THIRD PERSON'S POV "YOU FOOLED ME!" Galit na galit ang boses ni Lorrine Kirschtein nang sumigaw siya niyon. Walang mapaglagyan ang galit sa puso niya nang malaman ang totoo. All this time, she was fooled by them. She was fooled by her so-called friends. "Lorrine, please listen." Nanlilisik ang mga mata niya nang tumingin sa reyna ng mga Questhora. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya makayang tuluyang magalit dito sa katotohanang ito pala ang nawawala niyang ina. Ang buong akala niya, wala na siyang pamilya. Iyon pala, para siyang isang bagay na basta na lang ipinagkatiwala sa pinagkakatiwalaang nilalang nito. Nabulag siya. Naniwala siyang ulila na siya. Naniwala na siyang wala siyang pamilya kundi ang mga kumupkop sa kaniya. And then all of a sudden, biglang magiging ganito ang tak

