Chapter 22

3556 Words

LORRINE'S POV INIPON KO ANG AKING buong lakas para lumaban. Kahit na alam ko sa aking sarili na hindi pa isang daang porsyento o maski kalahati ang bumabalik na lakas sa akin, mas minabuti ko ngayon na hindi maging pabigat. Hindi ko alam kung ano ang maaari naming kahinatnan pero hindi rin ako papayag na wala akong gawin. Alam ko sa aking sarili na maaaring hindi ko kayanin ang pakikipaglaban. Alam ko ang kapasidad ng aking katawan. Alam ko kung kailan ako magiging delikado at alam ko rin kung kailan ako manghihina nang todo. Nais ko mang iwaksi sa aking isipan ang kahinaan, ngunit sadyang pinapamukha sa akin ng sitwasyon na wala akong magiging laban. Pinamumukha sa akin ng sitwasyon na hindi ko kaya, na mamamatay kami rito nang walang kalaban-laban. Kung maaari ko lang gamitin ang aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD