need to fix yourself,” he said with certainty, na para bang wala ako sa lugar na suwayin ang utos niya.
Natigilan ako at napalunok na lang ng laway dahil sa takot ko sa kaniya. Kitang-kita ko ang namumuong galit sa kaniyang itsura.
“Your brother is here. Unless you want him to see you like that edi bumalik ka doon sa platform at magpakabasa ka,” he said and left me alone.
Kuya is here? Hindi niya ako pwedeng makitang ganito.
“Don’t you recognize me b***h?”
Natigil ako sa pag-iisip ng gagawin dahil sa biglaang pagsigaw ni Avyanna.
“Sino ka ba?” sagot naman ng babaeng kaharap niya saka binalibag ang kamay ni Avyanna na kanina lang ay hawak-hawak niya. I can’t help but gasp dahil sa nasaksihan. Hindi ko kayang gawin ‘yun kay Avyanna.
“Eh isa ka lang namang walang kwentang bully na nagmamaganda,”
Avyanna threw the balloon full of water to the girl in front of her, but the girl managed to dodge it.
Hindi ko na nasundan ang sagutan dahil sa may kung sino ang lagay ng tuwalya sa balikat ko at gumiya sa akin palayo sa palumpon ng mag estudyante sa harap ng aming booth.
“Who are you?” tanong ko habang pinipilit na tingnan ang kung sino man ang nasa aking likuran.
“Magnus,” malimit na sagot niya lang.
Nang makita ko na tinatahak namin ang daan patungo sa kung nasaan ang CR ay kinabahan ako at huminto sa paglalakad. Kita ko ang pagdapo ng pagtataka sa kaniyang mukha.
“hehe,” I laugh awkwardly.
Nawala ang ngiti ko nang makitang seryosong-seryoso ang itsura niya. Inalis ko muna yung kamay niya na nakahawak sa akin at umatras ng konti palayo sa kaniya.
“Uhm,” hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko. Dapat ‘yung hindi halatang alam ko kung anong ginagawa niyang kalokohan sa CR ng paaralan namin.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid habang nag-iisip ng sasabihin at dahil sa takot na din na magkasalubong ang mga tinginan namin.
“You can leave me here, kaya ko namang ayusin ang sarili ko na mag-isa,” sabi ko sa kaniya.
Sa walang sabi sabi ay tinalikuran niya lang ako at naglakad papalayo sa akin. I sighed in relief akala ko ay kailangan ko pa ng mahabang eksplenasyon sa para lang mapa-alis siya. Inayos ko na lang ang tuwalya na nasa balikat ko bago tuluyan na umakyat para kunin ang damit ko sa locker at nang makapagbihis na.
“Have you heard Avyanna will be suspended.” Natigil ako sa pagbubutones ng damit ko dahil sa aking narinnig.
“Really?” tanong naman ng isa pang boses na hindi ko kilala.
“Yes, apparently the girl that confronted her took a video of Avyanna spouting negative words to Sol, nakarating sa headmaster.” Nanlaki angmata ko sa narinig. Totoo ba?
Narinig ko ang pagtigil ng tunog ng gripo. Ibig sabihin tapos na sa paghuhugas ng kamay ang kung sino man ang nasa labas.
“At eto pa, Ugly piggy’s brother showed up buti na lang…” buti na lang ano?
Hindi ko na narinig ang kasunod na kataga dahil sa umalis na ang dalawa.
Nagmadali ako sa paglabas sa cubicle, kinuha ko din agad-agad ang blower na nasa CR para patuyuin ang buhok ko. Hindi na ako magkandaugaga sa pagmamadali. Kung andito si kuya malamang kanina pa ‘yun tumatawag.
Saktong paglabas ko sa CR bumungad sa akin si Magnus na akmang binubuksan ang pinto ng CR.
“Magnus,” ang tanging nasabi ko na lang dahil sa gulat. Manyak ba ang isang ‘to.
Hindi ko man lang nakitaan ng gulat ang istura niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko sana na tubunan ng kamay ang katawan ko pero wala ako sa lugar para gawin 'yun. Sa itsura at taba kung ito alam kong never na never akong pag-iinteresan ni Magnus. Not that I want him to be interested in me, it's just that suntok sa buwan kung mag-iisip ako ng ganoon.
“What are you doing here?” nagtatakang tanong ko at napatingin pa sa paligid ko, buti na lang at walang namang napapadang tao.
“Ang tagal mo. I was about to check baka kasi nahimatay ka na o kung ano na ang nagyari sayo,” sabi niya. Concern ba siya sa akin.
Lumayo siya sa pinto kaya lumbas ako ng CR at isinara na ang pinto sa likod ko.
“Ano Magnus nandiyan ba?”
Agad naman nawala ang salitang concern sa isip ko nang magsalita si Aica sa likod niya. Kulang na lang tumakbo ako pabalik sa loob ng CR nang magpakita siya sa akin.
“Anong tinutungatunganga mo diyan? Pinaghahanap ka ng kuya mo. Huwag na huwag kang magkakamaling ibuko kami,” galit na bulong ni Aica at padaklit na kinuha nag braso ko habang binabalaan ako.
Bakit ko nga ba naisip na may konting kabaitan pa na natitira sa pa cool na Magnus na ‘to para sa gaya kong isang bully. Hinanap lang naman ako ng mga ‘to para isalba ang sarili nila.
“Siguro ay kasama mo ‘yung nagpahamak kay Avyanna ano?” pagduda sa akin ni Aica.
“I don’t know her,” sagot ko sa kaniya. Kahit ako nga ay nagulat sa ginawa ng babae kanina.
Napabaling ako sa isang babae na papasok sana sa CR, pero nang makita ako at ibang kasama ko ay umalis lang din siya.
“Ano pang hinihintay mo? Mamayat ka sa kakatayo dito? Puntahan mo na ang kuya mo, at binabalaan kita, isang maling salita mo lang you’ll see hell,” maka-isang ulit pa ni Aica na pagbabanta sa akin.
Tumabi naman sila para makadaan ako. Una kong binalikan ang cellphone ko na naiwan ko sa aking bag . Hindi naman ako nagkamali, may missed calls nga galing kay kuya.
Tinext ko na lang si kuya na nasa cafeteria ako. Nagmadali din ako sa pagbaba para makapunta sa malapit lang naman na cafeteria.
Habang nagmamadaling tinatahak ang daan patungong cafeteria ang halos lahat na usap-usapan ng mga kamag-aral ko ay ang nagyaring komusyon kanina sa harap ng booth namin.
“That girl had a gut to do that to Avyanna. Ang lakas ng loob niya.”
“I even thought that they would start a catfight.”
“Ang cool ng babaeng ‘yun. Sayang nga lang hindi man lang nagkapisikalan.”
“Avyanna will surely not win. Have you seen the girl dodge Avyanna’s move? She’s hot men.”
At madaami pa akong narinig na bulong-bulungan.
“Hindi nga lang natuloy kasi dumating si Luan.”
Napalingon ako sa grupo ng mga babae dahil sa narinig ko ang pangalan ng kuya ko. Kita ko naman ang pagsiko ng kasama niya nagsalita dahil sa pagdating ko. Agad na umiwas ng tingin ang babae at sumubo na lang ng hawak niyang burger.
Hindi ko na lang sila pinansin at iginala ko na lang ang tingin sa paligid para hanapin ang kuya ko, but I guess he’s still not here. Habang mahigpit na hawak ang wallet at cellphone ay naglakad ako patungo sa ice cream stand.
“Isang toffee flavor po,” sabi ko.
Iaabot ko na sana ang bayad ko nang may naunang magbayad para sa akin. Tininganan ko naman kungg sino ‘yun at napangiti agad ako nang makitang si kuya iyon.
“I’ve been looking for you everywhere, hindi kita mahanap hanap. Kulang na lang ay magpunta ako sa lost and found. What’s the use of your cellphone anyway kung hindi mo naman sinasagot ang tawag ko?” mahabang sabi ni kuya habang kumakain ako ng ice cream ko sa harap niya.
“Nagliwaliw lang sa loob ng campus kuya. There’s a lot to do, hindi ko namalayan na naiwan ko pala ang cellphone ko. Sorry,” paliwanag ko sa kaniya.
Pinalampas lang din naman iyon ni kuya at tila naniwala naman sa akin. Kinakabahan lang ako kasi nasa amin ni kuya ang atensyon ng karamihan at baka rin narinig niya ang mga bulong-bulungan ng iilan, pero sa tingin ko naman ay hindi.
“Let’s go,” pag-aaya ko kay kuya nang matapos ako sa pagkain. Pero bago pa man siya sumunod sa akin ay inabutan niya muna ako ng panyo.
“How old are you again? 14 or 13? Kasasabi lang ni mommy na mature ka pero madungis ka pa rin naman sa pagkain." Inilabas niya ang cellphone niya at inilahad sa harp ng mukha ko. Nakita ko sa repleksyon na may sobrang liit lang naman na dumi sa gild ng aking labi.
Sinamaan ko nang tingin si kuya pero nagtaas din siya ng kilay, hindi nagpapatalo. Pagalit ko na kinuha mula sa kaniya ang panyo para punasan ang mukha ko.
Palabas na kami ng cafeteria ng sabay kami na napahinto ni kuya dahil sa babeng napadaan sa gilid namin pero binalikan pa talaga kami.
“Ikaw?” sabi ng babae habang tinuturo ako. Laking gulat ko nang mamukhaan ko siya.
Maliit na mukha, medyo singkit na mga mata, matangos ang ilong, purmadong kilay, at cupid bow lips na halatang natural na kulay pink. Medyo mamula mula din ang kaniyang pisnge dahil siguro sa init sa labas.
“You know her?” tanong sa akin ni kuya.
Nang magawi ang tingin niya sa nagsalitang si kuya ay napangiti siya. Pero agad din naman na ibinalik niya ang tingin niya sa akin.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya.
“Huh?” maangmaangan kong sagot sa kaniya.
“Kanina kasi-”
Hindi ko na siya hinayaan pa na tapusin niya ang kaniyang sasabihin at agad ko siyang nilapitan at ipinulupot nag kamay ko sa braso niya.
“Hahahaha” akward na tawa ko.
Nakataas ang kilay ni kuya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Kita ko naman ang pagkunot ng noo ng babae, halatang nagtataka.
“Sigurado ka bang ayos ka lang? Kanina kasi-”
“HAHAHAHAH,” mas malakas na awkward na tawa ko para mapatigil siya sa pagsasalita.
“Who is she?” tanong ng kuya ko na halata ang pagtataka sa itsura.
The girl was about to say something pero hinila ko ang kamay niya at nauna nang magsalita.
“She’s a friend. A good friend, kuya.”