THIRD PERSON'S POV "TARA NA. Sanayin ninyo ako." Kitang-kita ni Lorrine ang pagtataka sa mukha ng mga ito nang lumapit siya. Hindi naman niya magawang mag-react sa mukha ng mga ito dahil mas lalong magtataka ang mga ito kapag ngumiti siya. So she decided not to react and looked at them with no reaction on her face. Batid naman niyang pagtataka ang magiging reaksyon ng mga ito dahil alam niyang ang tingin ng mga ito sa kaniya ay galit siya. Na siya namang totoo at hindi niya pabubulaanan. Ngunit naisip niyang hindi ito ang tamang oras para makaramdam siya ng ganoon. Hindi dapat maapektuhan ng nararamdaman niya ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Hindi dapat inuuna ang ganoong pakiramdam kaysa sa sitwasyong kinahaharap ngayon ng kanilang kaharian. Sooner or later, she will accept it. Masak

