Chapter 2

2146 Words
Natasya POV Mula sa malayo tanaw ko ang sasakyan niyang papalayo. Yakap ko sa aking dibdib ang ibinigay niyang inumin sa akin. Parang kasama niya buong pagkatao ko doon. Ang bilis ng t***k ng puso kong dala-dala niya. Pigil ko ang hininga ko habang pinagmamasdan siyang unti-unting lumiliit sa aking paningin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa gitna ng maraming sasakyan. Niyuko ko ang malamig na bote, ipinaikot-ikot ko ang buong palad ko dito. “Hindi mo lang alam kung gaano kita na-missed. Salamat sa tubig na ibinigay mo. Masaya ako pero masakit din. May kasama ka ng ibang babae.” anas ko dito kahit na. . . Dahil ito lang naman ang kaya kong gawin, ang kausapin siya sa aking isip. Ilang beses kong paulit-ulit na hinaplos ang mga butil ng tubig sa bote. Inaalala ang mukha niya, ang lahat sa kanya. Baka asawa na niya kaya ‘yon? Baka masaya na sila? Sigurado iyon. Hindi na pupunta pa ulit iyon sa bar for sure kasi taken na siya. Nakakainggit naman. Ang sweet pa ng tawagan nila sa isa’t isa. Love. Sana all, love. Tsk! Bitter na naman ang emote-an ng peg na ‘tin! Tara na nga self at nang makauwi na. Magre-ready pa tayo para sa mamayang gabing party. Mas kailangan na ‘tin ngayon kumita kaysa sa pagpapantasya sa liwanag. Muli kong pinasadahan ng tingin ang daang tinahak niya. Ngumiti ako ng tipid sa kawalan. Naglakad ako pauwi sa bahay para makapagpalit ng damit. Kailangan ko rin bisitahin si inay para maibilin ang kanyang pag-inom ng gamot. Habang papauwi. Hindi naalis sa isip ko ang itsura niya. Ang inaasam-asam kong muling mahawakan siya. Mayakap. Ang mga braso niyang gustong-gusto kong pisilin. . . “Nat!” napabalik ako sa mundo dahil sa sigaw ni Aleng Chona. Patay! “Uy! Hanep, Aleng Chona. Bakit parang lalo ka yatang gumanda? Ang ganda ng pagkakaahit mo sa kilay mo, ah? Baka naman pwede paahit din ako?” masiglang puna ko. Hinawakan ang sarili kong kilay para ituro ito. “Oo, aahitin ko talaga iyang bulbol mo kung hindi mo ibibigay ang hulihan mo sa tindahan ko! Aba? Hindi ako nagtitinda para lang ibigay sa inyong mag-ina, ah.” Banta niya. Malakas na pinatunog sa kanyang kamay ang hawak niyang abaniko. “Aleng Chona . . .” Itinaas niya ang kanyang isang kamay kaya napatigil ako sa sasabihin ko. “Huwag mo na ako mabola-bola sa ganyang ipinagbabawal na tiknik mo. Luma na ‘yan, Natasya.” ismid niya. “Naku, si Aleng Chona naman.” Hinawi ko ang buhok ko sa aking balikat. Inartehan ang pinagkakautangn namin sa tindahan. "Wala po akong ipinagbabawal na teknik, talagang gipit lang ‘ho ako.” “Lagi ka naman gipit.” Napakurap-kurap ako sa katotohanang saad niya. Oo nga naman. Umayos ako ng tayo, ngumiti nang matamis sa kanya. “Kaya nga po lagi mo dapat ako pagbigyan kasi nagigipit po ako talaga. Babayan naman kita, Aling ganda sa pinakamaganda sa Brgy. Maligaya.” Pinasigla ko ang huling sinabi. Itinaas ang dalawa kong kamay na parang isang nanalo sa loto. Sana, manalo din ako sa pambobola sa kanya! “Aysus! Bibigyan kita ng isang linggo. Kung hindi mo pa mabayaran ang sandamakmak na listahan ninyong mag-ina sa akin. . . magkita na lang tayo sa Barangay Maligaya nang doon kita makalbo.” Banta niya. Iniwanan niya ako ng isang irap at ismid. Bumuntong hininga ako. Alam ko sa sarili kong malabong mabayaran ko siya sa araw na nais niya. Bahala na si Bruce Wayne sa amin ni nanay. Kung susumatahin ko lahat ng kailangan kong bayaran sa buwan na ito, mababaliw ako sa laki ng halaga. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera. Kahit pa ibenta ko ang katawan, kaluluwa ko ngayon . . . kulang na kulang pa rin. Dahil sa baba ng halaga ko, baka nga mas mayaman pa sa akin ang daga. Isang himala na lang talaga ang kailangan ko. Lahat ng raket papatusin ko na basta makabawas lang sa mga bayarin. “’Nay?” ibinaba ko ang mga dala kong gamit sa mahabang plastic na upuan. “Nandito na po ako!” sigaw ko. Sinilip ko siya sa kusina ngunit wala ito. Hinawi ko rin ang kurtinang nagsisilbing tabing sa kwarto niya ngunit walang tao doon. Malinis din ang pagkakaayos ng kanyang higaan, halatang walang nahiga doon. Nasaan kaya siya? Lumabas ako sa likurang bahay, bigo ko din siyang makita doon. Napapalatak ako. Pinunggos ko ang buhok ko para makapagluto na nang aming kakainin ngayong gabi. Nagtungo ako sa kalan para bulatlatin ang kaldero. May kaunti pang kanin na lamig at sapat na iyon sa amin dalawa ni nanay. Sa ulam . . . nagtingin ako sa mga kabinet. May delata pa, sakto! Lumapit ako sa lamesa, tinaas ang plastic na takip nang ulam. May tira pa si nanay na ulam mula sa kaninang umagang almusal. Pwede na ito pang dagdag. Nag-umpisa na akong maggisa ng sardinas nang makarinig ng sunod-sunod na pag-ubo. Mabilis kong ibinaba ang sandok para salubungin siya. “O, nandiyan ka na pala. Naunahan mo na ako m-magluto.” Ubo siya nang ubo. Tinatakip niya sa kanyang bibig ang puting bimpong nakasabit sa kanyang balikat. “Nanay, saan ho ba kayo nagpunta?” Mabilis akong lumapit sa kanya para daluhan siya. “Basang-basa po ang likod niyo kaya kayo iniihit ng ubo, e.” nangamba ako. Agad akong tumakbo sa kanyang kwarto at kumuha ng bagong bestida pamalit. Panay naman ang awat niya sa akin. “Lalo lang ‘ho kayo magkakasakit niyan kung hindi kayo magpapalit. Ito na po,” basang-basa ang damit niya nang kunin ko ito nang naibaba niya sa lamesa. Maging sa laylayan basa din at parang alam ko na kung bakit. Naiinis ko siyang tinignan. “Huwag mo akong tingnan nang ganyang bata ka.” maktol niya. “Saan naman ‘ho kayo naglabada, ‘nay?” Lumapit ako sa niluluto ko para haluin ito. “Sabi ko naman ‘ho sa inyo na magpahinga na lang kayo dito sa bahay at ako na ang bahala sa lahat. Kaya ko naman, ‘ho. Pero sa katigasan ng ulo niyo. . .” Napatigil ako sa pagsesermon sa kanya nang harapin ko siya. Agad na gawi ang tingin ko sa perang nakahilera sa lamesa. Nakangiti si nanay na nag-aabang sa magiging reaksyon ko. Gulat at nagtataka. . . siyempre! Na galit pa rin sa ginawa niya. “’Nay naman, sagot!” Nagpapadyak ako sa inis. “Alin ba!?” balik sigaw niya sa akin. “Saan ‘ho kayo naglabada at bakit may one-five ka, ‘nay?” humalukipkip ako na nakatitig sa kanya. “Huwag mo sabihin ‘nay na nangutang ka na naman. Pakiusap po. Hindi tayo makakaahon niyan.” “D’yan lang kila Belen. Sisingilin ko sana ang anak niya sa hulihan niya sa akin. Kaso ang bruha, isang libo lang ang ibinigay. Samakalawa na daw sabi ng gaga. Ang swerte din ng babaeng iyon na ‘no? Kahit ‘di naman kagandahan e, nakasungkit ng Afam. Sana all!” Sa nahihirapang pag-ubong aniya. “Kaya lang wala yatang laman ang bulsa noon. T*te lang ang dala niya. Hindi man lang mabayaran utang niya sa akin na apat na libo.” maktol niya. Hinaplos-halos ang kanyang naninikip na dibdib. Umirap ako. Binigyan siya ng tubig mula sa pitsil namin na nasa harap niya. Handa na sanang sermonan nang magsalita siyang muli. “Nagprisinta na rin ako maglaba ng mga madudumi nilang damit.” Uminom muna siya sa ibinigay ko. Nagmamadali pa nga para makapagkwento na siya. Tsk! “Habang naglalaba nga ako naririnig ko ang kanilang mga ungol. Kala mo e, kinakatay! Sabay sila naligo ako naman na sa labahan at rinding-rindi ako sa kakaungol—” Agad kong pinutol ang kanyang sasabihin. “’Nay, may sakit—” Ngunit, pinatahimik niya din ako muli. “Hindi marunong umungol ang anak ni Belen. Kulang pa! Akala mo e, bakang kinakatay. Okay pa iyong pusang naglalandi, e. Kaso baka! May pa . . . ohh, s**t! Come to me papa, pang nalalaman. Buset!” Napakamot ako sa aking sintido. Sumandal sa plywood naming dingding. “Paano na lang nanay kung lumala iyang sakit mo? Wala na ‘ho tayo. Walang wala na!” puno nang inis kong saad. Nagpamaywang at tumingala. Nang ibaba ko ang tingin sa nanay ko. Gulat siyang nakatingin din sa akin. Gulat sa pagsigaw ko. Sa huli, binalingan ang perang nasa harapan niya. Itinuro ito. “I-ibawas mo na iyang isang libo sa mangkukulam na Chona na iyon. Tapos iyang lima, sa ‘yo na. Ibayad mo doon sa sinasabi mo kay Elec-Danie.” Nginitian niya ako. “Nanay naman!” “Anak, hindi ako palamunin. Kaya kong magtrabaho. Napakawalang kwenta ko namang ina kung hahayan lang kitang pasanin ang lahat ng problema. Gaano na ba ako kabigat sa ‘yo?” “Hindi naman ‘ho kayo pabigat, ‘nay. Ayaw ko lang na nagkakasakit ka.” Lumakad ako’t niyakap ko siya nang mahigpit. Nag-sorry sa ginawa kong pagsigaw. Sa pagod at sa dami ko nang iniisip, sinong hindi madaling mairita? Siya na lang ang meron ako e, tapos ganito pa siya. Matigas ang ulo. “Pinangako ko sa ama mo noon na hindi kita papabayaan at gagawin ko ang lahat maiahon lang kita sa pusakal na buhay na ito pero. . . ito, nandito pa rin tayo. Ikaw ba magmamana sa pwesto ko? Sa career na tinatawag nilang trabaho ng mga madudumi at mababang lipad na uri ng babae?” Lumayo siya sa akin. Tinignan ako ng masama. “Gusto mo ba iyon? Halos araw-araw ko na ngang dala-dala sa puso ko iyong unang beses kitang makitang nagtrabaho sa bar. Dapat ikaw iyong mga kagaya ng mga teenager d’yan na walang ginawa kung hindi magbulakbol, magpaganda, habulin si crush. . . pero hindi. Nasa bar ka, nagtatrabaho, para sa akin. Inaala at pinapasan ang trabaho na dapat ako ang gumagawa.” Puno nang sakit na saad niya. Yumuko ako, umiwas nang tingin sa kanya. Bata pa lang ako maliwag na maliwag sa akin ang landas na meron kami. Ang ama ko isang dishwasher sa Starlight Bar na pinapasukan ko ngayon. Si nanay naman, gaya ko, isang pokpok. Hindi masakit ang salitang iyan sa akin. Iyan kasi ang katotohanan? So, bakit ako mahihiya? Iyan ang nagbigay sa akin ng gatas, pagkain at sa hanggang ngayon. . . dito kami nabubuhay. Madaling sabihing madaming trabaho diyan na pwede kong pasukan. Iyong katanggap-tanggap. Iyong moral. Legal at higit sa lahat, maayos. Pero wala, e. Gustuhin ko man, wala, e. ‘Yan ang bumubuhay sa aming mag-ina. ‘Yan na nga ang naging playground ko noon pa, pa hanggang sa ngayon. Ibang klaseng laro nga lang ngayon. Namatay ang tatay ko noon sa isang sakit. Wala akong magawa, bata pa lang ako noon, e. Nakikita ko siyang hindi makahinga at namimilipit sa sakit. Hanggang sa clinic lang ang kaya ni nanay noon, Hanggang sa nawala siya sa amin. Hindi na niya nakaya pa ang sakit. Iniwan niya kami ni nanay ng kaming dalawa na lang ang magtutulungan. Wala kaming ibang maasahan noon. Sampong taong gulang pa lang ako noon at wala pang kayang ibigay na tulong. Ipinangako ko sa sarili ko na paglaki ko, iaahon ko si nanay sa ganitong klase ng buhay. Ilalayo ko siya sa mga taong inahamak ang pagkatao niya. At ipapadama ang lahat ng ginhawang hindi namin natamasa kailan man. Kaya ako ito, takot na takot. May sakit ang nanay at pa sa hanggang ngayon, hindi pa rin gumagaling. Pinapalala pa niya. “Nanay, kakayanin ko ‘ho lahat. Hindi ako nagsisisi na pumasok ako sa ganitong klaseng trabaho, kasi naipagamot kita. Natulungan kita. Huwag ka lang mawala sa akin kagaya ni tatay. Kaya please po, magpagaling ka at huwag matigas ang ulo mo, o.” sermon ko na ikinatawa niya. “Ang drama mo e, ‘no?” Tinapik niya ang balikat ko. “Niluluto mo, amoy sunog na.” Natatawa niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanyang balikat. Inabot ang tubig niya habang ako, mabilis na pinatay ang kalan, just in time, hindi pa naman gaanong sunog. Natuyuan lang. “Salamat, ‘ho.” mahinang paliwanag ko sa kanya. Ngumiti. Pinunasan ang mga luha ko. Nakita ko din siyang ganoon din ang ginawa. Patago pa nga, pakunwari. Siya lang talaga. Kami lang talaga ang magtutulungang dalawa sa mundong ito. Mapa-ginhawa man iyan o kalungkutan. Kahit na anong mangyari, gagawin ko ang lahat para lang sa kanya. Hindi ako mapapagod. Nagpapasalamat ako na siya pa rin ang ina ko. Ang naging ina ko. Kahit na – mga Magdalena lang kami na sinusubok ng pagkakataon at mga problema sa buhay, kakayanin pa rin namin ang lahat para sa mga taong minamahal namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD