LORRINE'S POV LIWANAG. May liwanag na tumama sa mga mata ko dahilan para sumakit ang ulo ko at magising ako. Lubhang masakit iyon sa mata na kailangan kong idilat ang mga mata ko upang makaiwas sa liwanag na iyon. Ngunit nang sandaling iiwas ko ang aking paningin ay mas lalong sumasakit ang ulo ko. Dahil doon, napabalikwas ako ng bangon. Ang kaninang masakit na ulo ay mas lalong lumala nang mabigla sa pagkakabangon. Maging ang katawan ko ay nananakit. Nanghihina at para bang binugbog ako nang todo. Doon ay tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. At nanlaki iyon nang makitang nasa isang selda pa rin ako. Hala! Anong nangyari? Sinubukan kong igala ang paningin ngunit nanlalabo pa iyon. Pero tatlong pigura ng salamangkero ang nakita kong nakaupo rin sa harap at gilid ko. Kinuskos ko an

