KABANATA 1
HAZEL POV
Maganda ang sikat ng araw sa kalangitan na tila ay sumasang ayon sa pag iisang dibdib namin ni Alden. Three years na ang relasyon namin at nagsimula ito noong kami ay college pa lang. Una ay tutol sa akin si Ninong Max dahil na rin sa magka ibang estado ng buhay namin ni Alden, mayaman kasi si Ninong Max na kumupkop sa akin noong bata pa lang ako.
Namatay kasi sa sunog ang parehas kong mga magulang at simula nito ay siya na ang nag alaga sa akin. Pinag aral ako sa private schools at noong college ay nakilala ko si Alden na isang scholar.
Hindi lang hitsura ang nagustuhan ko kay Alden, pati na rin ang kanyang charisma, sipag, at talino. Sa buong klase namin, siya lang ang bukod tanging scholar na nakapasok dito. At sa dami ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya, ako lang ang bukod tanging napansin niya. After graduation ay nag propose na ito sa akin.
Bilib din ako sa boyfriend ko, sa kabila ng pagtaboy ni Ninong sa kanya na nag bibitaw ng mga masasakit na salita, natiis niya ito dahil lang sa pagmamahal nito sa akin. Until recently, nang makita ako ni Ninong na umiiyak, naawa ito sa akin at sa wakas ay pumayag nang maka isang dibdib ko ang lalaking pinaka mamahal ko. At katulad nang pangako ko sa kanya, I keep my virginity until this very day. Si Alden lang ang may karapatan to take it, my body only belongs to him.
Excited na akong makita siya sa simbahan kung saan kami unang nagsimbang magkasama. Pero magpapaganda muna ako, I will make sure na matutulala ito mamaya kapag nakita na n'ya akong naglalakad sa gitna ng isle. Not only him, but all the people who are attending my precious wedding. Ito na marahil ang pinaka highlight ng aking buhay.
Suddenly, habang mine make up-an ako ay naka receive ako ng tawag kay Ninong Max. He's already at the wedding party dahil isa ito sa mga nag organize. Ako ang dapat na mahuli sa aming wedding sapagkat ako ang bride.
I smiled while looking at myself in the mirror, gandang ganda lang ako sa sarili ko.
"Where are you?" he asked, ang lamig talaga ng boses nito kahit sa phone man o sa personal. Fluent din ito sa English, he is Afam after all, kaya basic lang ito sa kanya. In fact he is the reason why I became so fluent in English as well.
"Heto po, mine make up-an pa rin ng bestfriend ko."
"You excited?" tanong nito, I can hear some laughter in the back ground.
"Yes po Ninong! Ang tagal na po namin itong hinintay ni Alden and right now, I am at the happiest day of my life. Thank you po sa pagtanggap niyo sa boyfriend ko bilang magiging asawa ko. I know it's really a hard decision in your part but I assured po na 'di pera ang habol sa akin ni Alden."
"Walang anuman, simula nang kupkupin kita, tinuring na kitang parang isang tunay kong anak. Sinunod ko ang lahat ng luho mo. I even enrolled you sa isang sikat na university."
Ilang beses na n'ya itong sinasabi sa akin simula nang pumayag ito na ikasal ako kay Alden. At mas lalo ko tuloy itong nirespeto.
"Mabuti ka pa, naunahan mo pa nga akong mag asawa eh," may lungkot pa sa boses nito.
"Ikaw naman po kasi Ninong, ang gwapo gwapo mo. Sa dami ng mga nirereto ko sayong babae, wala kang nagustuhan kahit na isa."
I mean what I said, he is really a handsome guy, I hate to admit it pero mas pogi s'ya kay Alden. 6'2 ang height nito, macho, kulay asul ang mga mata, matangos ang ilong at humahawig kay Chris Ev*ns, may six packs abs pa dahil well mainted ang body, he's really active sa gym. Sa tindig pa lang nito ay malakas na ang kanyang dating. Noon ngang company outing namin, siya ang pinaka pinag lawayan ng mga girls and if he's not my ninong, isa na ako sa mga nag papansya sa kanya. Subalit ninong ko ito so pinipigilan ko ang sarili ko to fantasize about him especially whe he's shirtless.
Sabi nga ng mga girls na tumingin sa shirtless kong ninong, kanin na lang daw ang kulang kasi ulam na ang katawan nito.
"You know me, mataas ang standard ko sa babae kaya siguro ay wala pa akong nakikitang mapapangasawa ko."
May halo nang lungkot sa pananalita nito na para bang nape pressure na s'yang magkaroon ng love life. Kung di lang ito pihikan, baka may asawa na rin ito ngaun. I want him to be happy because he deserves it. Masipag na lalaki at mayaman pa— he's the real definition of a perfect man that every girl is dream of having.
"Ninong sorry po ha? I do not want to pressure you pero you are not getting any younger. You are already 42 years old and you need to have your family as well."
"Yes I know! Malay mo this year ay baka makita ko na ang hinahanap ko. Baka nga nasa paligid lang 'yan, di lang ako pinapansin."
Napakunot ang noo ko sa pag iisip. Para bang mayroon na itong ideal girl but he's not telling me. If that is the case, magtatampo ako sa kanya sapagkat ayaw kong inililihim n'ya ito sa akin.
"Ikaw ninong ha? You're not telling me that you already have especially someone," panunukso ko.
"Wag mo na pansinin ang sinabi ko. S'ya nga pala, wala pa ang sasakyan ni Alden dito. He's not even answering my calls. Supposedly ay s'ya lang din ang nakasakay sa kanyang sasakyan like what we've organized. Ngunit until this very moment ay wala itong response. Baka nga mauna ka pang dumating sa kanya."
Umalon ang kaba na dumaloy sa dibdib ko at tumindig ang balahibo ko. Sa taranta ko nga ay napatay ko ang tawag without saying good bye to him. Napatingin ako kay Lea, the one who's doing my make up.