KABANATA 2

1030 Words
HAZEL POV Nakikita kong namumugto na ang mga mata ko sa harapan ng salamin. Gusto mang tumakas ng mga luha sa aking mga mata, baka mabura ang magandang make up sa akin ni Lea. Uulitin na naman ito sa umpisa. "Kalma ka lang Hazel, ayos na ang make up mo. Remember, today is your wedding party at dapat na maging masaya ka. Baka na lowbat at na traffic lang si Alden sa kasal ninyo. Ang tagal pa naman nating nag prepare ng iyong make up so smile okay?" She really knows how to calm me in this difficult situation. "Mas mabuti pa siguro kung umalis na tayo Hazel." "Okay lang ba yun ng wala si Alden?" tanong ko, medyo nawala ang kaba ko. "That is totally fine, pramis ko sayo, na traffic lang si Alden. Pero kung mauna man tayo doon sa area, eh di sa labas lang tayo ng simbahan mag hintay. Kaysa sa ikaw din ang ma late, it's better to go there earlier kaysa sa maghintay tayo dito." Inayos na nito ang kanyang make up kit at magkasama kaming lumabas. Inalalaya niya ako hanggang sa makasakay kami sa puting bridal car na limousine. Ito ang bagong sasakyan ni ninong na ako ang unang pinagamit. Talagang milyon milyon ang ginastos niya para lang maging memorable ang kasal na ito- para sa akin na tinuring niyang parang anak. Habang nakasakay kami sa limousine, panay rin ang tawag ko sa phone ni Alden subalit puro ring lang ito. Hindi rin n'ya sini seen ang mga chats ko. My hands are shaking right now habang papalapit kami sa simbahan. No matter how Lea calmed me, I am still shaking like hell. Saan nag punta ang boyfriend ko? He knows na isang message ko lang ay dapat nagsi seen na ito. Palakas ng palakas ang kutob kong mayroon nang masamang nangyari sa kanya. Muli akong tinawagan ni Ninong Max. Kaagad kong nilagay ang cellphone ko sa kaliwang tenga ko. "Nasaan ka na?" tanong nito. "Ninong, on the way na po kami sa simbahan ni Lea. Pasensya na po kayo kung umalis ka na wala pa si Alden. Nasaan na po ba siya? Tumawag na ba sa inyo?" Nanginginig ang aking mga labi sa aking pagsasalita. "Wala pa siya dito. Kanina pa namin tinatawagan, mabuti na lang siguro at maaga kang umalis. Dito na lang natin siya hintayin." Kalmado lang ang pagsasalita ni Ninong sa akin. "Maging kalmado ka lang. Malay mo ay sabay kayong dumating ni Alden dito. Sige na, hihintayin ka naming lahat." Binabaan na ako nito ng tawag. Sa sobrang panginginig ng mga kamay ko. Si Lea na nga ang naglagay ng cellphone sa aking pouch. Dumating kami sa tapat ng simbahan ng 10 am. Ang dami ng tao sa labas, medyo mabigat ang aking gown kaya tinulungan na ako ni Lea ulit. Di ito sakop ng trabaho n'ya ngunit naa appreciate ko ang pagmamalasakit nito sa akin. Maaasahan ko talaga siya pagdating sa ganitong bagay. Matatawag kong isang totoo kong kaibigan. Pagbaba namin, sinalubong na ako ni Ninong. Naka shades pa siya, ang lakas ng dating niya sa itim nitong coat. Mayroon pang red rose na nakadikit sa kaliwang bulsa ng coat. Naka trim din ang kanyang gupit and he looks so young. Para ngang s'ya ang groom namin ngayon. "Get inside your car, wag ka munang lalabas hangga't wala pa si Alden. Dapat siya ang unang makita ng mga tao. Sige na, ipa park na lang sa gilid ang bridal car. Kalma ka lang okay? Darating din si Alden. Basta panghawakan mo ang sinasabi ko, everything is going to be okay." Muli akong pumasok sa loob at sumunod si Lea. Si ninong, he instructed the driver but I could barely hear their conversation kasi medyo malayo kami sa driver. May two row of seats sa pagitan namin. Nang umalis ito, nag drive muli ang driver, akala ko nga ay babalik kami sa studio kung saan ako minake up-an pero huminto lang kami sa gilid. Naka diretso lang ang tingin ko sa daan, hinihintay ang pagdating ng sasakyan ni Alden. I have no idea kung ano ang klase ng sasakyan na ginamit niya. Sa dami ng sasakyan ni Ninong, clueless ako whether sports car ba o van ang ginamit. Medyo secluded ang simbahan na ito, so I am assuming na kung ano yung sasakyan na dumating, ito na sasakyan na dala ang mapapangasawa ko. "Friend, gusto mo ba na i retouch ko muna ang make up mo ha? Medyo nabubura na rin kasi tense ka na eh." Sumagot ako habang nakatingin sa aming harapan. Ayaw kong ikurap ang mga mata ko, nagbabaka sakali na dumating na si Alden. Kahit na mag stay ako dito ng ilang oras, ayos lang sa akin as long as dumating s'ya ng ligtas. For sure ay mayroon s'yang magandang explanation mamaya kapag dumating ito. Whatever reason that is, I'll believe in him because I trusted Alden so much! "No thanks, I think na okay pa ang make-up ko. Kapag dumating si Alden, bababa tayo kaagad para salubungin s'ya." "Ngek! Magugulo ang flow ng wedding n'yo kapag lumabas ka. Your beautiful moment will be ruined, so much better if sa loob na lang kayo magkikita." "No, I mean what I've said, mas gusto kong sabay kaming pumasok sa loob ng simbahan. I don't care if masira ang flow ng event. I am sure na maiintindihan ni Ninong ang gagawin ko. It's not a big deal because I am still the bride," seryoso koing sabi sa kanya. "Okay sorry! Let's wait until he arrives, and let's hope na walang mangyaring masama sa kanya." "Of course nothing bad will happen to him," ako na ang nagsabi nito dahil gusto kong alisin ang negativity sa aking utak. I don't think of anyone na pwedeng sumira ng aming kasal. Naniniwala ako na ang lahat ng mga tao sa paligid namin ay suportado ang pag iisang dibdib namin ngayong araw. Ilang minuto pa ang lumipas, mayroong dumating na isang puting sports car- this one belongs to Ninong Max. Abot tenga ang ngiti ko nang dumating ito, malakas ang pakiramdam kong si Alden ang sakay nito at wala nang iba pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD