Chapter 3

1445 Words
Natasya POV “Masyadong makapal, Bebs!” Itinulak ko ang kamay niyang naglilinya ng eyeliner sa mga mata ko. Nakadilat ang isang mata ko habang ang isa ay nakapikit, nilalagyan niya ng, ‘Cat eyeliner daw!’ Nakakainis! Pinaghirapan kong ayusin ang eyeshadow ko, e! Nangangalay na ang kamay ko kaka-apply kanina, mapantay lang ito. “Hindi kaya! Ayos lang naman! Ganyan naman talaga ang Cat eye. Makapal sa gilid at matulis. Duh!” aniya pa. “Baka kasi imbis na magmukha akong mataray at palaban niyan, maging. . .” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya agad. “Dami mo sinasabi. Hindi naman, ‘di ba Danie? O. A lang itong si Natasya.” tanong niya kay Danie o mas kilala bilang si Electra sa labas ng kwartong ito. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon at grabe din ang pinagdaanan ng babaeng ito. But, I love her. She is my sister in here. Napakabait niya at maasahan lagi. “Hindi naman, Nat. Tama lang. Bagay mo nga, e.” Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin at inabot kay Bebs ang pinapaabot niyang eyeshadow. “Korak! Mana ka talaga sa akin, Danie. Ang ganda na, may taste sa make-up at sa make-up ko.” maarteng aniya. Inirapan ako bago ako madahas na pinapikit muli. “Naku, ayusin mo, Bebs! Kailangan ko maka-kwarta ngayong gabi pambayad sa mga needs ko sa school. Kailangan ko na din magbayad ng kuryente’t tubig bukas.” Napabusangot ako nang muling maalala ang mga bayarin na isinulat ko sa notebook ko. Plus, mga homework’s na nakapila pa. “Ewan ko ba naman sa ‘yo, Nat. Pwede mo naman tanggapin ang offer nila sa ‘yo. Mataas ang rate na binigay ng huling lalaking nag-aya sa ganda mo, ah? Bongga talaga kayong dalawa!” Pagdilat ng mata ko nakita ko siyang pinapalo ang balikat ni Danie na katabi ko lamang. Nakita ko kung paano napangiwi si Danie sa harapan ng malaking salamin sa harap namin. Si Bebs naman nakatayo sa harapan ko. Tinatakpan ang itsura ko sa salamin. “Ayaw ko.” mahinas anas ko. “Kakayanin ko naman ang bente kwatro oras na gumigiling sa stage. Saka, paggaling ni nanay hindi na ganoon kabigat ang gastusin namin.” Nag-iipon kasi ako ng pampa-checkup niya kaya ito— kinukulang talaga ang pera ko. Correction, talaga palang kulang ako sa pera. Mas kinukulang nga lang ngayon. “Salamat pala Danie sa pinahiram mo sa akin, mamaya ibibigay ko na.” Tinapik ko siya sa kanyang balikat. Nilalagay niya na ang kanyang hikaw na pares sa kanyang kwintas. Ang ganda ng babaeng ito. Nakakainggit. “May pera ka na agad?” biro niya. “Nagbigay si nanay kanina ng pera. Babayaran ko muna ang half sa iyo, sa susunod na ang iba, a?” “Hayaan mo na muna iyon.” Parang may nakita akong lungkot sa kanyang mga mata. Kahit na naka-contact lens siya, kitang-kita ko ang lungkot doon. Huminga siya ng malalim. Hindi ko na siya inabala pa. Hinayaan ko na rin ang kanyang katahimikan. Pinaubaya ko na lang ang lahat ng ayos ko kay Bebs. Magaling naman talaga siya dito. Binibiro ko lang siya kanina. Pampagaan naman sa loob. Mas maganda nga ang makapal na make up, e. Iwas sa mga makakakilala sa akin. Kahit na meron kaming mask at contact lenses, hindi pa rin mawawala ang chance na may makakakilala sa amin. Kung hindi man mga kakilala namin, pwedeng mga kapatid nila, anak o ama o tiyuhin o lolo. Maliit lang ang mundo naming mga bayarang babae. Naging busy na ako sa pagsuot ng costume ko. Nawala na din si Bebs at Danie. Kailangan niya kasi siyang tulungan para sa pagsayaw niya mamaya. Sa VIP sila ngayon gabi, kung saan, doon siya magsasayaw habang unti-unting inaalis ang kanyang mga saplot. Wala naman siyang kasama sa maliit na stage na iyon dahil ang mga audience niya ay sa salamin lang siya napapanood. Pinapanood siya doon na parang nasa isang live show. Sa labas ng kwartong iyon. Nandoon ang mga nanunuod sa kanya. May tatlong level iyon. Ang 1st level, para sa mga matataas ang bayad. Isa lang siya per bayad. 2nd level naman ay middle lang. Pwede ka magsama pero 2-3 lang. At sa 3rd level, sa magkabilang gilid lang sila ng 2nd. Dahil ang sa gitna, doon talaga naka-alay ang pagsayaw ng dancer. Hindi ko pa na-try doon. Ito kasi ang bagong gimik ni Boss Z para makilala si ‘ELECTRA’ bago ang kanyang auction. Parang isang bait sa mga mayayamang malilibog. The more na na-addict sila sa kanya, the more na mataas ang kanyang price. Ibang-iba siya sa aming lahat na nandito. Pinasadahan ko ng tingin ang itsura ko sa salamin. Satisfy naman ako sa kinalabas ng ayos ko. Sexy cat ang theme ng stag party na dadaluhan namin ngayon. All black suit ang suot ko with whiskers sa ilong at pisngi. Black din ang mask ko at headband na pa-tenga ng pusa. Napangiti ako ng makita ang ayos ko kay Wednesday sa isang competition nila sa kanilang school kung saan kailangan niya magsuot ng ganitong klaseng costume. “Natie, ready na ang lahat,” hudyat ko iyon para ayusin na ang mga dadalhin ko. Sa isang hotel kami pupunta. Doon gaganapin ang stag party ng isang mayaman. Hindi naman ito kalayuan at sakto lang ang oras namin. Ilang beses na rin ako nakapasok sa hotel na iyon bilang si, ‘Sirius’. Pagdating sa hotels, sa likod kami dumaan kung saan may VIP elevator doon. Pinark ng aming driver ang van sa isang parte. Ang mga sasakayan dito ay may sariling cubicle. Hindi makikita ang mga ito. Ibig sabihin, mga taong matinik sa publiko ang mga naka-park dito. Mga taong hindi pwedeng malaman na pumupunta sila sa ganitong klaseng lugar. “Yas, sa tingin ko makakahuha ako ng boylet ngayon. At sisiguraduhin kong bawat oras ko sa kanya worth it.” saad ng kasama kong sasayaw mamaya. “Well, good luck! Baka magaya ka kay Tricia na karma ang inabot.” anas naman ng isang kausap niya. “Huh? Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko para ikumpara mo sa kanya, no! She deserves it.” “Hindi tamang sabihin iyan.” agap ko. “Walang may deserve nang nangyari sa kanya. Pasalamat na lang tayo at hindi tayo ang nasa kanyang kalagayan.” Kahit na ganoon nga ang ugali ng isang tao, ‘di pa rin maganda na kinukutya na ‘tin sila lalo na sa harapan pa ng ibang tao. Hindi man kami nagkaroon ng magandang memories ni Tricia, isa naman siya sa mga naituring ko ng pamilya, toxic nga lang. Pero, naging idolo ko din siya noon. Isa sa mga hinangaan ko noong bagong pasok siya dito. Maganda siya, sexy, maputi, at bad-ass talaga. Isa sa mga nagustuhan ni nanay na talent under niya. Maangas, mataray at palaban. Pero she knows her job well. Magaling siya magdala ng kanyang mga bisita. Isa siya sa mga highest paid star dito noon. Naalala ko pa noong fifteen ako, dito ako tumutuloy pagkatapos ng klase ko para tumulong sa pag-aayos ng bar para may pambaon na ako kinabukasan sa eskwela. Niregaluhan niya ako ng bag na gamit na gamit ko noon sa eskwela. Nakita niyang butas na ang bag ko, ‘de kandila pa ang zipper nito para hindi ma-stock ang zipper. Kaya laking pasasalamat ko ng bigyan niya ako ng isang jansport bag na kulay pink. Mahal na mahal ko ang bag ko na iyon. 3 years ko yatang ginamit iyon dahil iningatan ko talaga. Nasa bahay pa nga iyon ngayon, sira na ang straps niya pero nalalagyan ko pa rin naman ng mga lumang damit ko na ‘di nagagamit at sagabal lang sa maliit kong tokador. Pinapasok kami sa isang kwarto. May isang kama dito, banyo at sofa. Pero hindi kami narito para mag-relax. Kinuha na namin isa-isa ang mga gamit namin para maghanda. In about tens minutes, mag-uumpisa na ang party. Nagtext ako kay nanay na nadito na kami. Hindi para magpaalam kung hindi para i-inform siya na mag-start na ang oras ng trabaho namin. Ililist a niya ito sa aming log book para sa kitang kikitain namin mamaya. Nag-inat-inat ako. Inikot-ikot ko ang balakang ko para sa matagalang gilingan. Sisikapin kong makakota sa tips nila mamaya. Sana naman hindi sila kuripot. Gagalingan ko naman! Umupo ako sa loob ng isang kahon. Ito ang regalong binayaran nila para ialay sa groom. Hindi na ito bago, at ilang beses ko na rin ito nagawa. Konting giling, hagod, at hipo . . . mababawasan na ang alalahanin ko sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD