bc

SIRIUS

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
dominant
boss
heir/heiress
twisted
bxg
office/work place
high-tech world
prostitute
seductive
like
intro-logo
Blurb

Natasya is a good student and diligent scholar at their university. She is beautiful and modest, but behind it, she is a poor young woman with a dirty little secret. She was lined up every night to seduce a man to earn money to treat her sick mother.

"Touch me. Take me to bed. Shower me with money. ” those are her mantra.

But— in unexpected circumstances, there was the man who would be ready to shower her with money. Ralus Calisto Montefalco. They call him Mr. Perfect. A rich man and the son of a politician.

Could he be her new money pot with extra service?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Natasya POV “Ma, maupo na lang po kasi kayo doon. Ako na d’yan! Sinangag lang pala yakang-yaka ko na po iyan.” Kinuha ko ang hawak na sansi ni mama. Ang kulit talaga! May sakit na nga, ayaw pa paawat. “May pasok ka pa ngayon. Ako na. Alis!” taboy niya sa akin. Bumuntong hininga na lang ako. Walang magawa. Ayaw ko naman na ipilit dahil alam kong hindi ako mananalo. Umupo ako sa plastic na upuan kaharap ang dalawang piniritong itlog at kape. Masakit pa rin ang likod at mga binti ko sa magdamag na nakatayo at nagse-served ng mga inumin. Tapos ngayon ito, papasok ako sa eskwelahan at namomoblema. Wala pa rin kasi akong pambayad sa tuition ko. Exam na namin sa susunod na araw kaya naman sumasakit ang buong pagkatao ko sa lahat ng problemang financial ko. “Kamusta pala iyong costumer niyo kagabi? Bigatin daw iyon, ah?” Pumangalumbaba ako sa lamesa. Tinitingnan si mama na isinasalin ang niluto niya. “Ayos lang po, ma. May tip naman. Kaso purnado sa malaking tip.” anas ko. Sumimangot nang maalala ang nangyari kagabi. Sa buong gabi, wala kaming ginawa kung hindi pasiyahin ang mga parokyano ng bar. May party doon sa VIP room kung saan ginanap ang birthday party ng isang intsik na ubod naman nang kuripot. Sayang pa ang mga nahipo niya sa akin kagabi. Tsk! Tapos ayon, lahat kami nganga. Akala ko nga matatapos na ang problema ko kagabi, e. Kaso wala pala. Sabagay, okay na rin ang isang libo. Pang gamot din ni mama iyon at pambili ng ulam namin ngayong araw. “Ganyan talaga ang mga instik. Mahirap sila maglabas ng pera.” Umubo siya habang sinasabi ito. Nag-alala ako, kinuha ko ang baso at sinalinan iyon ng tubig mula sa pitsel. “Mama, ayos ka lang po ba? Ininom niyo po ba kagabi ang iniwan kong gamot ninyo?” “O-oo.” saad niyang tumatango-tango. “Meron pa d’yan sa ibabaw ng estante. Sa susunod anak, iyong mura na lang, branded itong binili mo sa akin. Nakakapanghinayang inumin.” “Para mas mabilis kang gumaling, ma! Mamaya pag-uwi ko dadaan ako ng butika para bumili muli.” Hinagod-hagod ko ang likod niya. Patuloy siya sa pag-ubo. Tuyo’t ang ubo niya, medyo gumagaralgal din ang boses niya. Masakit ito sa dibdib at lalamunan. “Huwag na! Napanood ko sa Youtube na pwede makuha ito sa luya at maligamgam na tubig lang. Ayon nga, oh. Naka-painit na ako ng luya. Pakuha na lang doon, anak.” Sinunod ko ang ipinag-uutos niya. Kumuha ako sa tasa at inilagay ito sa tabi niya. Naupo ako sa tabi ng nanay kong namumutla. Hay! Ano ba ang gagawin ko para gumaling siya? Ilang araw na rin siyang ganito at pabalik-balik ang lagnat. “Bilisan mo na kumain nang makapasok ka na. Tatanghaliin ka n’yan.” paalala niya sa akin. Wala akong nagawa kaya bumuntong hininga na lang ako. Baka mapagod lang siya pagnagtalo pa kami. Nag-aalala talaga ako sa kanya. Huwag naman sana lumala ang kararamdaman niya. Noong nasa high school pa lang ako, madalas na siyang nagkakasakit at iyon nga ang dahilan kung bakit ako napasok sa ganitong klaseng trabaho. Kami na lang dalawa ang magkatuwang sa buhay. Kami na lang ang magdadamayan at magmamahalan. Wala na akong ama, namatay siya noong bata pa lang ako. Kaya si Mama na lang ang bumuhay sa akin at sa hanggang sa ngayon kumakayod kahit na may nararamdaman. Papasok na ako ng gate ng aming eskwelahan nang makita ang mga ka-grupo ko sa isang subject namin. Umiwas ako ng daan para ‘di nila ako makita. Parang tanga lang! Kahit naman iwasan ko sila, magkikita’t magkikita kami mamaya sa klase. Nasa iisang school lang kami, building at course lang kami kaya malabo ko silang maiwasan. Tsk! Makikiusap na lang ako para pautangin muna nila ako ulit. May group project kami at magastos ito. “Nat!” Napalingon ako sa kaliwa ko nang marinig ang boses ni Ana. Siya ang kaibigan ko dito sa university. Nursing ang course niya. Ako naman ay Business Management. Nasa unang taon na ako ng kolehiyo at parang mauudlot na naman ang pagpasok ko sa susunod na sem. Hay! Kailan ko pa kaya matatapos ang pag-aaral ko? Isa man ako sa mga scholar ng unibersidad namin, may mga bayarin pa rin na wala sa budget ko. “Uy! Musta?” Kumapit siya sa braso ko at ipinakita ang hawak niyang isang maliit na human body figure. Project niya. “Ito, masaya. Sa wakas natapos ko din.” “Mabuti ka pa. Ako kasi baka tanggalin na nila dahil wala akong na ishi-share sa kanila.” pag-aamin ko. Nakakahiya naman kasi sa kanila na lagi na lang ganito ang ginagawa ko. “Naku, maiintindihan ka din nila.” Nginitian niya ako ng ubod ng tamis. Ganito naman siya lagi, e. Kahit hirap na hirap na sa buhay, laging pa ring nakangiti. Full scholar si Ana at nagpa-part time job din siya ng mga school works ng mga kapwa namin istudyante. Siya ang bedwinner ng kaniyang pamilya kaya kailangan niya din kumayod pansarili para sa kanyang pag-aaral. “Ang hirap maging ferson,” pagbibiro ko. Nagtawanan kami hanggang sa makarating sa building ng course ko. Nagpaalam ako sa kanya na mauuna na. Nasa kabilang side kasi ang building ng mga medical courses. Sa araw-araw na pagpasok ko, nananalangin ako na sana walang makaalam ng mabahong lihim ko. “Good morning, class!” bating dating ng aming lalaking professor. Ngumiti ako ng tipid kina Jasmine, ka-grupo ko ng maupo ito sa aking harapan. Ngiti nga ba o ngiting alanganin? “Since matatapos na ang semester na ito, magkakaroon kayo ng isang semi-thesis. Kailangan niyo mag-survey, kumausap ng mga business owner na nagsimula sa mababa at ngayon ay nasa middle business na. Nakakaangat at patok ang kanilang mga produkto sa masa. Gawan niyo ito ng report, dapat kumpleto base sa napag-aralan na ‘tin ngayon. Bibigyan ko kayo ng dalawang linggo para matapos ito. Same group pa rin. Kung may mga katanungan kayo, lumapit lang kayo sa akin. Remember class, do all your best. That’s all class dismissed.” Natapos ang isang subject namin na antok na antok ako. Pumipikit na ang mga mata ko habang nagle-lecture ang aming prof. Ngunit nagising ang diwa ko nang marinig ang sinabi niya. Gastos na naman! Hay! Hindi pa nga natatapos ang ibang gastusin nadadagdagan na naman. “Natasya?” Napataas ang tingin ko kay Jasmine. “Hmm?” Ito na ‘yon. Ihahanda ko na ang nakakaawa kong ngiti. “Kukunin ko sana ang share mo sa project na ‘tin. You know, may bago na naman tayo pagkakagastusan.” “Ahm, Jasmine, kasi. . . pwede bang sa susunod na araw na lang? Wala kasi ako ngayon, e.” pakiusap ko. “S-sige, pero sana this week, ano? Next week kasi busy na naman tayo sa pagpa-plano ng thesis na ‘tin at since ako ang leader ninyo, sa Saturday may group meeting tayo. Okay? Sa condo ko na lang.” Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nagpasalamat. Nagsilapitan na rin ang mga ka-grupo namin sa aming pwesto at nag-usap-usap para sa meeting na sinasabi ni Jasmine. Umingay sa buong klase sa pagsasama-sama ng bawat grupo. Napangiwi na lang ako. Ang iba ay excited. Ang iba naman ay problemado dahil sa schedule. Samantalang ako. . . gusto na lang umuwi para ‘di ko marinig ang kanilang mga usapan. Matulog at kahit sandali madala ng aking mga panaginip sa magandang alaalang iyon. Ang hirap maging mahirap pero dahil sa paghihirap na iyon, nakilala ko siya. At itutuloy na lang ang mga alaalang iyon sa panaginip ko. “Ms. Santos!” Napapunas ako sa labi ko nang bigla akong magulat sa pagtawag sa pangalan ko. “Yes! Yes! Forty-six po sir— ma’am.” natatarantang sagot ko habang inaayos ang naglalagkit kong buhok. Nagtawanan ang mga ka-klase ko na nakatingin din sa akin. Mangha sa kamangmangan ko. “Mabuti ka pa Ms. Santos may time ka pa para matulog sa klase ko. Nakakahiya naman sa kanya class, na istorbo yata na ‘tin ang magandang tulog niya.” Yumuko ako sa sinabi ng professor ko. “Sorry po,” mahinang anas ko. Gusto kong tumalon na lang sa salaming bintana ng kwarto namin sa labis na kahihiyan. “Answer the problem on the board, Ms. Santos.” Tatlong beses niya pinatunog ang marker sa whiteboard. Hala, g*go! Chemistry. Bakit ba kasi ako nakatulog sa klase ko? Paano na ito ngayon? Gusto kong maiyak habang kinukuha ang marking pen na nakalahad sa kamay ng professor ko. “Ms. Santos? Baka naman kami na ang makatulog niyan sa tagal mong sagutin ang simple problem na iyan.” Patuksong bitiw niya. Nangingiyak na lumingon ako sa kanya. Umiling ako. Hindi ko talaga alam ang sagot kahit na anong piga ko sa utak ko. Ngayon lang niya nai-discussed ito tapos nakatulog pa ako. Ang malas ng araw na ito para sa akin. Hay, wala na bang mas gaganda pa dito? “Okay, last warning. Huwag nang mauulit pa ito, Ms. Santos.” “Opo,” Nakangisi ang mga ka-klase ko nang madaanan ko sila paupo sa aking upuan. Nagbubulungan ang iba sa kanila. “May laway ka sa pisngi mo.” pabulong na inporma ni Jasmine nang matapat ako sa upuan niya. Itinuro niya ang mukha niya kung saan may laway nga daw ako. Mabilis kong kinuha ang panyo ko sa bulsa ng palda ko. Ipinunas ko ito sa mukha ko. Tinago ko sa libro ang salamin para sipatin ito kung meron pa. Nakakahiya! Habang lulan ako ng jeep lumilipad na naman ang isip ko. Gabi na naman at trabaho na naman. Pupunta kaya siya? Ilang buwan na ba nang huling punta niya doon? Bakit parang taon na ito sa akin? “Para po!” Nagulat pa ako nang i-abot sa akin ng ale ang kanyang bayad. Kanina pa pala nagtatawag ito sa akin. “Binge,” anas niya bago bumaba ng sasakyan. Tama na ang kalutangan ngayong araw, Natasya. “Miss, pabili ako ng Solmux.” Tumango ang pharmacist at tinanong ako kung ilan. Pagkakuha niya sa bayad, lumakad ito patungo sa cashier. Naghintay ako ng ilang minuto para makuha ang binibili ko. Pinagmamasdan ang ibang estante ng mga cookies sa likod ko. Mukhang masasarap ang mga ito. Meron din mga tsokolate. Naglaway ang bibig kong nakatingin sa mga ito. Pangako, pagnagka-extra ako bibili ako ng mga ito. “Do you have a fast and effective pain reliever, Miss?” Wow, English! Ang sarap sa tinig ng pagkakabigkas niya ng mga salitang ito. Alam na alam mong sanay na sanay siyang gamitin ang lengwaheng ito. Lumingon ako sa matangkad na katabi ko. Mula paa, pataas. Paa pa lang nag-uumapaw na sa mala-goodiest niyang katawan. Nanlaki ang mga mata ko at biglang napaubo. Tumalikod ako para matago ang mukha ko. Alam kong napalingon siya sa akin. Kabado ako bente sa presenya niya. Nandito siya! Siya! Hala, anong gagawin ko!? “Are you okay, Miss?” Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. Bakit hindi ko nakilala ang boses niya!? “O-opo, na-na ubo lang po,” utal-utal na sagot ko sa kanyang tanong. Akala ko aalis na siya nang bitawan niiya ang balikat ko. Ngunit kumuha pala siya ng malamig na inumin sa isang refrigerator na naroroon. Inabot niya ito sa akin at muling hinawakan ang balikat ko. Ibinaba rin nito ang kanyang ulo para maaninagan ang mukha ko. “Have this, Miss.” Bahagya niyang hinagod ang likod ko habang sinasabi ito. Ako naman parang natuos sa kinatatayuan ko. Hindi makakilos. Hindi ko magawang lumingon sa kanya. B-baka makilala niya ako. Nagpa-panic ang buong sistema ko ngunit. . . Nami-missed din kita. “S-salamat.” Inabot ko ang inumin na binibigay niya. Saka tumalikod. Mas tinago ko ang mukha ko sa kanya. Kahit gusto ko siyang titigan, hindi ko magawa ngayon. “Nag-aaral ka sa Aguinaldo Uni.?” Tumango ako. Tinignan ang inabot niya sa akin na inumin. “Ito na po sukli mo at gamot mo.” Sulpot ng pharmacist sa harapan ko. Dala ang isang tray na lalagyan ng paper bag na pinaglalagyan ng gamot ni mama at sukli ko sa limang daang dala ko. “Sa-salamat.” Yumuko ako at inabot ang paper bag. Dali-dali akong naglakad palabas. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalagpas sa pintuan. Napatapat ako sa isang itim na sasakyan. Sumandal ako doon para huminga ng mas maluwag. Whoo! Muntikan na ako mamatay doon, ah? Hindi na pala ako humihinga ng mga oras na iyon. Taas baba ang dibdib ko sa pagod. Dinaig ko pa ang tumakbo. “Ah, miss. Idagdag mo na ito sa binili mo para ‘di ka na ubuhin.” Pahabol niya. Inabot ang isang banig ng Solmux. Napalunok ako. Wala na akong kawala. Hindi ko namalayan na nakalabas na ito at ito— nasa harapan ko. Looking so good. “A-ay hindi na po k-kuya. Me-meron na po ako.” Itinaas ko sa harap namin ang dala ko. Ngunit binaba ko muli ito nang makitang ang bote pala ng tubig ang naitaas ko hindi ang paper bag na may lamang gamot. “Why are you so tense?” nakangisi niyang tanong. “Anyway, sa iyo na ito. Kung ayaw mo, itapon mo na lang.” pagpupumilit niya. “Thank you po,” Sa nanginginig na kamay, inabot ko ito. Nakatingin siya sa akin. Sinisipat ang buong katawan ko. Bakit ganyan siya makatingin? Nakikilala kaya niya ako. Napatakip ako ng bibig ko. Pwede kaya iyon? Pero hindi. Nakatakip ang mukha namin halos bibig at ilong na lang ang nakalabas. Iba din ang kulay ng aming mga mata at buhok. Hindi pwede iyon. Pero bakit. . . “Ah, miss. . . may bibilhin ka pa ba?” Ano daw? Nabibinge ako. “Kasi hindi ka pa umaalis. Hindi ako makakapasok sa sasakyan ko kung nandiyan ka.” Napanganga ako nang mapagtanto ang sinabi niya. Tanga ko talaga! Nakatayo ako sa pintuan ng sasakyan niya. “O-opo. P-pasensiya na po a-at salamat u-ulit.” “Relax! Hindi kita kakainin.” Pero ginawa mo na. Tumikhim ako nang maalala ang gabing iyon. Parang kanila lang ito nangyari. Ramdam na ramdam ko pa rin sa katawan ko ang pamilyar niyang haplos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
40.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.4K
bc

Daddy Granpa

read
279.4K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook